J E S S Y
Monday after work nang dumiretso ako sa studio. I keep on playing tracks habang ang daming ideas na pumapasok sa isip ko. Even while working earlier, I've been doing a choreograph in my mind. Kaya palagi akong nakaheadset sa office habang nagwo-work. It's just my thing. I can't imagine my life without music or dance. They divert my attentions from problems. When I'm stressed from work or something, I dance. When I was tired from dancing I sit and work.
Music, dance, and work—those are my life.
Tonight, together with Georg and Samantha I am pouring all my frustrations to dancing. Nakakatatlong kanta na kami but I want more. Gusto ko pagkauwi ko ng bahay ay matutulog na lang ako sa sobrang pagod. That way, I won't be able to think of Jasmine before bed.
"Jesiah, bukas naman. Pagod na ako!" Reklamo ni Samantha sa akin nang akma akong pipili ulit ng susunod na kanta.
Tiningnan ko lang siya at ngumiti. "Sige na nga, ang haggard mo na e." Biro ko pa.
"Hoy, anong haggard? Ang ganda-ganda ko kaya kahit pagod!" Angal niya.
"Jesiah, you're wild tonight!" Singit ni Georg. "What's with you?"
"Wala naman, nasa mood lang ako!" Pagdadahilan ko naman. "Mauna na kayong umuwi at ako na ang magsasara ng studio. Magsa-shower pa ako after this."
"O sige. See you tomorrrow!" Paalam sa akin ni Sam. Yumakap na rin sa akin si Georg at wala ng nagawa pa nang hilain siya ni Sam.
Pinatay ko muna ang stereos at aircon bago ako dumiretso sa shower. Pagkabihis ko, umuwi na agad ako. Kahit ang daming pumapasok sa isip ko ngayong gabi, Jasmine can't get rid of my mind. Bakit ba kasi sa artista pa ako na-in love? Bakit sa may boyfriend pa?
***
It's already past two a.m. na nang makatulog ako kagabi kaya ngayong umaga ay puyat na puyat na naman ako. Pagdating ko sa office ay sinalubong agad ako ni Jenny.
"Good morning, ma'am. May bisita po kayo today at pinapasok ko na po siya sa office mo." Kinikilig na sabi ni Jenny. Nagtaka naman ako kung bakit ganyan ang reaksyon nito na parang teenager na nakita ang crush sa campus.
"Okay. Bring us coffee then."
"Of course, ma'am!" masiglang sagot niya.
Umiiling akong pumasok ng office at nagulat na lang ako nang makita kung sino ang nakatayo sa may glass wall ng office ko, nakitingin sa labas ng building. As if on cue, lumingon siya sa akin nang maramdaman niyang may pumasok dito.
Jasmine.
Our eyes locked. She has smile on her face pero napansin ko rin ang dark circles sa mga mata niya na halatang puyat na gaya ko. She didn't say anything but stepped towards me. She walked like a model while her hair swayed in her gait.
Huminto siya ng magkatapat na kami sa desk ko. Hindi ako gumalaw while I checked her out. Labas ang kaseksihan niya sa suot niyang crop top skirt at boots.
"Hi, Jesiah. I missed you!" She hugged me tight.
Naramdaman ko ang pangungulila niya sa yakap niya. It's warm and full of love. My heart melts with her action. Hindi ako gumalaw mula sa posisyon ko ngunit nang maramdaman ko ang mumunting halik niya sa may leeg ko mula sa pagkakayakap niya ay nakiliti ako at bahagya siyang naitulak.
"Hi, Jasmine." Pilit akong ngumiti sa kanya.
Do you know how fucking hard it is to act cool in front of the person you miss? The reason of your sleepless night and frustrations?
BINABASA MO ANG
Loving The Famous
RomanceBeing a reserved bisexual, Jesiah couldn't help but to hide her sexuality in the public especially to her family. She was contented to remain covert for life, but not until she met the famous Jasmine Gray. The model-actress seemed to be her exact op...