16

9.5K 249 14
                                    

J A S S Y

I was stressed, depressed, frustrated and lonely at once. Parang hindi ko na kinakaya ang ginagawa sa akin ngayon ni Jesiah. Ilang linggo na niya akong tinataguan at iniiwasan. It's making me crazy. Isa pa itong trabaho ko na napaka-time-consuming at sobrang demanding. Kailangan ko pang pumunta sa ibat-ibang lugar para sa mga location ng photoshoots ko. Ngayong dumaan naman ako sa office ni Jesiah ay umuwi naman daw siya. Pumunta ako sa studio niya pero wala ng tao kahit sa condo niya.

Miss na miss ko na siya.

Gabi na nang makauwi ako kaya dumiretso na ako sa bahay nina mama para doon na lang magpalipas ng gabi. Nabuburyo kasi ako sa condo ko lalo na't nalulungkot ako, baka kung ano pa ang magawa ko roon. Noong nakaraang linggo, sa sobrang pangungulila ko kay Jesiah, uminom ako ng alak hanggang malasing kaya kinabukasan, nagtrabaho akong masakit ang ulo.

"Oh, Jasmine! Iha, nandiyan ka na pala?" Bati ni mom at niyakap ako nang makita niya.

"Kakarating ko lang, mom. Gutom na po ako." Umupo ako sa may sala habang si mom naman ay bumalik sa kusina para magpainit ng pagkain.

Maya-maya ay dumating na rin si Mikey pero nagulat ako nang naka-short jeans lang siya ngayon, jacket at running shoes. Hindi kasi ganyan ang itsura niya araw-araw dahil sa office, dapat laging naka-formal attire siya.

"Oh, bunso, saan ka galing?" Usisa ko. "Bakit ganyan ang itsura mo?"

Mikey was about to answer nang lumabas ulit si mom galing sa kusina.

"Mikey, nakapunta ka ba? Kamusta naman ang practice ninyo? Kumain ka na ba?"

"Okay lang, mom. Kumain na po kami at hinatid ko na po siya sa condo niya."

"Kumusta ang sayaw ninyo?"

"Masaya, mom. Ang galing po nila magturo at saka mababait po sila."

"Mabuti naman kung ganoon. Galingan mo sa sayaw ha, para mapanood din kita sa Youtube." natatawang sabi ni mom na parang wala ako sa harapan nila.

"Excuse me, guys? I'm so here, you know. Saka Mikey, tinatanong kita kung saan ka galing?"

Tumahimik lang silang dalawa at nagtinginan.

"Sa kusina lang ako, ha?" Biglang paalam uli ni mom sa amin kaya kami na lang ni Mikey ang naiwan.

Pinagtaasan ko nga ng kilay ang kapatid ko.

"Uhm, sa studio po nila Ate Jesiah, ate. In-enroll po niya ako sa dance class nila."

"What?" Literal na napasigaw ako. "You've been with her?"

"Yes... ate."

"You took her for dinner and took her home at hindi mo sinasabi sa akin?"

"I just told you now."

Napatayo na talaga ako. "Mikey, how is she? Okay lang ba siya? Pumayat ba siya? May umaaligid ba sa kanya ngayon? O baka naman may boyfriend na siya? Ano?"

"Ate Jas, will you relax? She's fine and still single pa naman... yata?"

"Oh my god. You should have called me nang kasama mo siya para pinuntahan ko kayo, Mikey!"

"She doesn't want to see you, ate." Straight to the point nasagot ng kapatid ko sa akin.

Natigilan ako at biglang nalungkot. "She told you that?"

"Yes. I'm sorry."

Gusto na lang tumulo ng luha ko. Ang sakit.

"Akyat na ako, ate?" Rinig kong paalam ni Mikey sa akin.

Loving The FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon