Chapter 9
Sunblock
"Saan daw yung resort na pupuntahan natin?" tanong ni Yael bigla saakin at inilabas ang braso niya sa bintana sa tabi niya para kunin ang toll ticket. I scrolled through my phone immediately para hanapin ang text ni Eli.
"Sa... sa Miami heat beach resort daw." Basa ko sa text ni Eli.
"Alam mo kung saan iyon?" tanong niya saakin at saglit akong tiningnan pero kaagad din namang ibinalik ang tingin sa daan.
Umiling ako kahit hindi na siya nakatingin saakin.
"Hindi. Hindi pa namin napupuntahan iyon." Sagot ko sakanya. Sa pagkakatanda ko ay isang beses pa lang kaming nagpunta ng Bataan na mag pipinsan dahil madalas ay sa Pangasinan kami nag be-beach o di kaya'y sa Batangas.
Napakagat siya sa ibabang labi niya at mukhang nag-iisip siya. Hindi rin niya alam kung saan kami pupunta.
"Gusto mong tawagan ko si Eli?" tanong ko sakanya. Nailipat ang atensyon niya saakin. Nakatingin siya ngayon saakin at inilingan ako habang kagat-kagat pa din ang pang-ibabang labi niya. I gasped secretly. Gusto kong pukpukin ang sarili ko noong sunblock na hawak-hawak ko kanina pero nasa bag ko na iyon kaya h'wag na lang muna.
"You have 3G?" Saka lang niya pinakawalan ang labi niya nang magsalita siya at doon lamang ako nakahinga ng normal. Damn! Diyos ko naman, Beatrix! Simpleng pagkagat lang iyon ng labi! Ano bang problema mo?
"No... but I have pocket Wi-Fi." Sabi ko at nag-iwas ng tingin sakanya para hanapin ang pocket Wi-Fi sa bag ko. Hindi ko na siya narinig na sumagot at nakita ko sa peripheral vision ko na ibinalik na niya ang tingin sa daan. Nang mahanap ko ang pocket Wi-Fi ay in-on ko iyon kaagad. My phone connected automatically.
Ako na nag nagkusang mag search sa google map. At nang mag loading ay sinabihan ko kaagad si Yael.
"1 hour and 45 minutes daw..." sabi ko at ipinakita iyon sakanya.
He wet his lips and nodded while looking at the screen. "Hihiramin ko ang phone mo." Sabi niya.
"Sige lang."
"Thanks." Aniya at kinuha na iyon saakin at inilagay sa may phone holder ng sasakyan niya. Pagkatapos noon ay wala ng nangahas na magsalita pa saamin. Kanina pa ako nabibingi sa katahimikan. Gusto ko irequest sakanya na mag patugtog kami pero noon pa man ay hindi na talaga nag pa-patugtog si Yael. Madalas niya akong ihatid-sundo noon at never ko pa siyang nakita na isinindi niya ang radyo para makinig ng music.
I bit the inside of my cheek.
Tumingin na lamang ako sa binatana habang siya naman ay palipat-lipat ang tingin sa daan at sa phone ko. Isindal ko ang ulo ko sa inuupuan ko kaya hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising ako dahil sa tunog ng mga malalaking patak ng ulan na humahalik sa bubong ng sasakyan at sa bintana na katabi ko lang. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Damn! It's really raining cats and dogs!
"Shit!" Narinig ko ang mahina ngunit mariing pagmumura ni Yael. Kaagad ko siyang tinignan. His jaw is clenched and his knuckles are turning white dahil sa diin niya kung makahawak sa manibela.
"Anong nangyari?" gulat kong tanong. Nagising bigla ang diwa ko doon.
Tiningnan niya ako. "Hindi ko pwedeng ipasok ang sasakyan diyan..." Aniya habang nakatingin sa windshield. Kahit na umuulan ay nakita ko pa rin ang gustong ipakita saakin ni Yael dahil sa tulong ng wiper ng kanyang saaakyan.
BINABASA MO ANG
When We Crash (When Trilogy #2)
General FictionBook 2 of When Trilogy Beatrix Hayle Ponce de Leon thinks that it was over. Ni anino ni Yael ay hindi na niya nakita matapos nilang maghiwalay at sa ilang buwang lumipas na hindi niya nakikita o nakakausap si Yael ay masasabi niya na okay na siya...