Amusement Park
Maagang nagising si Lea kaya naman bumangon na siya kaagad upang ipagluto si Aga ng kanilang almusal. Habang nagluluto naman ang dalaga ay nagising si Aga, napansin ni Aga na wala sa tabi niya si Lea kaya't hinanap niya ito kaagad.
Nakita niya ang kasintahan sa kusina habang nagluluto, lumapit siya dito ay binigyan ng yakap ang dalaga mula sa likod nito.
"Ang bango naman!" Nakangiting sabi ni Aga.
"Ng ano? Yung niluluto o yung nagluluto?" Pambungad na tanong naman ni Lea.
"Siyempre yung" Tumigil sandali si Aga bago muling nagsalita. "Niluluto."
Bigla namang sumimangot si Lea sa kanyang narinig, kaya't inalis ni Lea ang pagkakayakap ni Aga sa kanya. Napansin naman ito ni Aga kaya agad niyang nilambing ang kasintahan.
"Hindi pa naman kasi ako tapos."
"Ewan ko sayo."
Hinarap ni Aga si Lea sa kanya at inamoy-amoy ang leeg, buhok at mukha ng dalaga.
"Ano ba nakikiliti ako!" Natatawang sagot ni Lea.
"Mabango ka naman ah! Mas mabango sa niluluto mo." Saad ni Aga sabay kindat.
"Oo na, sige na kumain ka na. Pupunta pa ako sa restaurant." Saad ni Lea habang pinapatay ang kalan at inihanda ang breakfast ni Aga.
"Pupunta ka nanaman doon?"
"They need me there." Sabi ni Lea, na tangkang aalis na.
"But I need you more here." Tugon naman ni Aga na pinigilan ang pag-alis ng dalaga sa pamamagitan ng paghawak sa braso nito
"But babes."
"Take a day off." Walang emosyong sabi ni Aga, pagkatapos nito ay inumpisahan niya na ang pagkain.
"I can't, they really need me there. I have more things to do babes." Muli ay tinangkang umalis ni Lea, ngunit nahinto siya sa sinabi ni Aga.
"So, they're more important than me, is it?" Pumunta naman si Lea sa likod ni Aga at niyakap ito mula roon.
"Ok fine, I'll take a day off."
"Kung napipilitan ka lang, sige na umalis ka na." Nagtatampong tugon ni Aga sa kasintahan.
Umupo naman si Lea sa tabi ni Aga, hinawakan ang mga kamay nito at sinabing,
"Babes, hindi ako napipilitan okay. Sabi mo gusto mo na dito lang ako, so hindi na ako aalis. Yung restaurant sa ibang araw nalang."
Bigla namang tumayo si Aga, kumuha ng plato at binigyan ng makakain si Lea, saka biglang nagsalita.
"Go, eat you breakfast after that we're going somewhere."
Naguguluhan naman si Lea sa sinabi ni Aga, kaya't tinitigan niya lang ito. Nang makita siya ni Aga na nakatulala, ini-snap ng binata ang daliri niya upang mawala ang pagiging tulala ni Lea. Wala namang nagawa si Lea kaya't kinain na lamang niya ang pagkain na inihanda ni Aga para sa kanya.
Pagkatapos nilang kumain ay bumalik si Aga sa kwarto upang magbihis. Walang alam si Lea sa nangyayari kaya't naupo na lamang siya at hinintay na makalabas si Aga mula sa kanilang kwarto.
Pagkalabas ni Aga sa kwarto ay hinawakan niya ang kamay ni Lea, at isinakay ang dalaga sa kanilang sasakyan. Pinag-drive naman agad ni Aga ang kanilang driver upang makarating sila agad sa pupuntahan.
"Babes saan ba talaga tayo pupunta?"
"Just trust me, malapit na tayo."
"Ang layo na ng na-drive ni manong, wala pa ba tayo sa pupuntahan natin?"
Bigla namang hininto ni manong ang sasakyan. Lumabas si Aga mula dito, nang makita na niya ang nais niyang makita, binuksan niya ang pintuan ng sasakyan upang makalabas si Aga.
"We're already here."
"Anong ginagawa natin dito?" Saad ni Lea, nang makita ang lugar na pinuntahan nila ni Aga.
"We are here for some adventures."
"Adventures?"
Matapos nito ay muli siyang hinatak ni Aga, papasok ng amusement park na pinuntahan nila sa Sta. Rosa, Laguna.

BINABASA MO ANG
Gaya Ng Dati
RomanceStory that will prove everyone that LOVE is UNCONDITIONAL. Story that will prove that with LOVE everything is POSSIBLE. Story that will prove everyone that LOVE is PATIENT. |Our MIND may not remember everything but our HEART will| |Memories with som...