18

10.5K 216 5
                                    

J E S S Y

"How long have you been here?" Tanong ko kay Jasmine nang makalapit sa kanya. Kanina pa pala siyang nariyan at hindi man lang bumati sa amin.

"Sorry. Been here long enough to watch you two danced." Sabi niyang nakangiti na medyo kinikilig pa. She's just so adorable right now. I want to hug her and kiss her lips pero alam kong hindi pwede. Pinipigilan ko lang ang sarili ko.

"Ate!" Hinihingal na tawag ni Mikey nang makita si Jasmine. Lumapit ang binata sa amin, bumati, yumakap at humalik sa pisngi ng ate niya. Buti pa siya.

"Hello there, my little brother! Mikey, you're really good at dancing! I am so proud of you. Ipapanood ko 'yun kay mama sa youtube. Matutuwa 'yun!"

"Salamat ate." Napapakamot pa sa batok si Mikey na halatang nahihiya. "Magaling kasi magturo itong si Ate Jesiah." Nakangiting baling naman niya sa skin.

"Sus." Nailing ako. "Magaling ka lang talaga!"

"Come on, guys. Let's go for a dinner together?" Yaya ni Jasmine. "Why don't we celebrate Mikey's first appearance in your vlog?"

Napangiti naman akong tumango. "Yeah, why not!"

Pagkatapos naming mag-shower ay kumain na kami sa labas. Sa isang mamahaling restaurant, doon kami dinala ni Jasmine. Hindi naman daw kasi siya nakapag-disguise, and since kasama naman si Mikey walang issue sa kanila nang isama ako.

"Mikey, did kuya and dad know about your dancing?" Tanong ni Jasmine kay Mikey habang kumakain kami. Magkatabi kami ni Jasmine kaya manaka-naka ko na namang nararamdaman ang kamay niya sa hita ko samantalang nasa harapan naman namin ang kapatid niya.

"Oo, ate. I told them everything and they supported me. Basta raw hindi ko papabayaan ang trabaho ko."

"Good to hear that. Pero kung magkaproblema ka man, nandito lang ako. Okay, bunso?"

"Opo, ate."

"Jasmine Gray, is that you?"

Sabay sabay kaming napalingon lahat sa pinanggalingan ng boses na 'yun. Isang guwapong lalaki ang lumapit sa kanya na hindi ko kilala. Si Mikey naman ay tahimik nang kumakain.

"Oh, hey?" Napatayo si Jas at kinilala ang lalaking 'yun at nilapitan pa niya ito. Ang nakakapagtaka hindi niya man lang ipinakilala sa amin, o sa akin kasi I know Mikey knew the man already.

Ilang minuto pa ang lumipas at hindi pa bumabalik si Jasmine sa table namin. Sumasakit na rin ang leeg ko kakalingon sa kanila pero hindi pa rin sila tapos mag-usap. Medyo seryoso pa ang usapan kaya lalo akong hindi mapakali sa upuan ko.

"Ate, Jes. Huwag ka na magselos diyan. Ex lang niya 'yun." Sabi ni Mikey.

Napataas naman ang kilay ko sa narinig. So ex ni Jasmine ang mokong na 'yan? Kaya pala may paakbay-akbay pa silang nalalaman, huh?

"Okay," patay-malisya kong usal. Ayoko namang isipin ni Mikey na posessive ako. "Well, don't you think, matagal na silang hindi nag-uusap?"

Pero hindi pa man, natatawa na ang binata sa akin. "Ate, pahalata ka. Ang sama na ng tingin mo sa kanila o."

Hindi ko na lang pinansin si Mikey at nagpatuloy sa pagkain.

Wala na ako sa mood nang umuwi kami. Inuna naming ihatid ni Jasmine ang kapatid niya sa bahay nila. Tahimik pa rin ako at manaka-nakang nakikipag-usap sa kanya.

"Baby?" Pukaw ni Jas sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Hmm?"

"You're quiet. Is everything okay?"

Loving The FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon