Chapter 17

424 13 2
                                    

(A/N: Hi guys! To everyone who is reading this now, please help us VOTE LEA SALONGA for Aliw Awards Top Entertainer of the Year 😍)

Just text VOTE DW3 (send to) 8933
THIS IS UNLI VOTING! VOTING WILL LAST UNTIL DECEMBER 15 💖

Fear

AGA:

"I just want to make her happy, that's why I'm doing this. I wanna show her that I love her even if I don't remember everything about us in the past. I want to make new memories with her forever. I wanna be with her until my very last breath. I know I don't remember her completely, I know that I'm not deserving for her, but I love her and she loves me too, at hindi ako papayag na may umagaw sa kanya sa akin."

Una naming pinuntahan ang sobrang laki at nakakatakot na 'Space Shuttle' (Roller Coaster ride) pumila kami ni Lea upang makasakay sa loob nito, sa una game pa si Lea na sumakay ngunit habang papalapit kami ng papalapit sa dulong linya ay ninanais na niyang umatras. Nang papasakay na kami sa loob, ay bigla niyang hinila ang aking braso.

"Babes I think I can't." Saad niya habang bakas ang takot sa kanyang mukha.

"Babes alam ko na meron kang fears of heights, but you need to overcome it."

"Ayoko na."

"Nandito na tayo, inaantay na nila tayo sa loob. Ngayon ka pa ba aatras?"

"Hindi ko kaya. Masyadong nakakatakot, baka himatayin lang ako."

"I'm here to catch you whenever you fall."

Huminga siya ng malalim, hinawakan ko ang kamay niya, at tuluyan na kaming pumasok sa loob. Habang hinihintay ang mga huling tao na sasakay sa roller coaster ay bakas parin ang takot niya.

"Here, hold my hand. Pwede mo yang pisilin kapag sobrang natatakot ka." Pagbibigay ko ng kaliwang kamay ko para mabawasan ang takot niya.

"Isang beses lang natin tong gagawin babes, kung hindi mo kaya hindi na natin gagawin to ulit."

"I can, sabi mo nga kailangan kong i-overcome yung fear ko para mas mag-enjoy ako. I am now 24 pero first time kong sumakay sa extreme ride gaya nito."

"After this you can cry, pwede mo akong sapakin or worse pwede mo akong iwan."

"Of course I will not do that!"

"Seryoso babes, pwede kang magalit sa akin kasi pinilit kita. And last reminder, required na sumigaw ka, kundi magkaka-heart attack ka."

"Okay." Muli ay bumuntong siya ng hininga.

TAGAPAGSALAYSAY:

Pagkatapos ng pag-uusap nilang dalawa ay nag-lock na ang mga safety harness, at nagsimula nang umandar ang ride. Sa umpisa ay sobrang takot na takot si Lea, ngunit habang tumatagal ito ay mas nag-eenjoy na siya. Pagkalabas nila sa area ng 'Roller Coaster' ay tumingin sila saglit sa mga nakunang pictures habang nakasakay sila sa loob. Pagkatapos nito ay lumabas na sila sa show room.

"Babes ang saya!" Sabi ni Lea at biglang napayakap kay Aga.

"I told you, masaya."

"I promise to repeat that experience again."

Sunod naman nilang pinuntahan ang 'Anchors Away' (Isa pang extreme ride sa E.K.) ng makita ito ni Lea ay hindi na siya natakot, mas excited pa nga siya kay Vice.

"Babes parang super excited ka ah! Hindi ka na ba takot?"

"Babes bakit ako matatakot, mas extreme yung una nating sinakyan."

"Aba! Mayabang ka na ngayon ah!" Sabi ni Aga na may kasamang pagtawa.

Ganon muli ang sitwasyon, nakahawak si Lea sa kamay ni Aga habang inaantay ang pag-lock ng safety harness. Sigaw lang sila ng sigaw hanggang matapos ang nasabing ride. Matapos nito ay 'Flying Fiesta' at 'Disk-o Magik' naman ang mga rides na sinakyan nila. Papalubog na ang araw ng matapos sila sa huling ride na sinakyan nila.

Nag-aya nang kumain si Lea ngunit, sinabi ni Aga na may isa pa silang sasakyan at ito ang 'Wheel of Fate' (Ferris wheel).

"Love sarado naman eh, paano tayo makakasakay?"

"Ako nga ang nagpasara eh." Bulong naman ni Aga sa kanyang sarili.

"May sinasabi ka babes?"

"Ang sabi ko, hindi yan sarado, baka nag-aantay lang ng mga sasakay. Tara na!"

Muli ay hinatak ni Aga ang kamay ni Lea papalapit sa ride, pagkalapit nila ay nagtaka si Lea dahil walang pinapasakay dito. Natuwa naman si Aga sa kanyang nakita.

"Sabi ko sayo babes sarado, baka may proposal na magaganap kaya pinasara."

"At sinabi ko rin kanina na ako ang nagpasara nyan para sayo, hindi mo lang narinig."

Bigla namang nag-pantig ang mga tenga ni Lea pagkatapos sabihin ni Aga iyon, tumingin siya sa paligid at nakitang nakatingin sa kanya ang mga tao, matapos nito ay tumingin naman siya kay Aga.

"Seryoso ka ba?" Tanong nito habang nabulong.

"Sa tingin mo nagbibiro ako? Okay seryoso babes, ako nagpasara nito para may moment tayo." Nakangiting tugon naman ni Aga.

"Sakay na ate! Baka mag-propose na sayo si Kuya sa taas!" Sigaw ng isang kinikilig na babae sa gilid nila.

"Oo nga ate! Sayang naman kung hindi ka sasakay, sayang effort ng boyfriend mo." Muli ay may isang babaeng sumigaw mula naman sa likod ni Aga.

"For sure, inaantay mo nang pakasalan ka niya. Eto na chance mo!" Ang ikatlong babae na sumigaw ay parang audience ng pelikula ng isa sa pinakasikat na loveteam sa bansa.

"Engage na po kami, matagal na." Sabi ni Lea at ipinakita ang engagement ring na bigay sa kanya ni Aga.

"Tara na babes." Saad ni Aga habang nakangiti at ino-offer ang kamay niya kay Lea.

Hinawakan naman ito ni Lea, binigyan ng isang matamang ngiti si Aga bago tuluyang pumasok sa ferris wheel. Habang nasakay sila ay nagbubulungan ang mga tao ng "Ang swerte ni ate sa boyfriend niya," at "Kailan kaya ang kasal nila?"

"Babes ano nanaman to? Ang dami mong pakulo." Sabi ni Lea habang nakatitig kay Aga at namumula ang pisngi.

"Diba I promise to make you happy. Well, this is the only thing I know to make that." Mas lalong namula ang pisngi Lea.

"Your presence is more than enough. You don't have to do such things para pasayahin ako."

Matapos ang isang romantikong tagpo sa amusement park, ay kumain ang dalawa sa isang restaurant sa di kalayuan, matapos nito ay napagdesisyunan nilang dalawa na umuwi na upang makapag-pahinga. Pagkarating nila sa bahay ni Aga ay kaagad niyang binuhat si Lea papunta sa kwarto nito, pinagmasdan niya muna ang dalaga hanggang sa napagdesisyunan niyang matulog sa tabi nito.

Gaya Ng DatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon