J E S S Y
"Good morning, baby." Tinig ni Jasmine ang nagpamulat sa mga mata ko. Mukha niya na agad ang nakangiting sumalubong sa akin. Nakahiga siya habang nakapatong ang isang braso niya sa ulo at ang isa pa ay nasa tiyan ko.
"Hi." Bati kong nakangiti rin sa kanya.
"How's your sleep?"
"Great. And yours?"
"Beautiful." Inangat niya ang hintuturo as she poked my nose. "It's as beautiful as my girlfriend too."
Napangiti ako sa sinabi niya. Jasmine smiled at me too and it had already made my day. Sana ganito araw-araw.
"Wait." Naangat ako naman ako nang tiningnan siya. Hindi ko inaasahan na nakabihis na pala siya. "Where are you going? What time is it?"
"Six a.m. babe. I need to go meet my manager." Inabot niya ang mga labi ko at hinalikan ako. I was caught off guard. Her kisses always makes me weak. Napaungol na naman ako nang sinipsip niya ang pang ibabang labi ko.
"Jessy, I need to tell you something." Seryoso niyang sabi kaya naseryoso rin ako. Umupo siya at umupo rin ako. Tinakpan ko ang dibdib ko gamit ang kumot.
"Oh, baby, you don't need to cover that. I've seen it already." She teased me habang umaangat-angat ang mga kilay niya.
"Jasmine?" Sinipat ko naman siya.
"Yeah, okay, sorry." Napabuntong-hininga na rin siya. "Uhm, I'm leaving tonight."
"What?" Iiwanan niya ako ngayon?
"Jessy, it'll be a two-day work at Davao. May gagawin lang akong commercial ad doon para sa tourism department nila, kasama mga government officials pero babalik din ako agad. I promise."
"Sino'ng kasama mo papunta roon?" Kapag mga ganitong pagkakataon alam kong kasama niya dito ang ex-boyfriend niya. Alam ko na namang sa mata ng media ay magkarelasyon pa rin sila.
"Uhm... si Tommy."
"Like expected." Nangunot na ang noo ko.
"Jessy, will you please listen first?"
Napabuntong-hininga ako. Alam ko may usapan kami na sa trabaho lang ito, but I can't help it lalo na't malayo kami sa isa't isa no'n. Wala rin akong tiwala kay Tommy. Besides, Jasmine told me about their break up that night, na hindi tinanggap ni Tommy ang reason niya, na akala nito ay nabibigla lang si Jasmine. Alam kong mahal pa ng lalaking 'yun ang girlfriend ko kaya ganito na lang ang uneasiness ko ngayon!
"This is just work, Jesiah." She insisted. "May usapan na tayo di ba? Trust me on this, babe. Please." Pakiusap nya sa akin. She even held my hands. Alam kong magiging unfair ako kapag hindi ko pinayagan 'to. Besides, sa aming dalawa, ako lang talaga ang hindi pa handang mag-come out and she's doing this for me too.
"Okay, Jassy." I looked straight into her eyes. "I'm sorry, I panicked."
"It's fine, Jes." Hinaplos niya ang kaliwang pisngi ko bago niya ako niyakap. "I love you, Jesiah. I really do. I'll come home not long, I promise."
"I know, Jas."
"Please, behave yourself here too. Alam kong maraming nakapaligid diyan." pagpapaalala niya.
"Oh my god, Jas? Nandiyan na sila bago pa kita makilala. Sa tingin mo bakit hindi ko sila pinapansin?"
"Dahil hindi ka makapili?"
"No! You're crazy!" Binato ko nga siya ng unan habang natatawa. "Dahil hindi ko sila gusto! Ikaw ang gusto ko, Jasmine!"
"Oh, really?"
BINABASA MO ANG
Loving The Famous
RomanceBeing a reserved bisexual, Jesiah couldn't help but to hide her sexuality in the public especially to her family. She was contented to remain covert for life, but not until she met the famous Jasmine Gray. The model-actress seemed to be her exact op...