Talents to Show
Kasama niya sa pag-uwi si Lea habang si Anita naman ay bumalik na sa America. Walang palya niyang inaalagaan si Aga, araw hanggang gabi ay nakabantay ang dalaga dito. Isang araw ay napag-usapan nilang dalawa ang talento ni Aga sa pagsusulat ng mga tula.
"Babes, can you try to write poems?" request ni Lea sa kasintahan.
"Bakit, ginagawa ko ba iyon dati?" Tanong naman ni Aga sa kanya.
"Yeah! Actually always, it's my favorite talent of yours." Pagmamalaki naman ni Lea.
"Talent ko ang pagsusulat ng tula?" Manghang tugon ni Aga kay Lea.
"Oo, nung araw na nagtapat ka ng feelings sa akin, lahat ng tao sa school nasaksihan kung gaano ka kagaling gumawa ng tula." Pagba-baliktanaw ni Lea.
"Lahat ng tao sa school? Paano?" Nagtatakang tanong ni Aga kay Lea.
"Nagset-up ka lang naman ng isang napakalaking proposal party for me. Kumanta ka at nagbigkas ng isang napakatalinhagang tula sa loob ng Gymnasium ng school natin." Nakangiti si Lea habang inaalala niya ang mga masasayang pagkakataong katulad nito.
"I did that all for you?"
"Yes, you did that and nung nagpropose ka ng kasal, may poetry parin yung speech mo for me." Tugon ni Lea, matagal-tagal na mula ng mangyari ito ngunit bakas parin sa mukha niya ang kilig.
"Kaya ko pa kayang gawin iyon?"
"Oo naman! Ikaw pa ba. Wait lang may kukunin ako."
Pumasok si Lea sa kwarto ni Aga at kumuha ng papel at ballpen upang makapagsulat si Aga, ibinigay ito ni Lea kay Aga at nagsimula nang mag-isip ng mga salitang babagay sa bagong tula na kanyang ginagawa. Nang naka-isip na si Aga ng tema ng kanyang tula, kinuha niya ang papel at ballpen upang ilipat na ang kanyang akda ngunit nang magsusulat na siya ay,
"Anong nagyayari sa sa kamay ko?"
"Babes anong nangyayari? Bakit nagkakaganyan ang kamay mo?"
Gulat na gulat silang dalawa ng makitang hindi makapagsulat ng maayos si Aga dahil sa malakas na pagnginig ng kanyang mga kamay. Kitang-kita ang galit sa mukha ni Aga habang si Lea naman ay lubusang nag-aalala sa kalagayan ngayon ni Aga.
"Pati ba naman pagsusulat hindi ko na magawa?" Habang galit na galit at bigla na lamang ibinato ang papel na hawak-hawak niya.
"Babes kumalma ka." Pangungumbinsi ni Lea kay Aga.
"How can I calm if ganito ang situation ng kamay ko?"
"Babes ganito nalang, tatawagin ko si Doc. Aura para malaman natin kung bakit nagkakaganyan yung mga kamay mo okay."
Agad-agad namang tinawagan ni Lea si Doc. Aura upang papuntahin ito sa bahay ni Aga, para narin malaman nila kung ano ba talaga ang kalagayan ng kamay ni Aga. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay mabilis namang nakarating sa bahay ni Aga si Doc. Aura upang i-check up ito.
"Doc. bakit ba nagkakaganyan ang mga kamay ko?"
"Meron bang something na hindi magandang nangyayari sa kanya doc?" Alalang tugon ni Lea.
"Well, Sir sa kalagayan niyo po ay normal lang ang mga pangyayaring ganito."
"Normal? Paano to naging normal!" Si Aga, habang galit na galit parin ang emosyon.
"Because of the Head Trauma that you have, nahihirapan po ang inyong brain na mag-transfer ng information sa iba't-ibang bahagi ng katawan niyo. Specifically left half of your brain, because it's responsible for verbal and logical functions including your writing skills, kaya nagkaganyan ang mga kamay mo." Kalmadong pagpapaliwanag ni Doc. Aura sa kanyang pasyente.
"Pero hindi naman mangyayari ng sobrang dalas yan diba doc?" Nag-aalala namang tanong ni Lea.
"Well, this situation may last for weeks or months. Sir Aga have to try this once in a while para masanay yung mga kamay niya. Para next time kaya na niyang magsulat on his own. Pero as of now po sabihin niyo po muna kung ano yung mga bagay na gusto mong isulat." Pag-dagdag impormasyon pa ni Doc. Aura.
"Salamat doc. sa mga informations, buti nalang po at nandito ka, kung hindi for sure lahat na kami dito nag-panic." Lea gave Doc. Aura a genuine smile after.
"No worries Mam, basta tawagan niyo lang po ako if ever na may iba pang weird situation ang mangyari kay Sir Aga. Sige po mauna na ako."
Inihatid na ni Lea si Doc. Aura papunta sa sasakyan nito, pagkaalis na pagkaalis ng doktora ay kaagad niyang pinuntahan ang kumalma ng si Aga. Tinanong niya ito sa kung ano ang nais niyang isulat sa papel. Sumagot naman ito agad at sinabi ang saknong na kanyang nagawa.
Thank you, for showing me your love
Sa pagku-kwento mo about everything I have.
Kahit na wala akong naaalala about my past
My pasasalamat for you will forever last.
"Sorry, ayan lang yung naisip ko e." Dismayadong sabi ni Aga.
"You don't have to say sorry, ang ganda kaya, kahit na may amnesia ka nakakaya mo paring gawin yung mga ginagawa mo noon kagaya ng pagsusulat ng tula." Sinserong ngiti ni Lea, na nagsasabi kung gaano niya na-appreciate ang tulang ginawa ni Aga.
"You appreciate it? Pero ang konti-konti" Napakamot sa ulo si Aga, tila nagtataka kung bakit ganon ang reaksyon ni Lea.
"Everything that you do, I will always appreciate it." Muli ay isang malamlam na ngiti ang iginawad ni Lea kay Aga
"Thank you nga pala ah."
"For what?" Simpleng tugon ni Lea kay Aga.
"For taking care of me. Halos dalhin mo na dito yung tirahan mo, just to check me, ni hindi ka na nauwi." Kahit na hindi niya pa kilala ng lubusan si Lea ay nag-aalala parin siya dito.
"Well as your fiancé my job is to take care of my future husband."
"Are you sure na gagawin mo yan hanggang sa bumalik ang alaala ko?"
"Oo naman. Actually ako ang dapat na nagpapasalamat sa iyo, you trusted me even though you don't know if totoo yung mga sinasabi ko sayo."
"Kasama mo si Mama noong nasa hospital pa ako, and the way you cried alam kong totoo lahat ng sinasabi mo, alam kong totoong mahal mo ako. And that's the reason why I trusted you." Pagkatapos itong sabihin ni Aga ay hindi maitago ni Lea ang kanyang kasiyahan.
BINABASA MO ANG
Gaya Ng Dati
RomanceStory that will prove everyone that LOVE is UNCONDITIONAL. Story that will prove that with LOVE everything is POSSIBLE. Story that will prove everyone that LOVE is PATIENT. |Our MIND may not remember everything but our HEART will| |Memories with som...
