22

5.4K 115 4
                                    

JESSY

We stayed low on our way to Jasmine's work. We agreed earlier to take out lunch and went to her trailer van. Doon na kami kakain dahil gusto ni Jasmine na kumain ng tahimik. Malamang kapag sa restaurant kami kakain, baka pagkaguluhan lang siya ng mga tao at baka madamay pa ako at makita ng media. Kinumbinsi ko pa si Jasmine na okay lang basta casual lang kami sa labas pero hindi pa rin siya pumayag. Siya ang nasunod at sumunod lang naman ako. Ganyan siya sa pagsasama namin.

She's the dominant.

"Wow!" I exclaimed as my brow arched when I saw Jasmine's big billboard in EDSA.

She's wearing bikini there for the brand's clothing that she endorses. I know that's new. Araw araw akong dumadaan dito at ngayon ko lang 'yan nakita. Ang sexy niyang tingnan pero parang masyadong daring. Wet kasi ang look niya habang nasa beach. Nakadapa siya sa buhangin kaya kitang-kita ang malalaki niyang dibdib. Her hair was wet too na mas along nagpa-hot sa kanya.

Wow.

Jasmine Gray's fucking seductive.

"I'd love to whistle but I don't know how." I said in sarcasm.

"Oh!" Biglang nag-panic si Jasmine. "Uhm, about that I..."

"It's okay, Jas." Pinigil ko siya. "You don't need to say anything."

Honestly, proud ako sa kanya for having this of career. Yet, the other part of me was not happy because people would look at her with lust. Pero wala naman akong magawa kasi nang makilala ko siya, artista na siya, noon pa man ginagawa na niya ito. But as her girlfriend now, syempre gusto kong ma-solo lang siya. Gusto kong ako lang ang nakakakita sa katawan niya.. ng halos hubad na katawan niya.

Tinitigan ko ulit ang billboard niya. Napakaganda ng pwesto nito dahil sa EDSA nakapwesto. Traffic pa madalas dito kaya siguradong maraming tao ang makakakita nito ng matagalan.

Damn.

Naiinis ako sa iisiping pinagpipyestahan siya ng lahat ng nakakakita diyan.

"That shot was made before we meet, Jessy."

Natigilan ako sa kabaliwan ng mga iniisip ko at binaling si Jasmine na halatang worried na pala ang tingin sa akin.

"That's supposedly for a magazine cover, not for billboard." She clarified. "Matagal na iyan pero ngayon lang ni-release. Ayoko nga sanang i-post 'yan pero nahiya ako sa may ari ng clothing line. She's a family friend."

I exhaled the shame as I shake my head. "Oh, Jas. You don't have to explain. It's okay."

Sino'ng niloko ko?

"For you, Jesiah, I feel like I need to." Bawi ni Jasmine at pinisil nang kunin ang kamay ko.

Hindi ako nakasagot sa kanya. I stayed silent hanggang sa makarating na kami sa work place niya. She talked to the other staff about our stay.

Minutes later, nasa loob na kami ng trailer van. It's cute, though. Napaka-girly ng ambiance sa loob. May maliit na dining table, maliit na sofa at comfort room. Kumpleto rin ito sa mga gamit like TV, at maliit na refrigerator.

Habang inaayos ko ang pagkain namin, bigla na lang yumakap si Jasmine sa likuran ko.

"I really love your smell, Jes. It's addicting." She whispered at the back of my ear.

Napangiti ako pero nanatili pa rin akong walang imik. Nang maayos ko na ang kakainin namin, saka lang ako humarap sa kanya. "Lets eat, babe? I'm starving."

Hindi naman siya nag-complain at umupo sa tabi ko.

Magsisimula na akong kumain pero nakamasid lang siya sa akin. I stopped and stared back at her. "What?"

Loving The FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon