Chapter 10
I Never Knew
"Damn it, Yael! Bitawan mo nga ako!"
Pareho kaming natigilan nang makarinig kami ng katok mula sa labas ng kwarto na tinutuluyan namin.
"We'll call later..." Yael said frantically at Colton over the phone before hanging up.
Tumayo siya habang hawak-hawak pa rin ang kamay ko at inalalayan niya rin ako na makatayo. Hindi na ako nagpumiglas pa. Yael tugged me beside him before opening the door. Bumungad saamin si manang Mercy.
"Handa na ang pagkain..." Anunsiyo niya saamin.
"Ah, sige ho manang. Susunod po kami." Sagot ni Yael.
"Narinig kong sumigaw si Beatrix. Nag-aaway ba kayo?" Hindi niya mapigilang tanong. Napalunok naman ako at napaawang ang aking bibig ngunit walang salitang lumabas mula roon.
"May hindi lang po pagkakaintindihan manang... Tsaka kasalanan ko rin naman." Pag-amin niya. Somehow, I wanted to applaud him from telling the truth. Mukhang ayaw niya na ring gatungan ang pagpapanggap naming dalawa.
"K-kasalanan ko rin po..." Hindi ko mapigilang sabi at napakamot sa batok ko gamit ang libre kong kamay. Nakalimutan kong wala kami sa Angeles. Tsaka totoo naman na kasalanan ko rin dahil kaagad akong napikon. Tangina naman kasi ng mga titig at hawak niya.... Nakakalusaw, nakakapanlambot, nakakapikon.
"Osiya, siya. Normal lang 'yan sa mag-asawa, mabuti't alam ninyo ang mga mali niyo. Ayusin niyo na muna at nang makasunod na kayo sa hapag." Bilin niya saamin.
"Sige po, manang. Salamat po." sagot ni Yael. Tumango si manang at tinalikuran na kami. Muling sinara ni Yael ang pintuan saka kami nakahinga ng maluwang. Nagkatinginan kaming dalawa.
"Sorry..." seryoso niyang sabi habang nakatingin saakin.
"Hindi naman kailangan. Masyado lang akong nag-react sa pang-aasar mo." Sagot ko sakanya.
"It's not that, Trix. I am sorry for—"
"Yael, stop." Kaagad kong pigil sa kung ano man ang sasabihin niya at inagaw ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Hindi pa ako handa na pag-usapan ang noon. Masyado ng maraming drama ang nangyari saakin these past few weeks and I'm not up for another drama again.
His mouth slightly parted but no words came out.
"Lalabas na ako... Mag t-shirt ka na muna." I said curtly before opening the door again. Hindi ko na siya hinintay na makasagot at lumabas na ako ng tuluyan. Nakakahiya man ay nagpunta na ako sa kusina at nadatnan ko doon si manang kasama ang isang lalaking mga ka-edaran niya. Siguro ito na si manong Lino.
Palapit pa lang ako ay naamoy ko na ang bango ng niluto ni manang Mercy.
Bigla tuloy kumalam ang sikmura ko dahil doon. Nasipat ko ang putaheng nakahanda sa mesa at halos pati mga ko ay manginig dahil sa sinigang na miso na nakahapag doon. Mayroon pang beef broccoli! Matagal-tagal na rin akong hindi nakakakain no'n.
"Oh, Beatrix... Maupo ka na." paanyaya ni manang nang mapansin niya ako. Nginitian ko siya bago naupo sa bakanteng upuan sa kabilang side.
"Nasaan ang asawa mo?" I felt something weird in my stomach after hearing manang's question.
"Pinagsuot ko po muna ng t-shirt." Sagot ko kay manang. I bit my tongue after answering her question. This wife-husband thing is making shiver. Damn!
"Ito si Lino, ang asawa ko. Lino, ito ang asawa ni Yael, si Beatrix."
"Hi po, manong Lino!" Nakangiti kong bati sa matanda. Nginitian niya ako at tinanguan.
"Hindi pamilyar ang mukha mo saakin hija." Aniya at tinitigan pa ako ng mas maigi na para bang nagba-baka sakali siya na mamukhaan ako.
BINABASA MO ANG
When We Crash (When Trilogy #2)
General FictionBook 2 of When Trilogy Beatrix Hayle Ponce de Leon thinks that it was over. Ni anino ni Yael ay hindi na niya nakita matapos nilang maghiwalay at sa ilang buwang lumipas na hindi niya nakikita o nakakausap si Yael ay masasabi niya na okay na siya...