24

7.2K 205 11
                                    

J A S S Y

"Where have you been, iha? Kanina pa kami naghihintay sa 'yo!" Sermon agad ni Mamy Hen ang sumalubong sa akin pagdating sa meeting place namin.

"Sorry, My. May dinaanan lang ako." I alibi. Lumapit sa akin si Tommy at saka ako hinalikan nito sa pisngi.

Habang nasa biyahe kami, iniisip ko kung paano ko kakausapin si Mamy. She would definitely react. Will she get mad? Gosh. Bakit ba kasi kailangang magpanggap? Bakit kapag artista ka, kailangan mong sundin ang gusto ng mga tao? Hindi ba dapat kung sinusuportahan mo ang isang tao ay dapat hindi mo dinidiktahan ang mga gugustuhin niya?

All the fans want Tommy and I together in every project. Kahit noong nagsisimula pa lang kami ay nag-click na agad ang love team namin. Sabi ng manager ko, subukan ko raw mahalin si Tommy. At sa tagal naming pagsasama, minahal ko naman si Tommy but I don't see him as a lifetime partner. I knew it even but I just don't have enough reason to break up with him before, but now that I already have the reason to. I'm going to face the public for my girlfriend. I'll start from this. At kapag okay na si Jesiah, I'll come out and introduce her to everyone.

I automatically smiled with the thoughts. Yeah, I like that. Lalakasan ko na ang loob ko ngayon.

Pagdating namin sa location ay nagkanya-kanya nang ayos ang lahat. Doon naman ako kumuha ng tyempo para kausapin si Mamy.

"My, pwede ba tayong mag usap?"

Lumingon siya sa akin na halata ang worries sa mukha. Bigla akong kinabahan dahil alam kong hindi ito magiging madali.

"Ano 'yun, iha? Tara sa trailer mo. Doon tayo mag-usap."

Dumiretso kami sa trailer ko kung saan kaming dalawa na lang ang tao. Umupo siya sa sofa at ako naman sa tabi niya.

"My, wala na po kami ni Tommy. Nakipag-break na po ako sa kanya." Dire-diretso kong sabi. Hindi siya nagsalita. Pero hindi rin siya nagulat.

Nang hindi pa rin nagsalita si Mamy ay yumuko na ako. I really hate disappointing people.

"My, please. Say something?" Pakiusap ko. This is not a big deal. Pero kung big deal sa kanya, malulungkot ako. After all, malaki ang utang na loob ko sa kanya.

"Alam ko, iha. Matagal na. Hinihintay ko lang na sabihan mo ako."

Namulat ang mga mata ko. "Paano niyo po nalaman?"

"Jasmine, kilalang-kilala na kita. Para na rin kitang anak, kaya alam ko kung may itinatago ka sa akin. At nahalata ko na rin kayo ni Tommy."

"Sorry, My. Hindi ko naman ito ginusto."

"Hindi ako sang-ayon sa ginawa mo."

Ito na. Alam kong sasabihin na niya ito.

"Paano na ang mga projects ninyong dalawa ni Tommy? Masisira lahat ang plano at pinaghirapan natin, Jasmine."

"My, hindi ko naman po tinatakbuhan ang mga responsibilities ko. Alam ko po 'yan."

"Hindi ito pwedeng malaman ng media. Ng mga fans mo, ano na lang ang sasabihin nila?"

"My, ilang taon kong pinilit mahalin si Tommy pero wala talaga. Mahirap ipilit ang wala." Pinunasan ko ang luhang dumaloy sa pisngi ko at pinigilang umiyak. May shooting pa ako mamaya at ayokong mapagalitan ng direktor dahil mapapansin sa screen na umiyak ako.

"Tatapusin ko po ang mga projects na nasimulan na namin ni Tommy. Pero pagkatapos no'n, sasabihin ko na sa lahat ang totoo. I want my freedom."

"Eh 'yong movie na dapat para sa inyo ni Tommy? Sayang naman 'yun." Tukoy niya sa matured na movie na kami ang na-cast.

Loving The FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon