Chapter 16
More than
“L-let me go…” pilit ko pa ring inaagaw ang kamay ko mula sa kanya.
“Is he your boyfriend, Beatrix?” Madilim niyang tanong. Hindi ko alam kung matatawa ba ako ng pagak o ano. Ano ba naman kasi ang pakialam niya sa buhay ko?
“Doc, sa pagkakaalam ko ay wala na kayong pakialam sa buhay ko sa labas ng ospital. Kaya utang na loob…” pakiusap ko at muling sinubukang agawin ang kamay ko mula sa mariin niyang pagkaka-hawak.
“Answer my damn question!”
Tinapunan ko siya ng matapang na tingin and my nose starts flaring. “Ano naman ngayon?” Matapang kong sagot. I know Yael and I haven’t talked about our label yet pero doon din naman kami pupunta hindi ba?
At alam ko rin na galit pa rin si Ryan saakin. At gustong-gusto ko talagang mapatawad niya ako but he’s just so out of line. Wala siyang alam tungkol sa mga nangyari sa buhay ko. At bakit ba kilala niya si Yael?
Natawa siya nang pagak saka ako tuluyan nang binitawan. Napahawak pa ako sa pulso ko dahil medyo masakit pa rin iyon at namula pa ito dahil sa higpit ng hawak niya.
“Wow, Beatrix. Napaka self-centered mo talaga ano?”
Kumunot ang noo ko. “Excuse me?”
“You haven’t changed at all. You’re still the same immature and selfish Beatrix that I know. You still love playing games and the thought of hurting someone still excites you.”
Namilog ang mga mata ko dahil sa paratang niya saakin.
“Look, I know you’re angry at me for hurting you. And yes, I want your forgiveness. Pero wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganyan! You don’t know anything about me and Yael!”“But that’s the truth! Ganoon ka! Sarili mo lang ang iniisip mo! You know how head over heels my sister is with Yael Salcedo!” panunumbat niya. Oh, Rhian. How could I forget about Rhian?
“Hindi ba’t iniwan mo na? Bakit binalikan mo pa?” naningkit ang kanyang mga mata. Nagsisimula na akong mapuno. Ano bang pakialam niya sa gusto kong gawin? At nagtataka rin ako kung bakit alam niya ang lahat ng ‘to pero nang maisip kong magkapatid nga pala silang dalawa ni Rhian ay naging malinaw din ang lahat.
“Yael and I broke up— or whatever-you-call-it for ten months! Hindi kami nag-uusap at hindi rin kami nagkikita. Sa loob ng sampung buwan ay hindi ba dapat sinamantala iyon ni Rhian? They could’ve been together by now.” Pero hindi. It wasn’t my fault kung hindi naging sina Yael at Rhian. Pero bakit parang kasalanan ko pa yata? Parang kasalanan ko pa dahil pinili ko kung saan ako sasaya?
“Leaving Yael is my choice but staying and waiting for me to mend is his choice...”
“Call me selfish but I’m so sorry to inform you, Ryan. Hindi ko na kayang iwan pa ulit si Yael. If Rhian is head over heels with Yael well, new flash doc Ramirez, I am more than that.”
Natawa siya ng pagak sabay iling.
“I realized that you don’t deserve to be happy, Beatrix. Lalo na kung ang bagay na ikinasasaya mo ay nakakapanakit ng iba... Pagsasawaan mo rin siya katulad ng pagsawa mo sa akin, sa amin!” Malamig niyang sabi saka na ako tuluyang tinalikuran.Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling habang pinapanuod si Ryan na makalayo. He’s wrong. Hinding-hindi ko pagsasawaan si Yael.
Noong una ay akala ko rin na ganoon. Akala ko ay pagsasawaan ko rin siya katulad ng iba but he’s different. There’s something in him that everytime I look at him it always feel like the first time. I don’t know what kind of sorcery is that but I must admit that I’m trapped under it and I’ve got no plans in escaping.
BINABASA MO ANG
When We Crash (When Trilogy #2)
General FictionBook 2 of When Trilogy Beatrix Hayle Ponce de Leon thinks that it was over. Ni anino ni Yael ay hindi na niya nakita matapos nilang maghiwalay at sa ilang buwang lumipas na hindi niya nakikita o nakakausap si Yael ay masasabi niya na okay na siya...