Chapter 22Yes
Tahimik ko siyang sinundan habang naglalakad kami palabas ng elevator. I don’t know how he made me follow him without saying anything. Nang makarating kami sa parking lot ng HTO ay sinamaan niya lang ako nang tingin at hindi ko na nagawang makapag-protesta pa. Napasunod niya ako nang walang kahirap-hirap.
I hate how he can make me succumb into him with those dark and deep eyes. Pero kailangan ko pa rin siyang labanan kahit na gustong-gusto ko siyang yakapin sa mga oras na ito. Tumigil kami sa tapat ng pintuan niya, pinanuod ko siya habang nakatalikod siya sa akin at binubuksan ang kanyang pintuan. Nang magtagumpay siya ay binuksan niya nang sobrang lawak ang kanyang pintuan saka ako nilingon.
“Get inside,” his voice is low but it’s full of authority. I don’t like the thought of being alone with Yael inside his place. I’m weak at this moment and I’ll be damn powerless the moment I let myself march inside his pit.
“D-dito na—“
“Now, Beatrix,” putol niya sa kung ano mang sasabihin ko. Napapikit ako nang sobrang diin bago pumasok sa loob. Sumunod siya sa akin at pabagsak na isinara ang pintuan. Medyo napangiwi ako doon dahil sa gulat pero kaagad ko din namang inayos ang sarili ko bago siya hinarap.
“Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin dahil gusto ko nang umuwi.” Malamig kong saad. Hindi ko alam kung paano ko nagawa iyon kahit na sa loob-loob ko ay nangangatog ako dahil sa galit na ipinapakita niya sa akin.
“Hindi ba’t pinasabi ko kay Kaye na tawagan mo ako o di kaya’y i-text man lang? Hindi ba niya sinabi sa’yo iyon?” nag-igting ang kanyang bagang.
I frowned at him. “Sinabi niya.” Pagsisinungaling ko. Hindi naman niya sinabi dahil ako mismo ang nakarinig noon.“Iyon naman pala! Bakit hindi mo ginawa? Naghintay ako, Beatrix!” He hissed. I can see that. Halata iyon sa mukha niya dahil mukha siyang puyat… Hindi niya alam na napuyat din ako kakalaban sa sarili ko na h’wag siyang tawagan.
“Sino ba’ng nagsabing maghintay ka?” ganti ko sa kanya. Shit! Ayoko nang ganito!
“I know what to do… Hindi na ‘ko kailangang utusan nang kung sino man para gawin ang isang bagay,” malamig niyang turan saka niya ako sinamaan nang tingin.
“Talaga? Sana alam mo rin na hindi mo dapat kinaladlakad ang isang babaeng ayaw namang sumama sa’yo.” I shot back.
Natawa siya nang pagak at humakbang papalapit sa akin, kumalabog ang puso ko kaya humakbang ako paatras sa kanya. I was expecting him to walk towards me again but he stayed from where he’s standing instead.
“What do you want me do? You want me to let you slip away?! Gusto mong pabayaan ko na lang na basta-bastang hindi ka nagparamdam at layasan ako nang gano’n-gano’n na lang?!”
Hindi ako nakasagot lalo na nang makita ko kung gaano siya nafu-frustrate dahil sa ginawa ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko.
“Bullshit! Alam mo bang halos mabaliw ako doon? Para na ‘kong masisiraan nang bait kakaisip kung ano ba ang nagawa ko at basta mo na lamang ako hindi kinausap. I can’t even contact you, dammit! How can I work properly when I’m madly worried about you?!” napahilamos siya sa kanyang mukha gamit ang kanyang palad. Litaw na litaw rin ang ugat niya sa leeg.
“H-huwag mo nga akong sigawan!” Halos pumiyok na ako nang sigawan ko siya pabalik. Wala na akong ibig maisip na pwedeng sabihin kaya yung pagsigaw niya na lamang ang pinuna ko. Pero sa totoo lang ay nanghina ako bigla sa sinabi niya. Parang isinampal niya sa akin ang mga dahilan kung bakit pinili ko siyang iwasan.
Wala naman akong ibang ginawa kung hindi siya bigyan nang sakit sa ulo. Ni hindi nga siya nakapagtrabaho nang maayos dahil sa akin.
BINABASA MO ANG
When We Crash (When Trilogy #2)
General FictionBook 2 of When Trilogy Beatrix Hayle Ponce de Leon thinks that it was over. Ni anino ni Yael ay hindi na niya nakita matapos nilang maghiwalay at sa ilang buwang lumipas na hindi niya nakikita o nakakausap si Yael ay masasabi niya na okay na siya...