5

8K 260 4
                                    

J A S S Y

Wala nang tao sa table namin pagbalik ko, yet when I looked at the distance, nandoon silang lahat sa dance floor. Iniwan nila lahat pati ang mga gamit dito. I choose to stay here and sit on the couch while waiting for them. Sakto naman na pagkaupo ko ay nahagip ng mga mata ko ang table nila Jesiah na hindi kalayuan sa amin.

Bakit kaya hindi ko sila napansin kanina? Kung tutuusin, mas maingay ang mga kasama niya. She's with a couple of girls and a guy. I recognized the latter and the other girl from her studio before. I assumed the other girl must be her bestfriend Selena.

Maya-maya ay tumayo silang tatlong babae at nagtungo sa dance floor. Ang lalaki naman ay naiwan sa table nila. Halata rin talagang mga nakainom na sila lahat dahil iba na sila sumayaw. So wild. Kasama ang mga lalaking nakapaligid na sa kanila.

I arched my brow at the sinful sight. Damn woman. Pinagsasamantalahan na ng mga kalalakihan ang kalasingan niya, hindi pa niya nahahalata.

I am about to head in her direction when suddenly, some guy grabbed her from the crowd and took her into the other side of the dance floor. Nakita kong ngumiti pa si Jesiah sa flirt na lalaking 'yon habang nagsimula na silang sumayaw. The way she sways her hip's so seductive, so sexy. Mapababae at lalaki na nakaupo ay nakatingin na sa kanilang dalawa ng lalaki halos nakalabas na ang dila sa kanya, at walang duda na magaling talaga sumayaw si Jesiah pero ayoko ng paraan ng pagsayaw niya ngayong gabi. Lalo pang nag-init ang ulo ko nang niyakap siya ng mapagsamantalang lalaki, as it moved its body closer to her!

Okay that's it! Lasing na talaga ang babaeng 'yan, halatang hindi na niya alam ang ginagawa niya. Kailangan na niyang umuwi.

I stood up, looking for Tommy. I saw him and walked towards him. Isa pa itong lalaking ito, kung sinu-sino na rin ang kasayaw na parang hindi ako kasama!

"Jas! Come on join us!" Pagyaya pa niya nang makita niya akong nakalapit sa kanya. Bahagya siyang tumigil sa pagsasayaw at niyakap ako.

"Tommy, I am going home now. I'm tired." Bulong ko sa kanya.

"But we're just starting here!" Pag-pout niyang sabi sa akin na halatang nagpapa-cute.

"Okay lang, babe. Sabay ka na lang kay Christian pauwi. Mauuna na lang ako."

"Okay lang talaga sayo na maiwan muna ako dito?"

"Of course, babe. Enjoy the moment with your friends. I ain't gonna interfere but promise me you'll be home safe and know your limits, okay?"

"Okay, babe! Thank you for understanding. Wait for me at home."

"I will. Bye, babe." Sabay halik ko sa kanya sa lips.

Pagkatapos kong magpaalam kay Tommy ay sunod ko namang hinanap si Jesiah at nakita kong nasa bar area, kasama ng lalaki kanina at kasalukuyan pang nag-o-order ng alak.

"So where do you live, sexy?" rinig kong tanong sa kanya ng flirt na akala mo ay lintang makadikit.

"Um, sa Pa..." sasagot na sana si Jesiah pero napatigil siya nang makita akong tumabi sa kanya. "Oh... hi?"

"Keys." Seryoso kong sabi sabay lahad ng kamay ko.

"What?" Maang pa niyang tanong.

"We're leaving now."

Kitang-kita ko naman ang pagtaas ng kilay ng lalaking malandi na nasa tabi ni Jesiah at sinabayan pa niya ng paghalukipkip. "Hey, Miss, can't you see we're in the midde of something here?"

Pagtaas lang ng kilay ang sagot ko sa kanya.

"Who are you anyway?

"I'm her mother." Sarcastic kong turan at nag-fake ng ngiti.

Loving The FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon