33

1.6K 57 29
                                    

JESSY

"Where have you been?"

Ang galit na salubong sa akin ni Mama pagpasok ko ng bahay.

"We waited for you, all night. Jesiah!"

Ibinaba ko ang dala kong bag at dumiretso ako ng kusina para kumuha ng isang basong tubig.

"You're not answering my calls, not even messages!"

Inisang tungga ko ang tubig na parang walang naririnig. It's only 6am. Wala pa akong maayos na tulog, masakit na ang ulo ko at kailangan ko pang pumasok sa trabaho.

"You don't do that to your Mother, Jes!"

Ibinaba ko ang baso sa sink, naglakad palapit sa kanya, at umupo sa may tapat niya.

Damn, the soft cushion in my back feels soothing. Parang ang sarap matulog nalang.

"Now, what?" Amok ng ina sa harapan ko.

"I'm sorry ma." Maikli kong sagot.

Madami akong gustong sabihin pero ayokong makipag away sa taong kadugo ko, mataas ang respeto at mahal ko. That's just me. Kinaya ko ngang i-set aside ang sarili kong kaligayahan mula pagkabata para sa kanya, kaya kong magpanggap para sa kanya. Lahat kakayanin para sa kanya.

Siya ang kabukod tanging kinakatakutakan ko. Bilang isang Jesiah Ramirez sa iba, alam nilang lagi akong may ipinaglalaban, hindi nagpapatalo, hindi nagpapa api, at lalong hindi sumusuko. Pero sa ina ko, I am the opposite. Tiklop ako sa kanya. Takot ako sa kanya, and that's my reality. Never in my life na nakikita ko ang sarili kong kontrahin at hindi sang ayunan ang anumang sabihin niya.

"You embarrassed us. Nakakahiya ang ginawa mo kahapon. At ano yung tinginan niyo nung babaeng Artista kahapon? Anong ibig sabihin nun?" Galit na tanong niya na ikinayukom ng mga palad ko.

Babaeng artista...

If only mom knows that she's the love of my life... the one who makes me happy.

"Nasaktan lang ako ma, sorry po kung nagawa ko iyon."

I composed myself and tried to be sincere as possible. It's all true tho. Sobra akong nasaktan sa ginawa niya kaya hindi ko na nakontrol ang sarili kong emosyon kahapon.

"That's not an excuse! Ano sa ginawa ko ang hindi mo maintindihan? I only did it for you! For you own good! Lahat ng nanay gagawin yan para sa mga anak nila!"

Ipinikit ko saglit ang mata ko para kontrolin ang emosyon at galit ko. Kahit kailan, hindi ko maiintindihan kung paano mag isip ang nanay ko.

Sometimes I wonder kung nanay ko ba talaga ito kasi napakalayo ng point of view namin sa buhay. Sobrang taliwas.

"Again, I'm sorry ma"

"You need to say sorry to Hektor too!"

"Ma...I.."

"That's not a question. You owe him an apology. Nagpaka lalaki lang naman yung tao kaya niya ginawa yun. He's responsible if you only see."

Duwag you mean.

"Okay ma, I will talk to him."

Labas sa ilong na sagot ko. Tho I'm not sure if Jas will approve this.

"Now if you excuse me. Papasok pa po ako sa trabaho."

Tinignan ko siya kung ano ang reaction niya at ramdam kong madami pa siyang gustong sabihin pero dahil pumayag na ako sa mga gusto niyang gawin ay alam kong tapos na ang usapan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving The FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon