J A S S Y
Everything is ready for the awards night with my clothes and make up on. I'm wearing a black elegant gown that was made by a well-known international fashion designer. I admit this dress is stunning and a bit daring especially on the cleavage and backless.
"Wow, Jasmine! You're so stunning!" Papuri sa akin ni Mamy Hennie nang makita niya ako. Nakabihis na rin siya ng off-white dress na di hamak na mas disente kaysa sa suot ko. "People will go crazy when they see you, for sure!"
"Thank you, My."
We moved on and prepared for our departure. Hinihintay na lang namin ang sundo namin ngayon. At habang naghihintay, kino-contact ko pa rin si Jesiah. Kanina ko pa kasi tinatawagan pero hindi siya sumagot. Huling kausap ko sa kanya kanina ay nag-aayos pa siya kasama si Nicole sa condo niya. Nalulungkot man akong isipin ngayon na iba ang kasama ni Jesiah, may nababawi naman ng kasayahan ang selos ko kapag naaalala ang masayang hapunan namin kasama ang pamilya ko kanina.
My family were so happy to know about our relationship. Nang malaman nila mom at dad na humiwalay na ako kay Tommy, masaya sila lalo na nang sabihin namin ni Jesiah na official couple na kami. That was one of the best moment of my life. Mom and dad were very happy, even my brothers, Kuya Angelo and Mikey. Sa wakas daw ay nakahanap din ako ng taong magugustuhan nila para sa akin. Ang saya lang naming lahat kanina.
"Papunta na raw si Tommy." Mamy called out. "Jasmine ayusin mo mamaya na hindi mapapansin ng press. Wala pang alam ang mga tao sa status ninyo."
Nawala na ako sa mga iniisip ko. Bumuntong-hininga na nga lang ako at hindi na pinansin. Tiningnan ko ulit ang cellphone ko kung meron ng reply si Jesiah pero wala pa rin.
Pagkaraan ng ilang minuto, dumating na nga si Tommy na guwapong-guwapo sa suot niyang black suit and tie.
"Oh, Jasmine. Beautiful as always!" Bungad agad sa akin ng jerk na may dala pang bulaklak.
Nagtaas ako ng kilay sa kanya. "Thank you but I can't accept the flowers."
"Akin na!" Si Mamy na lang ang biglang sumingit at tumanggap no'n na inilagay niya agad sa vase. Nasa apartment pa kami ngayon at dito na lang ako nag-ayos.
"Alam na ba ng manager mo?" Tanong ni Tommy sa akin.
"Yes," I said. "So drop the act, Tommy. Wala tayo sa camera."
"Jasmine, why can't you just give me another chance? I still love you and can't you see? We're good together."
"We are not and I don't love you anymore. Tama na nga. Nahihirapan na ako magpanggap sa harap ng camera kaya huwag mo na rin akong pahirapan ng ganito."
"We're not yet done, Jasmine. Tandaan mo 'yan."
Nagpantig ang ulo ko sa sinabi niya. Kailan ba ito matatapos?
"Kailangan niyo nang umalis. Susunod na rin kami." Si Mamy na bumalik na galing kusina.
Wala akong nagawa kundi humakbang at tumungo ng sasakyan na maghahatid sa amin sa venue. Kahit naiinis ako, tiniis ko na lang.
"We need to be extra sweet tonight." Nabaling ako kay Tommy nang makapasok ng sasakyan. "We won for the best kiss category, so obviously we need to kiss later."
I sighed. Nasabi na ito sa akin ni Mamy. Bukod kasi sa best actress ay nominated din ang best kiss namin ni Tommy sa isang movie noong nakaraang taon. Jesiah is unaware of this. Hindi ko rin kasi alam kung paano ito sasabihin sa kanya.
"Okay." Simpleng tugon ko lang.
"Jammy! Jammy!" Sigawan na agad ang naririnig ko pagkahinto pa lang ng kotseng lulan kami sa tapat ng venue ng awarding. Dinig na rinig ang mga fans na may mga banner pang hawak-hawak.

BINABASA MO ANG
Loving The Famous
RomanceBeing a reserved bisexual, Jesiah couldn't help but to hide her sexuality in the public especially to her family. She was contented to remain covert for life, but not until she met the famous Jasmine Gray. The model-actress seemed to be her exact op...