Chapter 6

561 14 1
                                    

Tragic Morning

Nagmamadaling nag-drive si Lea, habang si Dawn naman ay sobrang kabado sa kung ano ang nangyari kay Aga. Pagkadating nila sa mismong Hospital ay agad-agad silang nagtanong sa mga Nurse sa Assistance Desk.

"Ariel Muhlach" Dali-daling pagsabi ni Lea ng pangalan ng kasintahan.

"Emergency Room Ma'am." Agad namang sagot ng isang nurse.

"Okay thank you."

Pagkatapos magpasalamat ay kaagad ng umalis si Lea upang magtungo sa E.R. Nang nahanap na nila ang Emergency Room ay kaagad na nakita ni Lea ang isang Doktora, tinawag niya ito at tinanong ang mga nangyari.

"Doc! Anong nangyari kay Aga?" Tanong ni Lea, pinaliwanag naman sa kanya ng doktora kung anong nangyari.

"Mam, as I've said po kanina sa call, he had a car accident and naging matindi po ang pagsalpok ng ulo niya sa manubela, kaya po nagkaroon siya ng matinding 'Traumatic Brain Injury' (TBI)."

"Where is he?" Alalang-alalang tanong ni Lea

"Kakalipat lang po niya sa isang Private Room." Hindi nakuha ni Lea ang nais niyang sagot, kaya naman napasigaw siya ng wala sa oras.

"What room! Can you please just say it!"

"Lei, kalma." Si Dawn, habang pilit na pinaka-kalma ang kaibigan.

"Room 1048 po mam." Kalmado at naka-ngiting tugon ni Doc. Aura.

"I'm sorry Doc. sobra lang akong nag-aalala kay Aga, kaya nagkaka-ganito ako." Saad ni Lea, halatang ramdam ang sobrang pag-aalala.

"Okay lang po mam, punta na po tayo sa room ni Sir, may idi-discuss pa po ako sa inyo." Paanyaya ng doktora kay Dawn at Lea papuntang kwarto ni Aga.

Nang makarating sila Lea sa Room 1048, ay nakita niya si Aga habang may malaking bandage sa kanyang ulo. Nilapitan niya ito at hinalikan sa noo.

"Bakit ka naman naaksidente. Ang saya saya pa natin kagabi diba babes." Habang kinakausap ang tulog na si Aga ay tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha ng dalaga.

"Doc, about saan yung idi-discuss niyo sa akin?" Dagdag pa ni Lea habang pinupunasan ang luha na nagmula sa kanyang mata.

"Mam, dahil nga po nagkaroon si Sir ng isang matinding head trauma, I'm sorry to say pero his in state of coma."

"Comatose?" Sa mga panahong ito ay pinaghalong lungkot at gulat na ang nararamdaman ni Lea.

"Yes po mam, and there's a high possibility na magkaroon si Sir ng Amnesia." Lalo pang nadagdagan ang pag-aalala ni Lea ng sinabi ito ng doktora.

"Amnesia?"

"Yes mam, I'm sorry ayaw ko rin po sanang sabihin sayo, kaso po kailangan niyo pong malaman." Saad pa ng doktora sa nahagulgol nang si Lea.

"Until when yung comatose niya." Tanong muli ni Lea.

"Hindi pa po natin alam. Pwedeng bukas, next month or next year. Sige po mam maiwan ko po muna kayo, kapag may improvements po I will update you nalang po." Walang siguradong posibilidad, hindi tukoy kung kailan gigising si Aga, o kung magigising pa ba ito. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Lea ng marinig ito mula sa doktora.

Pagkalabas ni Doc. Aura ay bigla nalang napa-upo sa sobrang kadalamhatian si Lea, hindi niya maisip kung paano nangyari ang aksidente na kinasangkutan ni Aga. Mabuti na lamang at nandyan si Dawn upang damayan ang kaibigan.

"D hindi ko maisip kung paano nangyari to. Kagabi lang masaya kami, natulog kaming magkatabi, nag-iwan siya ng letter kanina sa desk ko, na nakita ko naman pagkagising ko. Buo at masaya na ang araw ko pero bakit biglang nangyari to?" Hindi parin makapaniwalang salita ni Lea.

"Hindi natin alam Lei, ang alam ko lang this accident happened for a reason, para mas patatagin pa ang relasyon niyo ni Aga." Saad ni Dawn

"He's in coma & there's a high possibility na hindi na niya ako maalala, what can I do?" Sabi ni Lea habang patuloy na umiiyak.

"Just pray to him, he will answer your prayers. Maghintay ka lang, just wait for the perfect time." Positibong tugon naman ni Dawn, upang mapagaan ang pakiramdam ng kaibigan.

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay umalis na muna si Dawn upang makauwi, habang si Lea naman ay nagtungo sa Chapel ng hospital upang magdasal at magtanong.

LEA:

"Bakit po ba to nangyayari? Did I made something wrong? I don't question you about your power or anything, pero bakit sa amin pa ni Aga? Ayaw ko na mawala siya sa akin. He's my first love, he is my bestfriend & he is my life, I really can't afford losing him."

After 30 minutes or more na pagmumuni-muni sa chapel ng hospital ay bumalik narin ako kaagad sa kwarto kung saan naroroon si Aga. Pagbalik ko sa kwarto ni Aga ay nadatnan ko sina Richard at Albert na kasama si Dawn.

"Guys, thank you for being here." Pagbati ko sa dalawa, habang may pilit na ngiti.

"Lei, that's what friends are for. And parang kapatid na namin si Aga kaya nandito kami for him." Si Richard, na sobrang nag-aalala kay Aga, hindi niya pinahahalata pero nararamdaman ko.

"Oo nga Lei, kaibigan namin kayo ni Aga, so dapat lang talaga ng nandito kami sa tabi mo lalo na ngayon at grabe yung pinagdaanan niyo ni Aga." Sabi naman ni Albert habang hinihimas-himas ang likod ko habang naiyak ako.

"Lei, kaya niyo yan ni Aga! Kayo pa, e power couple nga kayo diba?" Si D, I'm thankful that I have her as a friend, lagi siyang nandyan para sa akin.

TAGAPAGSALAYSAY:

Habang nag-uusap ang mga magka-kaibigan ay biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ni Aga, tumayo si Lea upang buksan ito at nakita niya sa likod ng pinto ang nagdadalamhati ring ina ni Aga.

"I'm sorry tita." Tanging katagang nasabi ni Lea sa ina ni Aga.

"You don't have to say anything to me, hindi mo kasalanan ang mga nangyari." Saad ni Tita Anita, kita rin sa mga mata nito ang labis na pag-aalala.

"Pero, ako ang dapat na nag-aalaga sa kanya dahil kasama ko siya bago siya maaksidente." Pagsisi ni Lea sa kanyang sarili dahil sa aksidenteng natamo ni Aga.

"By the way Lei, anong sabi ng doktor?" Pagtatanong ni Anita sa kalagayan ng anak.

"Aga is in state of coma and there's a high possibility of having an amnesia." Blangkong tugon ni Lea, habang bakas parin sa kanyang mga mata ang kalungkutan.

"Sinabi ba kung kailan siya magigising?" Pag-uusisa pa ni Anita.

"Hindi raw po sure. Maybe tomorrow, next month or next year." Malungkot na tugon ni Lea.

"Don't worry Aga is strong, lalo na at nandito ka sa tabi niya. He can survive all of this." Naka-ngiti at positibong saad naman ni Anita,

Pagkatapos nilang mag-usap ay kumain ng sabay-sabay sina Lea, Richard, Albert, Dawn at Anita. Kaagad din naman umalis sina Richard, Dawn at Albert, samantalang napahinga naman muna si Anita, dahil kakagaling lamang nito sa isang mahabang biyahe mula Amerika. Habang si Lea naman ay binabantayan parin ang parang natutulog lang na si Aga.

Gaya Ng DatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon