Chapter 7

28.2K 755 93
                                    


Chapter 7

Change of Mind

"What the! Seryoso?!"

"Nakakaloka naman 'yang si Ryan!"

"Doc Ryan." I corrected Nick, mimicking Ryan's voice. I just can't help but to tell these guys about what happened at the ER. Tsaka sila naman itong nagpumilit na magkwento ako dahil napansin nilang bad trip ako.

"So anong ginawa mo? Hindi mo nga tinawagan yung magulang nung pasyente mo?—ay niya na pala." Kaye asked.

Umiling ako. "Syempre hindi, iyon ang utos niya saakin. Siya yung doktor e..." sagot ko.

"Kahit na shunga! Us nurses deserved to be listened and respected... Hindi sa pagmamayabang pero sa tingin mo magagawa nila ng maayos ang mga trabaho nila kung wala tayo?" punto ni Nick. Hindi ako kaagad naka react.

"May point ka diyan, bakla! Pakiss nga!" Tili ni Kaye. Nick looked at her in disgust.

"Eww! Lumayo ka nga saakin impakta ka!" Diring-diring sabi ni Nick kay Kaye at halos itulak niya ito mula sa kinauupuan niya. Mukhang nagulat pa si Kaye at napahawak sa dibdib niya.

"Nakakaloka, bakla! Pa harsh ka ng pa harsh saakin ah!"

Inirapan siya ni Nick. "Landi-landi mo e! Pagkatapos mong landiin si yung Matthias sa Boracay ako naman ngayon dito sa Angeles!?"

I giggled while looking at them. "Selos ka, Nickolas?" I teased him. And just like what I've expected the handsome gay faked vomiting while looking at Kaye in disgust.

"Diyos ko naman, Beatrix! Mag kape ka nga nang kabahan ka naman sa mga sinasabi mo!" eksahareda niyang sabi. Napanguso naman ako. Itong baklang 'to napaka war freak. Parang kanina lang ay mag ipinaglalaban siya pero ngayon gusto kaming labanan na dalawa ni Kaye.

"Sus, bakit hindi mo pa aminin, bakla? Naiinggit ka lang kasi gwapo yung mga nakakalandian ko!"

And with that, they started throwing harsh but hilarious words to each other. Ako naman ay enjoy na enjoy na nakikinig sakanilang dalawa habang kumakain ng oatmeal cookies. Natutuwa talaga ako kapag silang dalawa ang nagbabangayan ng ganyan. Parang nabawasan tuloy ang stress na nararamdaman ko dahil sakanilang dalawa.

"Akala mo! Isusumbong kita sa papa mo na bading ka!" Yan parating ang mga linyahan ni Kaye sa tuwing napipikon na siya kay Nick at wala na siyang maisagot pabalik.

"Gora! Samahan pa kita!"

Ganito pala kapag ginagawa mong busy ang sarili mo... hindi mo namamalayan na napakabilis na ng paglipas ng mga araw. Isang buwan na pala akong nakatira ulit sa unit ni Colton. At first it felt kind of lonely, noon ay kahit hindi madalas umuwi si Colton ay may inaasahan pa rin akong mga araw kung kalian siya uuwi. Unlike now, I'm completely alone in his unit. This is what exactly what I wanted, right? I wanted space. I needed a room to breathe. And I'm here—breathing. But I'm not sure if I'm still alive. Hindi ko alam kung ano pa ang kulang. I've been doing okay with my job and I love what I'm doing. Pero bakit ganito pa rin ako? Why can't I just fucking let myself be happy and roll with life just like how I roll with it before? Bakit ba ang hirap-hirap makausad? Is this because of Ryan? Is this still because of the remorse that I'm feeling because I treated him like a total shit before?

Tang ina! I just don't know anymore...

Dahil sa sobrang frustration ay bumangon na lamang ako sa kama ko. I wore my grey sweater before storming out of my room. I'll just go get myself an ice cream because I deserve one. I locked the door before leaving the building. Nagpunta ako sa pinaka malapit na convenient store at bumili kaagad ng isang gallon ng ice cream na rocky road ang flavor. Napangiti ako ng mapait habang naglalakad ako pabalik ng building at hawak-hawak ang plastic bag na may laman noong binili kong ice cream. Naalala ko bigla yung araw na sobrang lungkot ko dahil nalaman kong umalis na lang pala bigla si Jess. At noong araw ding iyon ang alis nila Colton at Yael.

When We Crash (When Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon