1

18.6K 393 16
                                    

J E S S Y


"Excuse me, Miss Jesiah? They're now ready for you!"

Napatigil ako sa pagtatype ng report sa laptop ko at inangat ang tingin sa babaeng tumawag, ang assistant kong si Jenny na nasa pintuan. I was zoned out. Whole day akong wala sa sarili dahil focused ako sa trabaho at ni wala akong maalala na may meeting ako ngayong oras.

"Pardon me, Jen?" I asked her.

"Your 3 p.m. meeting is now ready ma'am."

Pagkarinig kong 3p.m. ay automatic agad na napatingin ako sa relo ko. Shit. Alas tres na pala. Ngayon ko pa naalalang may meeting ako. Hindi ko na naman namalayan ang oras at hindi pa rin pala ako nananghalian. Masyado na akong focus sa work ko.

Bilang Accounting head sa isang kilalang kompanya dito sa Metro Manila, sinisiguro ko kasing maayos at on time ang pagbibigay ko ng mga report sa mga boss ko kaya lagi akong subsob sa trabaho, pero dahil naman sa kasipagan ko kaya nakuha ko ang tiwala nila.

"Okay. I'll just fix myself." Sabi ko sa assistant ko at tumayo mula sa swivel chair.

"Okay, ma'am!".

Pagkatapos kong mag-ayos, dinala ko ang notebook, ballpen at aking laptop. Nagtungo na ako sa board room kung saan gaganapin ang meeting. Pagpasok ko pa lang ay binati na agad ako ni Mr. Montero, ang boss ko at may ari nitong kompanya.

Hanggang sa kalagitnaan ng meeting ay para akong lutang. Gutom na ako at pagod na rin ang utak ko. Mabuti na lang pagkalaunan ay natapos rin kami nang maayos at walang problema.

"Jesiah, are you okay? You look tired." Pagpansin ni Mr. Montero sa katamlayan ko.

"I'm fine sir. I just need to eat, hindi pa po kasi ako kumakain."

"Naku, iha. Hindi pwede yan, baka magkasakit ka sa ginagawa mo. Masyado kang seryoso. Tingnan mo nga ngayon at wala kang boyfriend, o... girlfriend?" Sabay bigay ng makahulugang ngiti ng ginoo sa akin sa huling binanggit. "Masyado mong dinidibdib ang trabaho mo!"

Yes. He knew I'm gay. Hm not totally, I'm bisexual. Pero hindi ako out sa public. My parents didn't know, even my officemates and my other friends. Iilang tao lang ang nakakaalam nito. Si Selena na bestfriend ko, mga iba ko pang malalapit na kaibigan at ito ngang boss ko.

Noong unang araw ko pa lang dito 3 years ago, inamin ko na sa kanya ang sexuality ko dahil gusto kong maging honest sa kanya, at para maging comfortable na rin ako sa pagtratrabo na walang nililihim.

"Sir naman," reklamo ko nga. "Darating din 'yan."

"Bakit ba kasi ayaw mo sa anak kong si David? Mabait naman 'yun, may matinong trabaho at gwapo rin naman. At saka patay na patay sa iyo 'yung anak ko. Bakit hindi mo siya magustuhan?"

Gusto kong irolyo ang mga mata pero hindi ko ginawa sa harap ni Mr. Montero. Si David kasi ang isa sa mga anak niya na naging kaibigan ko na rin. Aware naman ang lalaking 'yun sa sexuality ko pero gusto pa rin talaga no'n na manligaw sa akin, kahit pa nga ilang beses ko nang inulit na hanggang kaibigang lang ang maiibigay ko.

Ngumiti lang ako bilang pagsagot sa sinabi ng boss ko. Sa katunayan hindi ko rin alam ang isasagot, lalo na't medyo komplikado ang status namin ngayon ni David.

"O siya, tara na nga." Pag-iiba ni Mr. Montero. "I'm taking you out for a meal."

"No need, sir."

"That's an order. Wala kang magagawa dahil boss mo pa rin ako. Understood?" He insisted.

Wala na akong ibang nagawa kundi tumango na lang at nagpaalam para kunin ang bag sa office ko.

***

Loving The FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon