23

7.3K 219 2
                                    

J E S S Y

"Cheers!" 

Sumabay ang ingay ng yell naming lahat after magtaas ng mga inumin sa ere. Nasa bar kami ngayon kasama sina Selena at Samantha. This is a call for celebration of our friendship. Also, it's been months since Jasmine and I are officially together. Going strong ang relasyon namin ni Jas kahit patago. Hindi man kami araw-araw nagkikita dahil sa kanya-kanyang trabaho, may communication pa rin naman kami at iyan ang importante. Kapag free time naman naming dalawa, halos hindi kami mapaghiwalay.

Jasmine's quiet on media nowadays. Napansin ko rin na hindi na siya madalas magpa-interview o mag-post sa social media. Alam ko 'yan dahil nabanggit niya sa akin nang minsan na sinadya talaga niyang mag-lay low muna sa media para makapag-bond kami nang maayos at wala ring masyadong pag-uusapan ang mga tao. That's one of the things I like about her, she prioritized me more than her fame. Feeling ko tuloy ang haba-haba ng buhok ko.

"Ukh! What's this?" Tanong ko kina Selena at Samantha nang malasahan ko itong alak na ipinainom nila sa akin.

The two witches grinned at me. "Gin."

"What?" Parang malaglag ang panga ko sa gulat. "No, no, no. Not gin for me." Ibinaba ko ang baso sa bar counter na ikinailing ng dalawa.

"Richard! Bigyan mo nga ito ng Jager!" Tawag ni Selena sa bartender na kilala na namin. "Ito kasing babeng 'to, nagka-jowa lang e ayaw na ng hard drinks." Dagdag pa ng gaga niya. Sinamaan ko nga ng tingin. Kahit naman kasi noong wala pa akong girlfriend e hindi talaga ako umiinom ng hard drinks.

"She's blooming tho. Halatang inlove." Pang-asar naman ni Samantha.

"Yes she is! Mas lalo ka yatang gumaganda, Jesiah?" Tudyo rin ni Selena. "Yan ba ang nagagawa ng sex sayo?" Nilalaro pa niya ang buhok ko sa likuran. Isa ito sa gustung-gusto niyang gawin sa akin kapag magkasama kami. May time nga rin noong college kami na tatabi lang siya sa akin para gawin ito.

"Shut up, Sel!" I tapped her hand away. Kung wala lang talaga kami sa public na lugar ngayon, binuhusan ko na ng tubig ang loka. Buti na lang at maingay dito sa bar kaya wala makakarinig na iba sa amin. "Masyado ka talagang straightforward. Mas malala ka pa kay Sam."

"Oh! Ba't ako nadamay diyan?" Angal naman agad ni Samantha na bahagyang siniko si Selena. "Hindi kasi ganyan. Dapat sinabi mong blooming dahil artista ang nakaka-sex niya!"

Damn bitches.

Tiniiman ko sila ng tingin at humagalpak sa tawanan ang dalawa. "Kung alam ko lang na pagtutulungan niyo akong dalawa ngayon, eh di sana hindi na lang ako sumama ano."

"Isa pa yan!" Angal naman ni Selena. "Nagka-jowa ka lang wala ka ng time sa akin!"

"Sa atin, girl! Sama mo 'ko!" Dugtong ni Samantha.

"Ay, kasama ka ba?"

"Shut up!"

Natawa na naman sila kaya naiiling na lang ako. "Kayong dalawa, tigilan niyo nga ako sa kadramahan ninyo. Maghanap na rin kasi kayo nang magka-jowa rin kayo at hindi ako ang pag-tripan ninyo!"

Biglang natahimik ang dalawa at nagkatinginan.

Nang wala akong nakuhang sagot sa kanila ay umiling ako at pakunwaring umiwas ng tingin. In my peripheral vision, nakikita ko ang knowing na mga tinginan nila.

Weird. Ano'ng meron?

Napapangiti pa ang dalawa then... I knew it!

There's something going on between them. I knew it. Matagal ko nang napapansin 'tong best friend ko na laging bukam-bibig si Sam e kaya naghinala na talaga ako.

Loving The FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon