Chapter 19Whisky and Cigarettes
A month has been already passed and Yael and I are still doing fine. Tuwing umuuwi siya ay kung minsan ay susulpot na lang siya sa labas ng ospital suot pa rin ang uniform niya. At kung day off ko naman ay sa pinto ko kaagad siya kakatok. Yael in his pilot suit has always been appearing on my face lately... and I've got plans in complaining. Yael in a pilot suit will always be my favourite.
Madalas kaming magkasama ni Yael pero sa unit pa rin naman ako ni Colton tumutuloy. Ang plano lamang talaga ay mags-stay ako dito para makahinga... pero hindi ko inaasahan na magiging ganito. Hindi ko alam kung alam na ba nila Colton ang tungkol dito. Hindi ko naman tinatanong kay Yael dahil sa ngayon ay okay naman ako ng ganito. Ayoko muna ng maraming tanong.
Mag a-alas diyes na ng gabi nang tumawag si Yael at sakto naman akong nakarating sa condo.
"Hey..." bungad ko. Inipit ko sa balikat at tenga ko ang phone ko habang binubuksan ang pintuan.
"Tapos na duty mo?" tanong niya.
"Yep... Sakto nga ang tawag mo dahil kakauwi ko lang." Tuluyan nang nabuksan ang pintuan kaya tinanggal ko na ang phone ko sa pagitan ng tenga at balikat ko. Pagpasok ko ay sinipa ko na lang ang pintuan pasara saka ako sumalampak sa sofa.
"Tired?" Very.
"Not really... how about you? Saan ka ngayon?""Nasa Puerto Princesa... So, kamusta naman yung pag-uwi mo?" tanong niya mula sa kabilang linya. I bit my lower lip hard, trying to come up with an excuse in my head.
"Beatrix?"
I cleared my throat. "I'm... I'm here."
"So have you talked you tita Helen already?" ulit niya sa tanong niya kanina. Muli nanaman akong hindi nakasagot.
"Beatrix Hayle..." he called my name in a low and solid voice. Sa tono ng kanyang boses ay parang handing-handa na niya akong sermonan.
"H-hindi pa ako umuuwi..." I admitted, finally. Naikwento ko kasi sa kanya kung bakit ako ulit bumalik dito sa unit ni Colton noong last niyang uwi dito. I've told him everything and he advised me to go home and reconcile with my mother.
"Come on, Trix... We already talked about this, haven't we?"
"Nakakausap ko naman si papa at pati na rin si mama." Pangangatwiran ko. Totoo naman dahil kung minsan ay tatawag na lang bigla sa akin si papa o di kaya si mama.
"Iba pa rin iyong umuuwi ka, Beatrix."
"I know but I'm not ready." Pangangatwiran ko ulit. Noong huli kaming mag-usap ay handang-handa na ako na umuwi ulit sa amin pero nang umalis na si Yael ay parang bigla nanamang nagbago ang isip ko. I just don't have the courage to do it alone. Siguro kung kasama ko siya ay mapapauwi ako ng hindi oras. Ewan ko, pero kapag kasi si Yael ang kasama ko ay pakiramdam ko nawawala lahat ng takot at hesitations ko.
"When will you be ready?" he whined. Hindi nanaman ako nakasagot. Sandaling tumahimik at ni isa sa amin ay hindi nagsalita.
I heard him let out a deep breath from the other line."Baby... Tita Helen is your mom and I know she has hurt your feelings but I'm sure that that wasn't intentional. Maybe she wasn't on Colton's side noong mga panahong pinipilit ka niyang makipag-ayos sa kanila ni Jess o sa amin. Maybe she just wants to end the conflict between the four of us and you misunderstood it."
"Pero bakit ako lang ang pinipilit niya? Bakit parang ako lang yung mali?"
"Because you're being too damn hard, Beatrix...Pleasing you is so fucking hard. Wala kang pinakikinggan. I'm sorry, baby but I really have to say that..."
Ang rahan ng kanyang boses pero ang mga salita niya naman ay punong-puno ng rahas. I admit that was straight and I got hurt too... but truth hurts, right?
BINABASA MO ANG
When We Crash (When Trilogy #2)
General FictionBook 2 of When Trilogy Beatrix Hayle Ponce de Leon thinks that it was over. Ni anino ni Yael ay hindi na niya nakita matapos nilang maghiwalay at sa ilang buwang lumipas na hindi niya nakikita o nakakausap si Yael ay masasabi niya na okay na siya...