31

6.4K 231 23
                                    

J E S S Y


"I'm sorry kung nakatulog ako." Rinig kong paumanhin ni Jasmine sa akin habang nasa elevator kami paakyat sa condo ko. Nakatulog kaming dalawa sa sofa niya na magkayakap at nagising nalang kami ay umaga na.

Kinailangan naming mag asikaso agad pauwi naman sa condo ko dahil papasok pa ako sa trabaho.

"Don't mind it babe, nakatulog din naman ako." It's 6am at kahit sabihin kong huwag na ako ihatid ay nagpumilit pa rin ito.

Magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa unit ko.

We woke up feeling light today, paggising namin kanina ay pareho na naming naiintindihan ang isa't isa. No words, no explanations. We just smiled at each other and that's it.

"How can you be beautiful and sexy this early?" Bulong ko sa kanya na ikinapula ng pisngi niya.

"Baby, believe me, mas maganda ka sa akin."

Sa sinabi niya, ako naman ang namula na ikinatawa niya.

"Unang una, hindi kita magugustuhan kung hindi ka maganda "

Smiling I raise my left eyebrow. Mabuti nalang at wala kaming kasabayan na naglalakad ngayon sa hallway.

"Pangalawa, mas sexy ka." Hinagod niya ng tingin ang katawan ko. I am wearing dress pero sa paraan ng tingin niya ay para akong hubad sa titig niya. "Hindi lang sexy, masarap pa."

I gasp with what she said. Bigla ay umikot ang ulo ko para tignan kung may nakarinig sa sinabi niya.

Mas lalo siyang natawa nang makita ang reaction ko sa sinabi niya.

"Oh baby. You look so hot blushing right now." Dagdag pa niya na ikinainit ng katawan ko.

"Katawan lang yata habol mo sa akin e." I joined her playfulness.

"Oh you got it right, Ms. Ramirez."

Mula sa pagkakahawak niya sa kamay ko ay lumipat ito sa baywang ko. Mas lalo niyang idinikit ang katawan niya sa akin. She's wearing a dress too pero ramdam ko ang nipis ng tela ng suot niya dahil sa init ng katawan niya.

"Baby stop it.."

Lalo pa siyang natawa ng maramdaman niyang naapektuhan na ako sa pang aakit niya.

Masaya at excited kong binuksan ang pintuan pero para naman akong nabuhusan ng malamig ng tubig sa naabutan namin sa loob ng bahay.

Maging ang nasa likod kong si Jasmine ay napahinto sa nakita niya. Mabuti nalang ay bumitaw siya sa akin nang buksan ko ang pintuan.

"Mama?"

What's she doing here?

"Jesiah anak"

Nagulat man ay lumapit pa rin ako kay Mama, niyakap at hinalikan ko ang pisngi niya.

"Ma, what are you doing here? Kailan ka lang po bumyahe?"

"Kaninang madaling araw lang." Hinagod niya ang balikat ko at tiningnan akong seryoso. "Saan ka galing at hindi ka dito natulog?"

"Sa bahay po ng..."

"We need to talk."

Okay. It's clear na wala siyang pakialam sa sagot ko dahil pinutol niya sa ang sasabihin ko.

"Tungkol saan po?" Why this sudden?

"Teka, sino muna nga pala ang kasama mo?" Bintawan ako ni Mama at hinarap si Jasmine na nasa likod na ang mga kamay. "Iha?"

Loving The FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon