Chapter 26

30.5K 803 44
                                    

Chapter 26

Happy Birthday

We already arrived here in Makati. Dito pala sila nakatira sa Salcedo Village. Noong una ay akala ko ay niloloko niya lamang ako pero seryoso pala talaga siya.

Sinipat ko ang isang malaking bahay mula sa bintana ng itim na vios ni Yael. Hindi ko alam kung ilang beses na akong napalunok. My heart is beating so rapid like it's about to jump out of my chest.

Pinagpawisan ang aking mga palad nang buksan na ni Yael ang pintuan dito sa passenger seat. Ipinatong niya ang kanyang palad sa bubong ng kotse at doon sa itaas ng pintuan saka siya bahagyang yumuko para silipin ako.

Gumuhit ang ngisi sa kanyang mga labi. "Ready?"

I took a deep breath. "Sandali lang..." Sabi ko pa habang pinagapapatuloy ang aking pag inhale-exhale.

Narinig ko ang masarap niyang tawa. "Hey, it's alright. They won't bite." Natatawa pa rin niyang sabi sa akin. Ngumuso ako at nagmamakaawa siyang tiningnan.

He just nod his head at me, assuring that everything's gonna be alright. Nakangiti at nangungumbinsi niya akong tiningnan sa mga mata bago niya inilahad ang kanyang kamay.

Dinilaan ko ang pang-ibaba kong labi bago ko tuluyang tinanggap iyon. He helped me hop out of his car like a gentleman he is.

"Relax, they will love you." pagpapalakas niya sa loob ko saka niya isinarado ang pintuan ng kanyang sasakyan habang sa mukha ko pa rin ang kanyang tingin.

Tumango-tango na lamang ako kay Yael. At lumingon sa kanyang sasakyan para tingnan ang repkleksyon ko sa tinted na bintana. I'm wearing a maroon fitted dress, pinatungan ko pa iyon ng denim jacket. Yael is the one who suggested about the denim jacket thing and it turned out great. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto niya sa denim jacket ko na 'to.

Pasimple kong pinasadahan ng tingin si Yael. He's wearing grey sweatshirt and a pair of jeans. His sweatshirt hugged his body so beautifully. Iyong kurba ng kanyang biceps ay hapit na hapit dahil sa pagkaka fit ng kanyang pang-itaas.

Tuluyan na kaming pumasok sa loob. Their front yard is well manicured and it has an organized landscaping. It also has a wall garden. Sa labas pa lamang ay malulula ka na sa ganda dahil parang isang napakagaling na arkitekto ang nagdisensyo nito.

Nahagip rin ng mga mata ko iyong mga hammock egg chairs. Naalala ko ang ikinwento ni Yael tungkol kay Rio, madalas daw siyang umupo sa mga iyon noon.

"Sir Yael," sinalubong kami noong isang katulong at kaagad niya akong nginitian nang mapansin niya ako. I smiled back at her.

"Happy birthday po, sir!" nakangiti nitong bati sa kasama ko. Yael smiled back and uttered his thanks. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Hindi ko pa naibibigay kay Yael iyong dapat kong ibibigay sa kanya, tanging greetings pa lang ang ibinibigay ko sa kanya.

Akala ko nga ay magtatampo ito dahil wala akong iniabot na regalo but it seems like he doesn't mind.

"May mga gamit ho ba kayo sa sasakyan, sir?" tanong nito.

"Ah, meron... paki kuha na lang, ha? Tapos paki-akyat na lang sa kwarto...  Salamat."

Tumango naman ito at nginitian ako ulit bago kami nakayukong nilampasan. Hindi ko napigilang ilibot ang mga mata ko sa paligid. The walls are light in colors, the pieces of furniture around also screams luxury.
The system of lighting is well-organized; there are also plenty of mirrors and windows. I don't know how to put everything I see into words. I was really astounded with the whole place.

Naibalik ako sa realidad nang mahagip ng mga mata ko ang mag-asawang kasalukuyang pababa sa mataas na hagdan, malayo pa lang ay todo ngiti na iyong babae na walang duda'y mama ni Yael. Naramdaman ko ang palad ni Yael sa ibabang parte ng likod ko habang pareho kaming nag-aantay sa pagbaba ng dalawa.

When We Crash (When Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon