Too Bad
Mag a-alas otso na ng gabi nang matapos ang convention. Kakatapos lang naming mag dinner ni Kaye at napagdesisyonan naming bumalik na muna sa hotel room namin. The convention was great and I learned alot of new things na pwedeng-pwede kong i-apply sa trabaho. Sumalampak si Kaye ng higa sakanyang kama at kaagad na kinuha ang phone niya at nagselfie siya na naka taas ang middle finger. Natawa naman ako sa ginawa niya. Sigurado ako na ise-send niya lang iyon kay Nick.
“Mauna ka ng maligo saakin, Trix…” Aniya. Matapos niyang mag type sa phone niya. Tinignan niya ako at pareho kaming sandaling natahimik.
“Are you thinking what I’m thinking, Trix?” Nginisian niya ako at itinaas ang isang kilay.
Lumawak ang mga mata ko. “Ano? Sabay tayong maligo?”
She frowned and then laughed afterwards. “Nevermind. You’re not thinking what I’m thinking,” she confirmed.
“But what I mean is let’s enjoy the night life in Boracay… You know, after this trip balik trabaho nanaman.”
Napangisi ako sa sinabi niya. She’s right. We should enjoy this while it last. Kasi sigurado pagbalik namin sa Angeles ay madalang na lang kaming makakapag enjoy. Yes, I do enjoy my work pero iba pa rin iyong nage-enjoy ka lang. Walang halong trabaho.
“Wear your sexiest outfit, girl.” Aniya. Kinindatan ko lamang siya bago pumasok sa banyo. When was the last time that I went in a bar? Ang natatandaan ko ay iyon pa yung si Nick ang nag-aya tapos ay hindi na nasundan pa.
Kaye and I gasped when we saw each other. Not just because we look good but we’re both wearing the ‘cami’ thing. Hers is a cami wrap top paired with a denim skirt while mine is a cami short slip dress paired with my black boots.
“Shit, girl you on fire!”
I grinned. “And also you, my friend.”
“Look who’s ready to party!” She cheered. Hindi na kami nagsayang pa ng oras at lumabas na kami ng hotel room namin. Yung mga ibang lalaking nurses na nandoon sa convention kanina ay napansin kong napabalikwas sila nang makita kaming dalawa ni Kaye. It’s because of the visible skin, I know. But we can wear what we want, can’t we? Our body, our rules.
Habang naglalakad kami ni Kaye sa bay ay hindi ko maiwasang hindi ma-excite. Iba’t-ibang mga lahi ang nakakasalubong namin. Kahit kailan talaga ay hindi namimili ng panahon ang Boracay. Kahit hindi summer ay marami pa ring tao. Tumigil kami sa paglalakad sa tapat ng Epic. The excitement that I’m feeling turned into a nostalgic one. Of all places, why here? Tinignan ko si Kaye na kunot noong nakatingin saakin.
“Ayaw mo ba dito?” Tanong niya. Kaagad akong umiling at pilit na ibinalik ang sigla sa mukha ko.
“Gusto!” I beamed. “Come on!” Sabi ko at ako na ang humila sakanya papasok sa loob. We both walked inside the bar like nodbody’s business. I can sense plenty pair of eyes looking at us. We’re about to go in the bar counter when I heard someone called my name.
“Beatrix!” natigilan kami pareho ni Kaye. Hinanap ko kung saan nangagaling ang boses. I slightly gasped when I saw Cyprian Abrigo sitting on the table together with the familiar guy who’s eyeing us the last time we went in bar. Sumilay ang kaba saaking dibdib at luminga-linga ako sa paligid bago ko muling ibinalik ang tingin sa table nila Cyprian na kasalakuyang nakangiti habang nakatingin saakin. This guy sitting beside Cyprian who’s smirking at me knows Yael! Hindi ako maaring magkamali.
I can’t remember his name but I remember his face. Kinabahan ako, pakiramdam ko tuloy ay nandito rin si Yael pero hindi ko naman alam kung magkaano-ano silang dalawa. I’m just assuming that they are working for the same airline. Kung nagkataon ay baka co-pilot niya si Yael or it’s the other way around. Hindi maari. It’s been nine months since the last time that I saw him and I’m not ready to face him again!
BINABASA MO ANG
When We Crash (When Trilogy #2)
General FictionBook 2 of When Trilogy Beatrix Hayle Ponce de Leon thinks that it was over. Ni anino ni Yael ay hindi na niya nakita matapos nilang maghiwalay at sa ilang buwang lumipas na hindi niya nakikita o nakakausap si Yael ay masasabi niya na okay na siya...