30

7K 262 19
                                    

J E S S Y

"Babe, I'm busy can we just talk tonight? I have ..."

"Napanood mo na ba?" Tanong ng nasa kabilang linya.

"Napanood na ang alin?"

I heard Selena from the other line sighed from my question.

"Can you just tell me?"

"Nothing, babe. Look I'll see you tonight okay?"

"Yeah sure, sorry Sel, medyo busy lang ngayon dito sa office. I'll make it up later. Bye love you"

Pagkababa ko ng tawag, timing naman ng katok sa pintuan ko.

"Ma'am, kailangan daw po kayo sa meeting." Si Jenny, ang assistant ko.

Napatango ako at inayos ang sarili ko. "Okay, just give me a sec. Thank you!"

Pagpasok ko sa board room ay naabutan ko si Mr. Montero, si David, ang ibang head departments at si Henry na prenteng nakaupo, hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang sugat sa labi niya.

The meeting started on cue.

Tungkol ang meeting sa pag-purchase ni Henry ng mga items na in-order sa company. Yun lang naman then after half an hour, finally. Natapos na ang deal. Sa hinahaba-haba ng pagpapabebe niya ay bumili rin naman sa wakas ang mokong.

"Oh here, Jesiah! Please talk with Henry about his payment, the process and how does it works. Give him the details." Saad ni Sir Montero bago lumabas ng board room.

"Okay, sir. " Tumango lang ako.

Nag-alangan lang ako. I don't wanna be alone with this man. Bumaling ako kay David pero napangiwi lang siya, signalling na may susunod pa siyang meeting.

Nang makaalis na sila lahat ay tahimik lang kaming dalawa ni Henry. I see he's staring at me habang kinakalikot ko ang laptop ko.

"Stop staring." Sabi kong hindi tinatanggal ang atensyon sa ginagawa ko.

"Hindi ko lang mapaniwalaan na iniwanan nila ako ng maganda rito."

With that, I looked at him. Taas-kilay. He chose to be silent.

"Jesiah..." Tumayo si Henry at naglakad palapit sa akin. Tumigil siya nang nasa harapan ko na siya. "I missed you."

"This is nonsense." Tumayo na rin ako at isinara ang laptop ko. "I'll just send you the details."

" Jesiah, please, just let us talk?"

"There's nothing to talk, Henry." I told him sternly.

"There is." He walked away while combing a hand on his hair. "I talked to your friends, I talked to David. This punch he gave me? I deserved this. Kung ito ang kapalit ng time nila tatanggapin ko."

"Stop it. We are not talking about that here."

"Then let's talk privately!" Nagtaas na siya ng boses. I can also feel the desperation in his voice. "I'm sorry. Please."

"Henry, kung anuman 'yang pag-uusapan natin. Wala na 'yang kuwenta. I moved on. There's no use of your explanations. Di ba nga sabi ko sayo napatawad na kita? Forget it."

"No. Importante sa akin ito, Jesiah. I want you back, I want the old times, I want to fulfill our plans, my plans and..."

"May bago na ako."

Natigilan si Henry sa sinabi ko. Hindi siya nagulat, 'yan ang ipinagtataka ko. "Alam ko na. David told me."

Okay. So alam niya na rin. "You knew it already. Yes, masaya na ako, Henry."

Loving The FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon