10

7.8K 205 0
                                    

J A S S Y

"Tommy?" Halos matisod ako nang tumayo sabay lingon sa lalaking nasa likuran ko lang. I don't  know but for a second, umaasa akong hindi siya iyan, pero...

"Oh, you get it right, babe!" Nabaling na nga ang gulat ko nang nilingon ang may-ari ng boses. Siya nga, ang boyfriend ko. "No one else, babe, it's me. Surprise!"

Damn it.

Narinig kong nagpalakpakan ang mga tao sa paligid namin. Ito pala ang tinutukoy ni Mark kanina na surprise, huh? My good. Why didn't I expect this? Hindi ko alam na balikan lang siya sa Italy.

Niyakap ako ni Tommy at hinalikan sa labi. He's kissing me and wala na akong ibang magawa kundi tumugon na rin sa halik niya. What else can I do? Everyone's looking at us.

Yes, even Jesiah!

Fuck.

Bahagya akong humiwalay ng yakap kay Tommy at lumingon kay Jesiah pero nakayuko lang siya habang pinaglalaruan ang yelo sa alak niya. Oh Jessy.

"Who's is she, by the way?" Tanong ni Tommy na nakatingin na rin kay Jesiah. Marahil ay napansin niyang napatitig ako ng matagal sa kanya.

I find my courage to speak. Gustung-gusto kong mag-sorry kay Jessy pero naiipit ako na sagutin ang tanong ni Tommy. Besides, nakatingin din ang lahat sa amin.

"Babe," napalunok ako, "this is Jesiah, my friend. I ah, invited her to come here."

Tumayo na si Jesiah at ngumiti. "Hi."

"Hi there lady, nice to meet you." Nilahad ni Tommy ang kamay niya na tinanggap naman ni Jesiah.

"Nice to meet you." Tipid na tugon ni Jessy.

"Come Jasmine," sabi ni Tom sabay hawak sa braso ko. "I have to see some our friends too."

Napatingin ako kay Jesiah at bahagya lang siyang tumango sa akin. Mabigat sa loob ko na iwan siya dito lalo na't umaaligid lang si Mark o kaya si Nikki, pero kailangan ko ring isipin na I'm still committed to Tommy and he's here. This is the right thing to do.

"I'll be back later." Sabi ko sa kanya at saka nagpahila na ako kay Tom.

Oh this is bad

Isang oras na kaming nagkukwentuhan ng mga kaibigan ni Tommy at bored na bored na ako. They are talking about the projects they will be doing next month. Iniisip ko si Jesiah. I hope she's fine.

Nang makakuha ako ng tyempo ay nagpaalam muna ako kay Tommy saglit para tignan si Jesiah, pero pagdating ko sa table namin kanina ay wala na siya.

"Are you looking for Jes?" si Kim. "They left minutes ago."

"They?"

"Yeah Nikki and her."

"Oh, okay."

I checked my phone at may nakita akong text niya. "Leaving now with Nikki, Thank you for inviting me, had a great time."

Shit, ito na nga ba ang sinasabi ko.

"Ugh." I sighed the disappointment. Kasalanan ko 'to.

Pupuntahan ko na lang siya bukas para humingi ng sorry sa nangyari.

Wala na kong nagawa kundi bumalik sa pwesto nila Tommy at nakita kong nandoon din ang lahat ng mga bisita nila. Sumama na rin ako sa kwentuhan nila hanggang sa napagod kami at hinatid na ako ni Tommy.

"Where's your friend?" Tanong niya sa akin habang nasa daan ang tingin at nagmamaneho.

"She left with Nikki." Tipid na tugon ko.

Loving The FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon