Worried
Matapos ang gabing iyon ay araw-araw nang nagkikita at nakain sa labas si Seya at si Aga, mas naglevel-up ang kanilang relasyon, kung noon ay magkaibigan lang talaga sila, ngayon ay parang magkasintahan na sila sa kanilang inaasta.
"Ikaw pare, hindi ka na namin nakikitang umiinom." Sabi ni Richard, ngumisi naman si Aga dahil dito.
"Okay na ba ulit kayo ni Lea?" Tanong naman ni Albert.
"Hindi pa rin kami nag-uusap, at pwede ba huwag niyo ngang banggitin ang pangalan niya." Nagulat naman ang dalawa sa sinabing ito ni Aga.
"E kung hindi si babes, sino ang dahilan kung bakit ka nangiti na parang baliw? Abot langit brad."
"Si Seya."
"Sinong Seya? Saan mo naman nakilala yan?" Tanong muli ni Albert na parang nag-uusisa.
"Naalala niyo yung huling beses niyo akong nakita sa bar?" Tumango naman sila Richard at Albert. "Pagkatapos niyong umalis dumating siya, roon kami nagkakilala."
"In fairness ang ganda ng epekto niya sa iyo, lumalabas ka na, at ngumingiti." Muling hayag ni Richard, simula nang dumating si Seya ay kapansin-pansin na nga ang pagbabago ni Aga, mas nakakausap na siya ng maayos ngayon kaysa noong mga panahong kakahiwalay palang nila ni Lea, parang lagi siyang naghahamon ng away.
"Gusto ko siyang makita pare, ipakilala mo siya sa amin. Magse-set ako ng date, dinner tayong apat. Game ka ba?" Sabi naman ni Albert.
"Sige, game ako. Tawagan ko lang siya okay." Sabi ni Aga at lumabas ito.
"Anong naisip mo at makikipagkita ka sa bago ni Aga? Tol ma-o-offend si Lea." Sabi ni Richard.
"Hindi naman natin siya ta-traydorin, si Lea parin ang gusto ko for Aga. It's just that we have to know the girl who makes Aga happy and to know if it's just for temporary or not." Paliwanag ni Albert.
"Bahala ka tol, ikaw nalang ang makipagdinner with them, ayokong sumama, baka malaman pa ni Lea at magalit pa siya."
"Richard, I just want to know who that person is, I want to know if she is better or can be at the same level as Lea. Kapag hindi natin siya nagustuhan, we will tell it to Aga right away." Paninigurado ni Albert.
"Ang lalim naman ata ng pinag-uusapan niyo, ano ba iyon? May problema ba?" Tanong ni Aga na kakabalik lang mula sa labas.
"Wala pare, Wednesday night at Richard's house, dinner tayo okay." Tumango nalang si Aga upang sumang-ayon, sa kabilang banda nailing-iling nalang si Richard sa sinabing ito ni Albert. Dumating ang araw nang Miyerkules at pinuntahan ni Aga si Seya sa bahay nito upang tulungan itong maghanda.
"Aga, I think I can't face them."
"Why? Wala ka namang ginagawang masama."
"But they're Lea's friends, for sure they don't want me for you, si Lea ang gusto nila para sa iyo." Bakas sa mga mata ni Seya ang lungkot at pangangamba.
"Hindi naman sila ang makikisama sa iyo, ako naman. And ano naman kung ayaw nila sayo, ano naman kung mas gusto nila si Lea? Seya ako pa rin ang magdedesisyon kung ano ang gusto ko, kung ano ang nararapat sa akin." Sabi ni Aga at hinawakan ang kamay ni Seya, hinalikan niya ito upang kumalma ang dalaga.

BINABASA MO ANG
Gaya Ng Dati
RomanceStory that will prove everyone that LOVE is UNCONDITIONAL. Story that will prove that with LOVE everything is POSSIBLE. Story that will prove everyone that LOVE is PATIENT. |Our MIND may not remember everything but our HEART will| |Memories with som...