J E S S Y
"Margarita pa please?" Pakiusap ko kay Selena na nakasimangot na sa harapan ko. Nandito kami ngayon sa bar at nag-iinuman kasama si Samantha. Mabuti at nandyan sila palagi para samahan ako sa mga ganitong pagkakataon.
"Seriously, Jes? Lasing ka na. Tama na 'yan." Pagsusungit sa 'kin ni Sam.
"Who's drunk?" I blurted out.
"You!" Sabay-sabay nilang sagot kaya tinaasan ko lang sila ng kilay.
"You know what?" Angil ni Sam sa 'kin. "Why don't you just talk to her instead of avoiding and hiding? Pinapahirapan mo lang ang sarili mo e! Baka may dahilan naman siya sa nakita mo."
"Ano'ng dahilan para doon e nakita niyang naghahalikan sila?" Kontra naman ni Selena.
"What I mean is, malay mo hindi naman talaga sila naghahalikan. Baka naman they're just talking or something?" Suggest ni Sam.
"I don't care, girls!" Singit ko na nga sa kanila. "It's still wrong. Committed na siya bago ko pa siya nakilala, so maling-mali na talaga. Plus, kinakain na ako ng konsensya ko kaya tulungan niyo na lang akong makalimot, okay?"
Niyakap ako ni Selena at hinagod ang likod ko para pakalmahin ako. Alam kong nahihirapan na rin sila para sa akin kaya desidido na talaga akong iwasan na si Jasmine. It's funny that the reason of your joy will also be the reason of your most heartbreak. Ang tanga ko lang para hayaang mangyari ito. Nagpadala ako sa nararamdaman ko kaya hindi na ako nakapag-isip ng maayos.
Iiwas na ako. Talaga. Pagtutuunan ko na lang ng pansin ang mga nanliligaw sa akin at magfo-focus ako lalo sa trabaho at sayaw. Tama na itong katangahan ko.
Two weeks have passed and it's like I've been in hell. Pilit pa rin akong umiiwas at nagtatago kay Jasmine. Sabi ni Jenny ay halos araw-araw daw siyang pumupunta sa office at nakikiusap na sana ay papasukin na siya sa office ko. Pinalitan ko rin ang schedule ko ng sayaw para hindi kami magkaabutan sa studio. Alam ko kasi na pumupunta rin siya sa studio para hanapin ako. Maaga rin akong umaalis ng bahay para hindi na niya ako maabutan kung sakali man.
Gustong-gusto ko na siyang kausapin pero natatakot ako na baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya kaya hihintayin ko na lang na magsawa siya sa kakahintay at kakahanap sa akin.
Iniwasan ko na rin ang manood ng TV para hindi ko siya makita. Takot akong kapag makita ko siya at basta na lang akong mag-breakdown at sumuko at mawala lahat itong pinaghirapan ko para iwasan siya.
Isang araw ng biyernes ay bigla akong tinawagan ni Tita Minda and she invited me for a dinner with Tito Ju sa bahay nila. Masyadong mapilit si tita kaya pinaunlakan ko na lang.
Past six p.m. ay binabaybay na namin ni Mang Kardo ang daan patungo sa bahay nila Tita Minda. Kinakabahan ako dahil baka nandoon si Jasmine. Yun talaga ang ayaw ko na baka makita ko siya at mapunta lahat sa wala ang pag iwas ko.
"Good evening, tita. How are you po?" Bati ko kay Tita Minda at inabot sa kanya ang bottle of wine na dala ko nang pagbuksan niya ako ng pinto.
"Oh, iha! I've missed you. Buti at pinaunlakan mo kami ng Tito mo?"
"Si Jesiah na ba iyan?" Si tito naman ang lumapit sa amin ni tita. "Jesiah, come here. Give your tito a hug!"
I smiled seeing this two. Ang sweet nila, na-miss ko tuloy sila mama sa probinsya.
"Tara sa kusina, iha. Nagluto ako ng hapunan. Huwag kang mag-alala, wala si Jasmine ngayon"
Nagulat ako sa sinabi ni tita. Alam kaya niya na ayokong makita ang anak nila? Ganunpaman, masaya ako na wala ngayon si Jasmine.
BINABASA MO ANG
Loving The Famous
RomanceBeing a reserved bisexual, Jesiah couldn't help but to hide her sexuality in the public especially to her family. She was contented to remain covert for life, but not until she met the famous Jasmine Gray. The model-actress seemed to be her exact op...