Chapter 10

594 22 1
                                        

Time to give back

Ilang araw pa ang nakalipas nakilala ng bahagya ni Aga ang sarili dahil sa mga kwento ni Lea. Napalapit din ang bagong Aga kay Lea dahil sa araw-araw nilang pagsasama, hindi pa sila kasal pero mukha na silang mag-asawa dahil halos dalhin na ni Lea ang buong condo unit niya sa bahay ni Aga, maalagaan lang ito.

Isang araw ay naisipan ni Aga na magpaturong magluto kay Manang Glo ng paborito niyang ulam na adobo. Hindi lang para sa kanya, para narin sa araw-araw na nag-aalaga sa kanya na si Lea. Habang nahihimbing pa si Lea ay nagsimula siyang magpaturo kay Manang Glo.

"Sir, kayo po ah!"

"Ano manang?" Inosenteng tanong ni Aga

"Na-iinlove na po ulit kayo kay Mam Lea, kaya niyo siya pinagluluto no!" Asar naman ni Manang Glo kay Aga.

"Gusto ko lang po na maging happy siya, and thank you narin to for her, araw-araw niya akong inaalagaan, ngayong araw ako naman ang mag-aalaga sa kanya."

"Pero sir, kunwari po na wala na kayong maalala, magkakagusto ka parin po ba kay Mam Lea?" Biglang seryosong tanong naman ni Manang Glo.

"Oo naman manang, she's perfect, Ideal wife siya." Si Aga, na mistulang ibang tuwa ang kanyang naramdaman ng mga oras na iyon.

"Ayieeee sir! Bakit po hindi niyo ligawan ulit si Mam?" Pagbibigay suhestiyon ni Manang kay Aga.

"Do you think sasagutin niya ulit ako?"

"Oo naman po sir, hindi naman po nagbabago ang pagtingin sa inyo ni Mam e."

"Paano mo naman nasabi?" Biglang takang tanong ni Aga.

"Naka-usap ko po kasi siya, isang beses." Pagba-baliktanaw ni Manang at ikinuwento kay Aga ang nangyari.

=B A L I K T A N A W=

Nakangiting tinititigan ni Lea si Aga habang natutulog ito. Habang nakatitig siya dito ay hindi niya maiwasan ang ngumiti.

LEA:

"Ikaw parin yung Aga na minahal ko kahit nagka-amnesia ka hindi ka parin nagbabago, palaban at hindi nasuko, tinanggap mo ako kahit hindi mo naman talaga alam kung totoo yung mga sinasabi ko sayo. You don't call me babes anymore, but I know I have a place in your heart, alam ko kasi nararamdaman ko."

Hinahawi-hawi ko ang buhok ni Aga habang nakangiti parin, natigil nalang ang pagtitig at pagngiti ko nang biglang dumating si Manang Glo.

"Mam, iba po ang titig niyo kay Sir ah!" Masiglang sabi ni Manang Glo.

"Anong ibig mong sabihin Manang?"

"Mahal niyo parin po siya no?" Curious na tanong ni Manang Glo.

"My love for him never change. Kung gaano ko siya kamahal noon patuloy lang na nadadagdagan iyon." I just answered it with my heart, yun talaga yung nararamdaman ko eh.

"Pero paano po mam kung hindi na bumalik ang alaala ni Sir?" Malungkot na tanong ni Manang Glo.

"It's okay, bumalik man o hindi ang alaala niya mamahalin ko parin siya." Bitter-sweet smile naman ang ipinakita ko kay Manang.

"Paano po kung gusto na niyang palayain niyo siya?" Muli pa siyang nag-tanong.

"What do you mean Manang?"

"Ang ibig sabihin ko po, paano po kung nakahanap na siya ng iba, at sabihin niya sa inyo na mag-move on ka na?"

"Hindi ko alam, ikamamatay ko ata. He's my true love & I don't know how to live without him." Biglang may tumulong luha mula sa mga mata ko. Hindi ko alam, pero mahal ko si Aga. Hindi ko kayang mawala siya sa akin

=Kasalukuyang Panahon=

TAGAPAGSALAYSAY:

"Grabe po yung pagmamahal niya sa inyo sir." Kinikilig na sabi ni Manang Glo.

"Sinabi niya lahat iyon?" Kinikilig din si Aga ngunit hindi niya pinahalata iyon.

"Opo sir. Buhay niya katumbas ng pagmamahal niya sa inyo. Kaya sir, kung mamahalin mo man siya ulit, wag mo siyang papaiyakin. At kung hindi mo siya mamahalin katulad nang dati, sana po wag mo na siyang paasahin." Babala ni Manang kay Aga.

Pagkagising ni Lea ay kaagad niyang hinanap kung nasaan si Aga. Sinabi ni Manang Glo na nasa garden daw ito, kaya naman ay pinuntahan niya kaagad ito, pagdating niya sa garden ay nagulat siya sa kanyang nasaksihan.

"What's the meaning of this?" Gulat na gulat na reaksyon ni Lea.

"Simple presentation for you." Si Aga, habang nakangiting pinagmamasdan ang gulat na gulat parin na si Lea.

Biglang naalala ni Lea ang katagang "Simple presentation for you." nang magtapat ng pagtingin sa kanya si Aga.

"Lei are you okay?"

"Yeah! I just remember one thing. By the way are you sure para sa akin to?" Takang-taka parin na tanong ni Lea.

"Oo, ayaw mo ba? Sayang nagpaturo pa naman ako kay Manang Glo para lutuin yan." Kunwaring nagtatampo naman na reaksyon ni Aga.

"Seriously? Ikaw ang nagluto niyan?" Muli ay nagulat si Lea dahil sa narinig nito mula sa binata.

"Hindi ba halata o ayaw mo lang talagang kainin?" Kung kanina ay kunwari lang ang pagtatampo, ngayon ay totoo na ang nararamdamang ito ni Aga.

Akmang aalis sana si Aga, ngunit hinawakan ni Lea ang kamay ni Aga, binigyan ng sinserong ngiti at niyakap ng dalaga si Aga. Biglang tumulo ang luha niya, pinawi naman ito ni Aga.

"I love you & thank you for making me happy, always." Tuloy-tuloy ang pagpatak ng mga luha mula sa mga mata ng dalaga.

"No, thank you for taking care of me and for loving me unconditionally."

Bago sila umupo ay ginawaran ni Lea si Aga ng isang halik sa labi, hindi naman ito inaasahan ni Aga. Matatapos nalang ang araw na iyon ay naiisip parin ni Aga ang paghalik sa kanya ni Lea. Paulit-ulit niyang hinahawakan ang labi niya at animo'y isang bata na namumula sa sobrang kilig.

AGA:

"Am I in love with you, again? Hindi ko dapat maramdaman to, pero hindi maiwasan ng puso ko na kiligin at hindi naman tumatanggi ang isip ko dahil mga litrato ng mukha mo ang paulit-ulit kong nakikita kapag nakapikit ako. Grabe naman yung karisma mo Lei, kahit sino atang lalaki na may amnesia o wala mamahalin ka e. Maganda, mabait, matalino, na sayo na ang lahat."

Gaya Ng DatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon