Story that will prove everyone that LOVE is UNCONDITIONAL.
Story that will prove that with LOVE everything is POSSIBLE.
Story that will prove everyone that LOVE is PATIENT.
|Our MIND may not remember everything but our HEART will|
|Memories with som...
Umuwi na sina Lea at Dawn upang magpalit at pumili ng kanilang susuotin sa itinakdang party ni Aga, pagkatapos magbihis ni Dawn ay dinaanan na niya si Lea sa bahay nito upang sunduin. Pagkadating nila sa mismong establisyimento ay agad na pinapasok si Dawn, ngunit si Lea...
"Kuya bakit ba ayaw mo akong papasukin?" Inis na tanong ni Lea.
"Bawal po kasi talaga mam." Patuloy na pagtanggi ng guwardiya.
"Pero I am the girlfriend nung nag-organize nitong party!"
"Bawal po talaga kayong pumasok mam. Wala po kasi kayo sa guest list."
"Papapasukin mo ako o mag-iiskandalo ako dito?" Hindi na alam ni Lea ang mararamdaman niya, kahit ano gagawin niya para lang makapasok sa loob.
"Wait lang po mam, tatanungin ko lang po sila Sir." Tugon ni Manong Guard kay Lea upang kumalma ito.
Biglang umalis si Kuyang Guard para ipaalam kung maaaring pumasok si Lea sa loob upang makisama sa kasiyahan, samantalang bakas naman ang magkahalong tampo at galit sa mukha ni Lea.
LEA:
"Psss, hindi na nga ako binati ng 'Happy anniversary'tapos hindi pa ako papapasukin dito. Bakit pa kasi kailangang magpaalam ni Kuya sa loob. Pwede naman na niya akong papasukin agad agad."
"Ah, mam sige na po pwede na po kayong pumasok." Sa wakas! Ay pinayagan na ako ni Manong Guard na pumasok sa loob, dahil kung hindi magwawala na talaga ako.
"Papapasukin din naman pala ako bakit kailangan pang patagalin." Sabi ko habang nabulong sa sarili.
"Mam may sinasabi po kayo?" Inosenteng tanong ni Manong Guard.
"Ay wala naman, sabi ko lang salamat. Sige dito na ako kuya." Pagsisinungaling ko, baka kasi hindi nanaman niya ako papasukin kapag nagalit siya.
"Sige po mam, enjoy!" Nakangiting bati ni Manong Guard, binigyan ko naman siya ng matamang ngiti at pumasok na sa loob ng establisimyento.
Pagkapasok ko ay wala akong nadatnang tao, walang ilaw sa lugar, pawang mga lobo lang ang aking nakikita at ang anino ng isang taong kilalang-kilala ko, si Aga.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.