Chapter 11
God must be Selfish
Napakurap ako ng ilang beses dahil sa sinabi ni Yael. Hard on? Damn? I'm giving him a fucking hard on? Naka-awang pa rin ang bibig ko habang nakatingin ako sa pintuan ng banyo na kanina'y pabagsak niyang isinara.
Shit! Kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ko na lalo lamang nagpapalagablab sa magkabila kong pisngi pero kaagad kong ipiniling ang ulo ko at mabilis na nagbihis saka lumabas ng kwarto. Sa labas na lang ako maghihintay hanggang sa makapagbihis siya.
He's not bringing any towel nang pumasok siya sa banyo. I don't want to see him walking around the room in his glory. Hindi ako handa.
"Oh, Beatrix." Tawag saakin ni manang Mercy na kasalukuyang nakaupo sa upuan na gawa sa bamboo habang tinatahi ang isang bestida. Nginitian ko siya at umupo ako sa isa pang upuan na gawa sa bamboo.
"Nasaan po si manong Lino?" Tanong ko sakanya.
"Nasa kwarto at nagpapahinga... Madalas kasi kung sumakit ang likod niya ngayon kaya ayaw ko na muna siyang pinapakilos."
"Hala, napatingin na po ba siya sa doktor?"
Tumango siya. "Pinatingin na namin ni Edward noong umuwi siya. Nabigyan naman siya ng gamot at kailangan lang daw niyang magpahinga."
"Naku, mabuti naman po kung ganoon manang..." sagot ko at tumingin sa may bintana. Hindi na malakas ang ulan. Sa palagay ko ay ano mang oras ay titigil na ito.
"Beatrix..." Tawag saakin ni manang Mercy kaya muli kong ibinalik ang tingin ko sakanya.
"Bakit gustong-gusto mo iyong mga damit na kinulang sa tela?" tanong niya bigla na naging dahilan upang mag-init ang magkabila kong pisngi. Napaawang ang bibig ko ngunit walang salitang lumabas. Parang gusto ko pang itaas ang v-neck na shirt na suot-suot ko.
I cleared my throat. "Um... lumaki po kasi ako sa siyudad, manang."paliwanag ko. Naiintindihan ko naman ang pangunguwestiyon niya sa pananamit ko dahil nga sa matanda na si manang Mercy.
Tumango-tango siya. "Ayos lang ba kay Yael?" she kept asking while still doing her thing.
"O-opo, manang... Hindi naman po niya ako pinagbabawalan." Sagot ko. Well, that's true. Noong okay pa kami ay naitanong ko na sakanya kung ayos lang ba na revealing ako kung manamit. Ayos lang naman daw although hindi siya agree ay hahayaan niya daw ako na suotin ang kahit anong gusto ko. Ah... those fucking good times.
Tumango siya ulit at natawa ng bahagya. "Sa bagay... ganyan ang mga tipo ni Yael." Aniya ngunit walang bahid ng pagka sarcastic sa tono niya. Ramdam ko rin naman na hindi niya ako tinutuya. She's just simply saying what she wants to say without intentionally hurting you.
Kumunot ang noo ko. "Paano niyo naman po nasabi manang?" curious kong tanong at nagsimulang bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa antisipasyon sa sagot ni manang.
"Yung mga dating naging nobya kasi niyang si Yael ay kinakapos rin sa tela kung manamit..." pagkukwento niya. Damn! Yael and his exes.
"Talaga ho manang?" parang may kung anong bumara sa lalamunan ko.
Tumango siya ulit. "Pero grabe naman ang mga iyon... kung minsan ay sumusobra na sa pagiging mapusok at walang pinipiling lugar." Aniya at napangiwi pa nang may maalala.
"A-ano po ba ang ginawa, manang?" hindi ko mapigilang tanong. Manang naman, e. Bakit ba hindi na lang niya ikwento ang buong detalye.
"Ay hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa'yo iyon, hija. Muntik na akong himatayin noon..." Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa biglang pagkabitin.
BINABASA MO ANG
When We Crash (When Trilogy #2)
General FictionBook 2 of When Trilogy Beatrix Hayle Ponce de Leon thinks that it was over. Ni anino ni Yael ay hindi na niya nakita matapos nilang maghiwalay at sa ilang buwang lumipas na hindi niya nakikita o nakakausap si Yael ay masasabi niya na okay na siya...