Chapter 21
He Decided to Be Brave
Hindi ako nakatulog kagabi. Ang sakit ng ulo ko dahil buong magdamag naglaban ang magkabila kong utak kung uuwi na ba ako kay Yael o hahayaan ko na lang siyang makahanap ng babaeng babagay para sa kanya. Well, in that case, he doesn't really has to exert an effort in finding the right woman for him because different kinds of women are already throwing themselves to him.
The thought of Yael being with someone else makes my stomach tighten.
Gusto ko tuloy pagtawanan ang sarili ko dahil sa pagiging sigurado ko noong si Ryan pa lamang ang nakakaharap ko. I was so hella sure that I wouldn't leave Yael or give him to someone else. Napakapalaban ko; napakasarado ng utak ko. Pero nang si Colton na ang magsalita— when my brother threw those awful but honest words at me. I was awakened; awakened by the truth of how worse I am as person. Kahit na madalas kaming hindi magkasundo ni Colton noong mga bata kami ay nakikinig pa rin ako sa kanya. He has no idea how much I look up to him. Everything that Colton says matters to me because he's my brother. And I know that both Yael and he are mature and they know what they're doing. Kaya alam ko na lahat ng lumabas sa bibig ni Colton noong isang araw ay totoo.
Kaya lahat ng kasiguraduhan ko ay napalitan nang pangangamba. Pati sarili ko ay nagawa ko nang pagdudahan. Biglang inulan ng mga realizations ang utak ko. Minsan lang kung magsalita ng ganito si Colton kaya sobrang lakas nang impact sa akin.
"Bruha! Hinahanap ka ni Dr. Sison!" Nick frantically informs me. Hinihingal pa ito at parang kanina niya pa talaga ako hinahanap.
"Bakit daw?" nagtataka kong tanong habang hawak-hawak ang chart ng pasyenteng kakatapos ko lang palitan ang swero.
"Hindi ko alam basta ASAP, daw! Nasa consultation room siya." Aniya at tumango na lamang ako saka na nag-umpisang tumakbo. I have no idea why Dr. Sison is looking for me. Baka may iuutos siya? Pero hindi ko mapigilang h'wag kabahan dahil sa pagkaka-deliver ni Nick.
Nang makapasok ako sa consultation room ay nadatnan ko doon si Dr. Sison na napaka-seryoso ng mukha habang binabasa ang isang chart ng isang pasyente.
"Good morning Dr. Sison, hinahanap niyo daw po ako?" magalang kong bati bagamat dinadaga na ang dibdib ko. Dr. Sison is always serious pero iba ang pagka-seryoso niya ngayon.
Malamig niya akong tiningnan at inilapag ang chart sa may table sa harapan niya. Napatingin ako doon ngunit kaagad ko din namang ibinalik ang nagtatanong kong tingin sa kanya."Basahin mo." Maawtoridad niyang sabi. Nagdalawang isip ako noong una pero napilitan pa rin akong kunin iyon dahil hindi naalis ang titig sa akin ni Dr. Sison. Ang isa niyang kamay ay dumako sa kanyang kabilang bewang habang pinapanuod ang mga kilos ko.
Binasa ko ang chart at nangunot ang noo ko nang mabasa ko ang isang pamilyar na pangalan.
Aquino, Adrien. 17 years-old.
I scanned the chart and my eyes widened when I saw something."B-brain hemorrhage?" Para akong binuhasan ng malamig na tubig na napatingin kay Dr. Sison. Nakasulat sa chart na the patient has been experiencing a sudden severe headache, seizures with no previous history of seizures, nausea at lahat ng symptoms nang pagkakaroon ng brain hemorrahage.
"Yes, nurse Beatrix. Brain hemorrahage. At kasama ang batang 'yan sa mga na admit na pasyente sa ER dahil sa isang motorcycle accident, hindi ba?" pangungwestiyon niya.
Dahan-dahan akong tumango, not knowing what is this all about. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ako nandito at kung bakit ang tapang kung titigan ako ni Dr. Sison.
"Sa'yo ang pasyente na 'yan noong araw na 'yon but why haven't you concluded na baka nabagok na pala ang ulo niya? Head trauma is one of the cause of brain hemorraghage! Hindi ba sumagi iyon sa'yo nang mga panahong iyon, Beatrix?" Saad niya at naitapal niya pa ang isa niyang kamay sa kanyang noo.
BINABASA MO ANG
When We Crash (When Trilogy #2)
General FictionBook 2 of When Trilogy Beatrix Hayle Ponce de Leon thinks that it was over. Ni anino ni Yael ay hindi na niya nakita matapos nilang maghiwalay at sa ilang buwang lumipas na hindi niya nakikita o nakakausap si Yael ay masasabi niya na okay na siya...