(A/N: I never introduced who Seya is kaya ito na nga 😂 for more vivid imagery, just think that Seya is Bea Alonzo 😘)
Bonding Time
Isang panibagong araw nanaman, parehong bumangon ng maaga si Lea at Aga. Si Lea para tutukan pa rin ang Restaurant ni Aga na siya pa rin ang nagmamanage habang si Aga naman ay upang makipagkita muli kay Seya.
Matapos ang kanilang unang pagkikita ay halos hindi na sila mapaghiwalay, natagpuan ni Aga ang isang matalik na kaibigan sa katauhan ni Seya, araw-araw ay nagbo-bonding silang dalawa, ngayong araw ay sa isang Arcade sila pupunta. Nagyayaya si Seya dahil gusto niya daw mabawasan ang stress na dulot ng kanyang trabaho.
"Wala ka bang trabaho? Parang everytime na inaaya kita okay lang lagi, parang wala kang ginagawa." Tanong ni Seya habang nagda-drive si Aga.
"I have a business, a restaurant, pero I'm not the one who manages it now, si Lea ang nag-aasikaso doon."
"Ay yung fiancé mo."
"Ex fiancé." Walang eemosyong sabi ni Aga, kinagulat naman ito ni Seya.
"Akala ko ba gusto mo siyang makasama ulit."
"Noon oo, pero ngayong nandito ka, parang hindi na. Bakit ako mananatili sa isang taong nandon lang nung nasa itaas ako, pero iniwan na ako nung lumagapak na ako sa lupa? She's is just there because I'm at my best, but you... you are here even if I am in my worst." Sabi ni Aga at kinuha ang kamay ni Seya, hinalikan niya ito at nginitian si Seya ng pagkatamis-tamis.
"Alam mo ang malas niya kasi pinakawalan ka pa niya, ang sweet mo kaya!" Sabi naman ni Seya na bakas parin ang pagkakilig sa ginawa ni Aga.
"Okay lang yun, at least ikaw ang swerte mo kasi nandito ako kasama mo ngayon."
Nagpatuloy naman si Aga sa pagmamaneho hanggang sa nakarating sila sa isang Mall sa norte, pumasok sila sa Mall at hinanap ang mga palaruan doon, nang sila ay makarating sa palaruan ay una nilang sinubukan ang maglaro ng basketball.
"Pataasan ng score ah, ang matalo manlilibre ng dinner mamaya." Sabi ni Aga.
"Parang lugi naman ako, lalaki ka kaya malamang mas magaling ka sa basketball." Pamaktol na sabi naman ni Seya.
"Wala, ako kinalaban mo eh, you have to face the consequences kapag natalo ka."
"Oo na! Pero kapag ako ang nanalo, hindi lang dinner ang ililibre mo sa akin okay." Nakangising sagot naman ni Seya.
"Ano bang gusto mo?"
"Lately nagugustuhan ko na yung Harry Potter na libro, kapag nanalo ako bibilhin mo yung 8 books na meron okay, from Sorcerer's Stone hanggang Cursed Child."
"Sige ba, basta manalo ka."
"Promise?"
"Promise." Tila nagliwanag naman ang mukha ni Seya nang sabihin ito ni Aga. Sabay silang naghulog ng dalawang token upang gumana ang mga makina sa kanilang harapan, pursigidong-pursigido si Seya na manalo dahil nais niyang makuha ang mga libro. Sa unang round ay mas mataas ang nakuhang puntos ni Seya ngunit sa mga sumunod na lebel ng laro ay nahirapan na siya at tuluyang natalo.
"Paano ba yan, talo ka."
"Huwag mo nga akong kausapin, ang yabang mo, porket nanalo ka ganyan ka na." Sabi ni Seya habang nakasimangot.

BINABASA MO ANG
Gaya Ng Dati
Roman d'amourStory that will prove everyone that LOVE is UNCONDITIONAL. Story that will prove that with LOVE everything is POSSIBLE. Story that will prove everyone that LOVE is PATIENT. |Our MIND may not remember everything but our HEART will| |Memories with som...