Chapter 30

28.6K 718 77
                                    

Chapter 30


Bullshits




“W-where’s Ariana?”

Pare-pareho kaming hindi nakasagot. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin at mula sa pagkakahiga niya ay pinilit niyang makaupo. I clenched my jaw as I try to help him sit.

“Beatrix? Si Ariana?” ulit niya habang inaalalayan ko siya. I pressed my bottom lips together and pretend that I didn’t hear him. My eyes start to become gloomy again.

“Ma, Pa? Nasaan si Ariana?” tanong niya sa mga ito ngunit wala rin akong narinig na sagot. Mula sa pag-aayos ko ng unan niya ay naramdaman kong may kamay na humawak sa pulso ko. Nagbaba ako nang tingin doon, I saw a hospital bracelet wrapped around his wrist. Salcedo, Yael Theodore T. ang nakasulat doon.

Hindi ako nag-angat nang tingin sa kanya. I fixed my eyes on the bracelet wrapped around his wrist.

“Beatrix, dalhin mo ‘ko kay Ariana. Gusto ko siyang makita.”
Napakagat ako sa ibabang labi ko at kasabay noon ay ang pagtraydor sa akin ng sarili kong mga luha. Kusa na lamang silang nag-unahan sa pagtulo at may iilan pang nalaglag sa kamay ni Yael na nakahawak sa akin.

Humigpit ang hawak niya sa akin.

“Umiiyak ka ba, Beatrix?” Nag-alala niyang tanong sa akin.



“Hey, don’t worry about me. I’m okay now…” marahan niyang sabi sa akin. Nakaramdam ako nang isang matalim na bagay na tumusok sa puso ko. Ang sakit-sakit. Nasasaktan ako para sa kanya.

Marahan kong inagaw ang pulso kong hawak-hawak niya saka ko pinunasan ang mga luha ko. Muling tumalikod si tita Yngrid para yakapin si tito Viktor at doon umiyak sa dibdib nang asawa. Tito Viktor was just looking at his son with pain in his eyes.



“Bakit kayo umiiyak? Ayos na ako ma, pa. Si Ariana ba nakita niyo na? Saan ba ang kwarto niya? Gusto ko rin siyang makita.” Sunod-sunod niyang sabi at muli akong hinarap.

“Beatrix, sige na… Dalhin mo na ako kay Ariana.” Pakiusap niya.

I suck an air in to gather even just a little strength and ability to open my mouth.


“Mamaya na lang… Kailangan mo munang mag-pahinga,” I coaxed as I try to guide him to lie again on the bed but he shook his head.

“No, I want to see her now… Gusto kong malaman kung ayos lang ba siya. Please, Trix. Pangako, babalik din ako dito kaagad—“

“Wala na siya, Yael.” Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang diretsahang saad ni tito Viktor. Kita ko ang pagkakatigil ni Yael.

Tumawa siya nang pagak at sunod-sunod na umiling.


“Anong wala? Kasama ko pa lamang siya sa Camiguin, pa!”  umiiling niyang sabi at muling ibinalik ang tingin sa akin.

“Beatrix, let’s go… I want to talk to my sister.” He said while slipping out of the white blanket.

“Yael…” kaagad akong lumapit sa kanya para alalayan siya. He’s now sitting on bed and his feet are now landed on the cold floor. Akmang tatayo pa sana siya pero mahigpit ko siyang hinawakan sa balikat, nagtataka siyang nag-angat nang tingin sa akin.

“Beatrix, ano ba? Kung ayaw mo akong tulungan tumawag ka na lang ng ibang nurse na tutulog sa akin.” Aniya at nagtiim ang kanyang bagang.

“Gusto ko lang namang makita ang kapatid ko! Mahirap ba ang hinihiling ko sa inyo?!”

“Yael…” buong pait kong tawag sa pangalan niya kasabay nang muling pagtulo ng mga luha ko. “Wala na siya… wala na si Ariana…”

Those words tasted painfully bitter in my mouth.

“Hindi! Hindi totoo ‘yan!” sigaw niya.

“Buhay siya… Buhay ang kapatid ko, Beatrix!” aniya at sinubukang tumayo pero pilit ko siyang pinipigilan. Yael’s body is bigger than mine ngunit dahil kakagaling niya lamang sa aksidente ay nagagawa ko pa siyang mapigilan.
Tumigil siya sa pagpupumiglas at nag-angat nang tingin kay tita Yngrid na ngayon ay nakatingin kay Yael habang umiiyak.

“Ma… sabihin mo sakin, hindi naman totoo ang sinasabi nila hindi ba? Ma, buhay siya diba? Buhay si Ariana…” pagmamakaawa niya.

Nang marinig ko ang pagiging desperado ni Yael ay paulit-ulit akong nawasak. Para siyang batang naghahanap ng kakampi dahil lahat ng taong nakapaligid sa kanya ay pinagmamalupitan siya.



Hagulgol lang ang tanging naisagot ni tita Yngrid saka na siya tumalikod at mabilis na humakbang palabas nang kwarto. Para bang hindi na niya kaya ang mga nangyayari kaya mas pinili na muna niyang lumabas dahil nahihirapan siya sa sitwasyon ni Yael; sa sitwasyon nila.


“Yngrid!” Tito Viktor chased his wife immediately.


“No, no, no… God, no… This is not real. This is not real.” His voice cracked at nagsisimula nang magtubig ang gilid nang kanyang mga mata.


I felt a tight grip on my arm. Yael looked up at me, his eyes met mine and I saw how broken and hopeless he was.


“Beatrix, gisingin mo ‘ko…” pagmamakaawa niya sa akin at sa kauna-unahang pagkakataon ay nakakita ako ng mga luha na nanggaling mismo sa mga mata niya. Hindi na lang nabasag ang puso ko doon kung hindi nadurog pa ito nang pinong-pino.

“Please wake me up from this worst nightmare… I-I can’t take this, Beatrix. I’m begging you to please wake me up!” basag ang kanyang boses habang nagmamakaawa at ang kanyang mga mata ay patuloy lang sa pagluha. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang yakapin na lamang siya nang mahigpit.


I buried his face on my neck and he broke down there completely.

Bawat hagulgol niya ay punong-puno nang sakit. Bawat pag-iyak niya ay para akong pinapatay nang paulit-ulit.

“I’m so sorry, Yael… I’m so sorry…” ramdam ko ang pagbabasa nang leeg ko dahil sa mga luha niya.

Mas lalo ko siyang niyakap nang sobrang higpit. His shoulders are shaking and while letting out his painful sobs. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko siyang ganito.

When We Crash (When Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon