Chapter 25
Pagod na Pagod
“Beatrix… wake-up.” Naalimpungatan ako nang marinig ko ang isang pamilyar na malalim na boses at idagdag mo pa ang marahang pagyugyog nito sa aking balikat. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ako at nalaman kong wala na si Yael sa tabi ko.
I snapped my head on the other side and then I saw Colton standing on the side of my bed and he’s looking down at me. His expression is unpredictable. I swallowed before slipping out of the covers.“Dinner’s ready…” walang emosyon niyang sabi nang maka-upo na ako sa gilid ng aking kama. Napansin ko na suot niya ang kanyang unipormeng pam-piloto.
“Pupunta ka na nang airport?” parang tanga kong tanong. Of course, Beatrix. Alangan namang magpunta siya nang police station! Gusto kong sigawan ang sarili ko.
He wet his lower lip before nodding. Inagaw nanaman ng kanyang pasa sa gilid ng labi ang aking pansin. Yael did that to him.
Nag-iwas na lang ako nang tingin at tumango-tango na lang din habang sa baba nakatingin. I rested my palms on the side of my thighs.
“Bakit ka umalis sa condo ko? Hindi naman kita pinapaalis.” Bigla niyang sabi na naging dahilan upang mag-angat ulit ako nang tingin sa kanya. My mouth hang open but no words came out. I don’t know what to response with that.
“H’wag kang umalis do’n… pag-uwi ko dapat nandoon ka. H’wag mo nang patayin sa pag-alalala ang mga tao sa paligid mo.” His voice is monotonous.
I bit my bottom lip. “Uuwi ka na ulit sa condo?” hindi ko napigilang tanong.
Tumango siya at pinasadahan ang buhok niya gamit ang kanyang mga daliri. Naghahalo ang amoy ng usok ng sigarilyo at ang cologne na ginamit niya para pagtakpan ang bakas ng kaniyang paninigarilyo.
“How about Jess? G-gusto mo kausapin ko siya?” desperada kong tanong. I don’t want to see my brother like this. Nagsisisi ako at nilalamon ako nang konsensya.
Ngumisi siya nang mapait sabay iling. Exhaust was suddenly appeared on his face and hopelessness clouded his eyes. Tumingala siya sa kisame at nagpakawala nang malalim na buntong na hininga.
“Stop… H’wag na. Sagad na sagad na ako, Beatrix. Pagod na pagod na ‘ko.” Tumawa siya nang buong pait. I felt a painful pinch on my heart. Damn! He really does look tired. Muli siyang nagbaba nang tingin at sunod-sunod na umiling.
His jaw clenched. “I’m in this point of being so fucking done with everything… Pagod na ‘kong ipilit ang sarili ko, Trix. Tang ina, ayoko na.” aniya sabay tawa nang pagak. I don’t know how to comfort him so I just sat here looking at me sympathetically.
Binalingan niya ako nang tingin at nagtama ang mga mata namin. Nang mapansin niyang malungkot akong nakatingin sa kanya ay kaagad siyang huminga nang malalim at parang mahika na biglang nagbago ang ekspresyon niya.
He tried to lighten up his mood even though I know that deep down he’s still breaking.
“Sige na. Bumaba ka na doon…” balewala niyang sabi at para bang hindi siya muntikang mag break down kanina. Hindi na niya ako hinintay na sumagot at tinalikuran na niya ako at lumabas na siya nang kwarto ko.
-
Paglabas ko ng kwarto ko ay wala na si Colton, sina mama, papa, at Yael na lamang ang nandoon sa hapag at hinihintay ako. Ang sabi ni mama ay nagtungo na daw siyang airport. Hindi na ako nagkwento sa tatlo kung ano ang napag-usapan namin kanina ni Colton.
Nang pagkaupo ko tabi ni Yael ay nagsimula na kaming kumain. Kung ano-ano ang napagkwentuhan namin sa hapag. Everything went smooth and casual. Nobody dared to open a topic about our issues. And I’m thankful for that.
BINABASA MO ANG
When We Crash (When Trilogy #2)
General FictionBook 2 of When Trilogy Beatrix Hayle Ponce de Leon thinks that it was over. Ni anino ni Yael ay hindi na niya nakita matapos nilang maghiwalay at sa ilang buwang lumipas na hindi niya nakikita o nakakausap si Yael ay masasabi niya na okay na siya...