Chapter 28

29.5K 788 291
                                    

Chapter 28

Fears

Hindi ko alam kung nanadya ba talaga ang tadhana o ano pero sa tuwing may mahahalagang okasyon ay hindi ko nakakasama si Yael. Noong nakaraang pasko ay wala siya at ganoon rin noong New Year.

Ang sabi ni papa ay kailangan ko daw masanay dahil ganoon daw talaga ang mga piloto. Halos palagi silang wala tuwing holidays dahil maraming mga tao ang nag a-out of the town and country. Naiintindihan ko naman iyon dahil maging ako ay nagdu-duty pa rin kahit pasko dahil dumadami ang mga pasyenteng naia-admit sa tuwing ganitong mga season.

So far this is year is going really well. Colton and Jess are already okay. Hindi ko alam kung papaano nangyari iyon dahil hindi ko pa naman nakakausap nang solo ang dalawa. Pero masaya ako para sa kanila. Actually, mga bata pa lang kami ni Jess ay nakikitaan ko na sila ng chemistry ni Colton.

Napapansin ko noon na kahit parating inaasar ni Colton si Jess ay may pakialam pa rin siya dito. But who would've thought that they will end up together? They're like the human version of Tom and Jerry.

"Hoy! Malandi ka! Tigil-tigilan mo nga ang kakatext mo diyan sa boyfriend mo at naghihingalo na yang pasyente mo!" Basag ni Nick kay Kaye na kasalukuyang nakangisi habang hawak-hawak ang phone nito. Hindi naman siya pinansin ni Kaye at nagpatuloy lang sa pagte-text kay Matthias.

Yes, Matthias Abrigo. I don't know how that freaking happened but it already happened. Noong una nga ay puro kami paalala kay Kayeleen dahil pareho kaming walang katiwa-tiwala ni Nick kay Matthias. I even asked Yael about Matthias since they were friends.

Ang sabi naman ni Yael na malandi lang daw talaga si Matthias but once he's committed, he'd be faithful to his partner. I asked Colton too and he replied the same. Sinabihan ko naman si Yael na siguraduhin niya dahil kapag umiyak ang kaibigan ko sa kaibigan nilang dalawa ni Colton ay pag-uumpugin ko sila.

"Baby, I'm not that kind of friend that will tolerate any form of cheating... and besides, hindi naman kami madalas magkasama ni Matthias. Si Cyprian, siya ang madalas niyang kasama."

Iyan ang naalala kong isinagot niya sa akin.

"O, ikaw. Mag text ka na rin, Beatrix. Para pag-umpugin ko na kayong dalawa!" Imbyernang-imbyernang sabi ni Nickolas.

Nginisian ko siya. "Kasalukuyang nagpapalipad nang eroplano ni Yael ngayon, e. Hindi niya rin naman mare-receive kung mag te-text ako." Sagot ko. Lalo namang sumimangot ang mukha niya at isa-isa niya kaming inirapan.

"Hay nako, bakla. Mag boyfriend ka na rin kasi nang hindi ka na mainggit sa amin! At syempre para maging blooming ka na rin. Tingnan mo nga kami ni Beatrix, laging blooming kasi laging nadidiligan." Aniya at humagikgik pa. Natawa na lang ako sa sinabi niya sabay iling lalo na nang makita ko ang pagngiwi ni Nick.

"Ulol! E, ilang beses nga lang sa isang buwan kung umuwi ang mga jowa niyo!"

"Kaya nga laging nadidiligan kasi palaging sabik, diba?" ganti pa ni Kaye.

"Ugh! For the love of God!" He groaned in disgust.

Humalakhak naman si Kaye at binalingan ako nang tingin. "Ano, double date tayo minsan kasama ng mga captains natin?" She wiggled his eyebrows at me.

"Sure, why not?" I played along. I know that she just wanted to piss Nickolas off and it's really working. Ewan ko ba sa baklang 'to. Baka nireregla kaya ganyan.

Matapos nang mabilising pagkain naming tatlo ay bumalik na kami sa pagdu-duty. Mga bandang alas dose na nang matapos ang duty namin. Si Kaye ay sinundo ni Matthias at kami namang dalawa ni Nick ay umuwing mag-isa. Habang nakasakay ako sa jeep ay biglang tumunog ang phone ko at halos mapalundag ako nang makita ko ang pangalan ni Yael sa screen. Hindi na ako nagsayang nang oras at kaagad ko nang binuksan ang message niya para mareplyan.

When We Crash (When Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon