J E S S Y
Saturday as I woke up late. Last night, late na rin ako nakauwi after the dance practice in studio. I checked my phone and it's already eleven a.m. Ngayong ko lang din napansin na maraming missed calls si Jasmine. Hindi ko na kasi naharap ang cellphone ko kagabi dahil pagkatapos akong ihatid ni Nikki ay dumiretso ako ng studio para ilabas ang frustrations ko sa pagsasayaw. Good thing nandoon din si Georg kaya nag-choreograph na lang kami ng couple of songs.
Seeing Jasmine with Tommy last night made my heart ache. Everything was perfect, until Tommy appeared. Nagseselos ako ng wala sa lugar kaya I asked Nikki to take me home instead of staying there. Pumayag naman si Nikki pero ang kapalit nga lang ang number ko na kinuha niya. Pumayag na rin ako para makauwi lang.
Nikki asked me for a couple of drinks on our way home pero masyado akong clouded with jealousy, kaya sinabi kong next time na lang. I know in times like that ay sayaw lang ang magpapakalma sa akin.
Sumakit na naman ang puso ko nang maalala ang halikan nila sa harap ko kagabi. Ang tanga ko lang, hinayaan kong mahulog nang ganoon kadali sa taong committed na at sa artista pa. Ang daming complications. At kahit saan ko tignan e mali talaga.
Mabuti pang umiwas na.
I took a shower at kumain sa labas. Mamayang hapon ay susunduin ako ni David kaya kailangan kong mag-prepare.
I called Selena. "Yes babe? You okay?" Sagot niya sa tawag ko.
"Are you in main?" Tanong ko sa kabilang linya. "I'm coming over. Gutom na ako at gusto ko ng luto mo." Paglalambing ko kay Selena. Ang main na tinutukoy ko ay yung main restaurant niya na palaging pinaglalagian niya dahil mga sikat na personalidad ang mga kumakain dito at gusto niya na siya ang nagma-manage sa mga cook niya.
"Yeah, come. I'll cook for your favorite." Maikli niyang sagot at ibinaba na ang phone.
Nagbihis ako ng shorts, rubber shoes, at tank top, back pack na leather at sombrero. I grabbed my phone and get ready.
Pagdating ko sa resto ay marami ng tao. Lunch time na kasi kaya dagsaan na ang mga customers.
"Hi babe." Bati ko kay Selena at humalik sa pisngi niya. Iginaya niya ako tungo sa usual table ko.
"Ipapalabas ko na ba ang pagkain mo?" tanong niya sa akin bago umupo sa tabi ko.
"Hmm, okay." I nod and hugged her.
"Okay spill it." Sabi niya sa 'kin habang hinihintay ang crew na inutusan niya. May halo pang pagtaas pa ng kilay ang pag-uusisa niya. "Ano na naman ba'ng ginawa mo at nandito ka ngayon, naglalambing?"
"What?" patay-malisya kong tanong. "Where's my food?"
She motioned her hand to her crew para dalhin ang pagkain ko sa table namin.
"Naku, Jesiah Ramirez. Huwag mo akong ma-what-what diyan ha! Kilala na kita. May nangyari na naman sa 'yo kaya ka nagkakaganyan."
I laughed. She's right. Hindi ako nakikitang naglalambing nito sa kanya kung hindi ako masayang-masaya o malungkot.
"It's Jasmine." I confessed anyways.
"Sinasabi ko na nga ba e, babae 'yan. Ano'ng meron sa artistang 'yun?" tanong niyang nakahalukipkip pa.
Dumating ang pagkain ko at nag-crave agad ako sa nakahain sa akin. It's a creamy carbonara and roasted chicken na si Selena mismo ang nagluto. This is my favorite dish from her. At ito ang comfort food ko. Selena knows me so well.
"Can I have red too?" tanong ko kay Selena at binalewala ko ang tanong niya.
"No. Tanghaling-tapat magwa-wine ka? Have juice instead" Striktong sagot niya sa akin. "Now, I am waiting. Talk."
BINABASA MO ANG
Loving The Famous
RomansaBeing a reserved bisexual, Jesiah couldn't help but to hide her sexuality in the public especially to her family. She was contented to remain covert for life, but not until she met the famous Jasmine Gray. The model-actress seemed to be her exact op...