Chapter 15

28.6K 834 145
                                    

Chapter 15

Expect the Unexpected

Bahagya ko siyang itinulak sa dibdib. Humiwalay naman siya sa may tenga ko at tiningnan ako. Bumalik naman sa normal ang aking paghinga.

“But seriously, Yael? Have you ever tried…” hindi ko masabi-sabi.

Bahagya siyang natawa at umiling.
“No. Sa sigarilyo pa nga lang ay nagu-guilty na ‘ko, drugs pa kaya?”

Napakagat naman ako sa pang-ibabang labi ko at tumango na lang. Ano ba naman kasi ‘tong mga pinagtatanong.

“Next?” he asked as he flash me his sexy grin.


Bahagya akong natawa. But that doesn’t stop me from asking questions about him.
So I asked and asked questions about him. Tumigil lang ako nang maghikab siya at sumiksik sa balikat ko. He’s being so touchy and I like it.


“Dito ka na matulog…” nakapikit niyang sabi. I brushed his hair using my fingers.


“Maaga ako bukas, Salcedo… h-hindi ako pwedeng mapuyat.” Sagot ko at bahagya pa akong namula dahil sa huli kong sinabi. Come on, I know how this night’s gonna end. But unfortunately, I have tons of charts to do tomorrow. And he needs rest. Kakauwi niya lang.


Biglang dumilat ang mga mata niya at sinalubong ang aking mga tingin. Kumunot ang noo niya at hindi ko alam kung matatawa ba siya o ano.

“Sino bang nagsabing mapupuyat ka, Bearix?” tanong niya habang nakangisi.
So, what does that means? He’ll do me… fast?

I frowned at him. “Pero kakauwi mo lang, Yael. You need some rest!” sita ko sa kanya. Hindi ko na siya narinig na sumagot at ibinaon na lamang niya ang mukha siya sa balikat ko. Maya-maya ay bigla na lamang nagtaas-baba ang kanyang mga balikat.

Kumunot ang noo ko. “Yael?” I checked on him as I budge his shoulder. Panay pa rin ang pagtaas-baba ng balikat niya at doon ko napagtanto na tumatawa pala siya!

“Yael, what is wrong with you?”

Inangat niya ang kanyang mukha at kitang-kita ko ang pamumula niya dahil sa kakatawa kanina. He has still leftover smile from the entire laugh that he did.


“Ang rumi mo mag-isip, miss Ponce de Leon. I won’t do anything… Gusto ko lang makatabi kang matulog, that’s all.” Natatawa niyang sabi at inilingan ako. Lumawak ang mga mata ko at para akong binuhusan ng kulay pulang pintura sa mukha dahil sa kahihiyan. God! Gusto ko na lang na mawala na parang bula. Ngayon na! Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.



“W-whatever… uuwi na ‘ko.” Tanging nasabi ko na lang dahil sa kahihiyan. Yes, I’ll definitely just go home. Mabilis akong nakatayo ngunit maagap niyang naiyakap ang mga braso niya sa bewang ko at hinila ako palapit sa kanya na naging dahilan para mapaupo ako sa kandungan niya.

“Wait, wait…” aniya at may bakas pa rin ng tawa sa kanyang boses. Napasimangot ako at pinalo ang maugat niyang braso na nakayakap sa bewang ko.

“Isa, Yael!” Inis kong banta sa kanya.

“H’wag kang umalis. Hindi na kita pagtatawanan…” Tumatawa pa rin niyang sabi at isinandal pa niya ang noo niya sa may bandang likod ko.

“Sige lang…” Sarcastic kong sabi sa kanya at pilit na titanggal ang pagkakayakap ng braso niya saakin. Mas lalo naman niya iyong hinigpitan.

He cleared his throat. “Okay, I’ll stop. Just… Just don’t go, okay?”

Hindi ako sumagot pero tumigil na ako sa pagpupumiglas sa kanya.

“Please, Beatrix… The first thing that I want to see tomorrow when I wake up is you because to be honest, this feels surreal and I’m scared, baby. Natatakot ako na baka mamaya panaginip ko lang lahat ng ‘to.”

Natigilan ako at nanlambot. Kaya pala kanina ay nung natagalan ako ay akmang pupuntahan na niya ako sa kabila. Kaya pala parang takot na takot siya kanina na baka hindi na ‘ko bumalik. He needs the assurance that we’re already okay; he needs the proof this was all real.

Marahan kong hinaplos ang matitigas at maugat niyang mga braso na nakapaikot sa bewang ko.

“I’m real, Yael. This is all real.”

“Prove it.” Mahina at hirap niyang sabi.

“Let me take a bath first and I’ll prove it.” Sabi ko. Okay, I will sleep here tonight kung iyon ang gusto niya… at gusto ko rin naman dahil gusto kong bawiin yung sampung buwan na hindi ko siya nakasama.

Hindi pa rin niya ako pinakakawalan sa kabila ng sinabi ko sa kanya.

“Come on, Yael. Hindi ako tatabi sa’yo ng mabaho ako.” pag-amin ko.

“Dito ka na lang maligo.” Sabi pa niya. 

“Sige, pero baka naman pwede akong kumuha ng damit?” Ako naman ang medyo natawa ngayon dahil sa inaasta niya. Nagdududa pa siya, para namang hindi na ako babalik. Ang cute-cute niya! Gosh, I want to squish this guy!

He chuckled. “Okay.” Sagot niya at niluwangan na ang pagkakayakap saakin. Sinamantala ko iyon para umalis na sa kanyang kandungan, medyo namula pa ako dahil ngayon-ngayon lang pumasok sa isipan ko kung gaano kalandi ang posisyon namin kanina.

Akala ko ay ako lang mag-isa kukuha ng mga damit ko pero may balak pala siya na samahan ako. Hindi na ako nagprotesta pa.

“Pati uniform kumuha ka na rin.” Aniya habang nakasandal sa may tukador ko habang naka-krus ang mga braso sakanyang dibdib at pinapanuod ako.

“Okay po, Captain Salcedo.” I teased. Talagang hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya. Sinunod ko na lang kung ano ang gusto niya. Pagkatapos kong kunin yung nightgown ko at uniform ay bumalik na ulit kami sa unit niya. Ako na ang naunang naligo saaming dalawa at doon na rin ako sa banyo nagbihis. Baka mamaya mag reklamo nanaman siya kapag lumabas ako na tanging tuwalya lang ang nakabalot sa katawan ko.



--


“Beatrix…”

Napaungol ako nang marinig ko ang isang marahang boses malapit sa tenga ko.

“Beatrix…”

Damn, who’s this? Kumunot ang noo ko pero hindi ko pa rin binubuksan ang mga mata ko. Gusto ko sanang mainis dahil sa pangahas na gusting sumira ng maganda kong tulog dahil for the first time in ten months ngayon lang uli ako natulog ng masarap, pero hindi ko magawang mainis dahil sa rahan ng boses niya.


“Come on, you’re gonna be late.” He chuckled in my ear then he showered me with kisses. Napangiti naman ako. Damn, this is heaven. Am I in heaven?

“Wake up, nurse. Wake up,” he said while chuckling between his kisses. I slowly opened my eyes and indeed, I’m really in heaven because I’m seeing god’s face. He’s clean shaven and has deep and dark piercing eyes. Amen.


He smiled sweetly and I swear I saw sparks.
“Bubuhatin na talaga kita kapag hindi ka pa bumangon diyan… mag a-alas siyete na, Beatrix.”

Nanlaki ang mga mata ko at tila ba nagising ako sa katotohanan nang banggitin niya ang oras. Oh God! Seryoso ba siya? Lumayo siya ng bahagya saakin at sinamantala ko iyon para makabangon na.

“I need to take a bath! Male-late na ako!” nagpa-panic kong sabi habang tinatanggal ang comforter na nabalot hanggang bewang ko. Nang matanggal ko iyon ay akmang tatalon na ako paalis sa kama pero bigla akong hinawakan sa pulso ni Yael kaya napatingin ako sa kanya. I looked at him quizzically.


“Chill…” ngisi niya.

“Anong chill e male-late na nga ako?”

“It’s just five in the morning, Trix.” He stated then he slightly laughed. Napaawang naman ang bibig ko saka ko siya pinanlakihan ng mga mata. Kinuha ko ang isang unan at marahang inihampas sa kanya na kaagad naman niyang naisangga sa braso niya.


“Mga kalokohan mo, Yael ha! Nag-panic pa naman ako!” anas ko.


“Good morning to you too,” he grinned. I just crinkled my nose and rolled my eyes at him.

“Ang tagal-tagal mo kasing maligo kaya ginising na kita kaagad… Come on, let’s eat breakfast first bago ka maligo.”

Nagulat ako sa sinabi niya. “Nakapag-luto ka na nga?” hindi ko makapaniwalang sabi.
Tumango lang siya. I looked at him with amusement.Gumising siya ng maaga para magluto ng almusal saka niya ako ginising ng maaga dahil alam niyang matagal akong maligo. If he isn’t a husband material then I don’t know anymore.

When We Crash (When Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon