Agitation
"Aga ano bang ginawa mo!" Napasigaw nalang si Lea habang pinagsasabihan si Aga.
"Pinagtanggol lang naman kita."
"Pero hindi mo kaya, tatlo sila, isa ka lang."
"Wala akong pakialam, ang gusto ko iligtas ka."
"Aga, sa tinggin mo naligtas mo ako? Eh yang sarili mo nga hindi mo naipagtanggol sa kanila, paano mo pa ako mapro-protektahan diba! Buti nalang at dumating sina Albert at Richard kung hindi, siguradong may nangyari nang masama sa iyo." Galit parin na tugon ni Lea, hindi niya maitago ang pag-aalala sa minamahal, kaya eto siya at galit na galit.
"Ganon ba talaga ang tingin mo sa akin? Hindi ka kayang ipagtanggol?" Tumulo naman ang luha ni Aga habang sinasabi niya ito.
"Aga, hindi naman sa ganon." Si Lea, na bumalik na sa pagiging kalmado.
"Pero ayon ang gusto mong iparating!"
"Ags..."
Hindi na natapos ang sasabihin ni Lea dahil tumayo na si Aga at pumunta sa kanyang kwarto. Gabi na ngunit ayaw paring lumabas ni Aga sa kanyang kwarto, hindi pa siya nakakakain. Napagdesisyunan naman ni Lea na pumunta sa kwarto ni Aga, nadatnan niya itong mahimbing na natutulog.
"Ags, I'm very sorry if you feel na hindi mo ako kayang ipagtanggol. I don't mean that, ayaw ko lang na masaktan ka, kagaya nalang nang nangyari sayo kanina. Pero alam mo, I'm very thankful na dumating ka kanina, kasi kung hindi for sure ako ang napahamak. Thank you for sacrificing your own self just to save me." Habang nabulong at hinahawi ni Lea ang buhok ni Aga.
Paalis na sana si Lea nang maalala niya ang mga katagang sinabi ni Aga na tumatak sa kanyang puso at isipan.
"And, thank you for saying to them na I am your fiancé kahit na wala kang naaalala. I love you, & I will always do." Napabuntong-hininga nalang si Lea sa mga panahong ito.
Pagkalabas naman ni Lea ay dumilat ang mga mata ni Aga, hindi siya natutulog, nagpapanggap lamang siya, bumangon siya at kinausap ang sarili. May naririnig siyang boses sa kanyang utak at hindi niya alam kung paano pahintuin ito.
"Nag-sorry na siya, okay na kami, pwede na kaming mag-usap. Nag-aalala lang naman talaga siya dahil may amnesia ako, kaya niya ako napagalitan kanina." Sabi ni Aga habang nagboboses bata.
"Nag-sorry lang siya kasi naaawa siya sa akin! Hindi niya talaga ako mahal, ginagawa niya lang akong tanga. Hindi naman totoo ang mga sinasabi niya sa kwento niya." Sabi ng garalgal at galit na boses sa utak niya.
"Hindi totoo yan! Mahal niya ako! Paulit-ulit niyang sinasabi iyon sa akin, hindi totoo yang sinasabi mo!" Sabi muli ni Aga habang bata parin ang boses.
"Sino bang paniniwalaan ko! Hindi ko na alam kung sino ang tama. Naaawa lang ba talaga sa akin si Lea kaya niya ginawa iyon? Minahal niya ba talaga ako, o niloloko niya lang ako? Hindi ko na alam!!!"
Matapos ng ingkwentrong ito ay nakatulog si Aga na nagugulumihanan sa kung ano ang kanyang paniniwalaan, natulog siyang may bakas ng pag-iyak sa kanyang mga mata. Kinabukasan ay hindi parin nalabas ng kwarto si Aga, nag-alala naman si Lea kaya pumasok ito sa kanyang kwarto. Nadatnan niya si Aga, nakatulala, kinakausap ang sarili, nakita naman siya ng binata at bigla siyang kinausap.
"Hi Lei! ikaw pala! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Aga habang masaya ang emosyon.
"Sino ka? Anong ginagawa mo dito? Wag kang lalapit sa akin, umalis ka!" Mula masaya ay takot naman ang ipinakita ng binata.
"Aga! Anong nangyayari sayo? Ba't ganyan ang reaksyon mo?" Gulong-gulo si Lea nang matunghayan niya ito.
"Minahal mo ba talaga ako? O naaawa ka lang sa akin kaya mo ako inaalagaan?" Naiiyak naman ang binata habang sinasabi ito.
Lumapit si Lea kay Aga dahil sobrang nag-aalala ang dalaga sa nangyayari kay Aga.
"Aga ano bang nangyayari sayo? Bakit ganyan ka?" Tumutulo narin ang mukha ni Lea habang sinasabi niya ito.
"Sinabing huwag kang lalapit sa akin e!" Puno naman ng galit ang binata ng banggitin niya ang mga katagang ito.
Hinawakan ni Aga ang braso ni Lea, gigil na gigil niyang pinisil at hinampas ang dalaga. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay itinulak ni Aga si Lea, sa malakas na pagkakatulak ng binata ay napasandal si Lea sa pinto ng kwarto nito. Nakakita naman si Aga ng isang picture frame at walang pag-aalinlangang binato ito kay Lea. Narinig naman ito ni Manang Glo.
"Sir Aga! Ano pong ginawa niyo kay ma'am?" Bakas ang matinding pag-aalala sa mukha ni Manang Glo.
"Huwag kang lalapit!"
"Sir! Hindi niyo po ba naaalala si Mam Lei? Siya po ang nag-alaga sa inyo, bakit niyo po ginawa ito sa kanya?" Naiyak na si Manang Glo sa sobrang pag-aalala sa nahimatay na si Lea.
"Lei, ikaw yan Lei." Natauhan na sabi ni Aga at hinawakan ang sugatang si Lea.
"Sir, jan ka lang bantayan mo si Ma'am, tatawag ako ng doktor!" Nagpa-panic na tugon ni Manang Glo.
"Lea, bakit ka may sugat? Sino ang gumawa niyan sayo?" Si Aga na pawang hindi naaalala lahat ng nangyari.
BINABASA MO ANG
Gaya Ng Dati
RomanceStory that will prove everyone that LOVE is UNCONDITIONAL. Story that will prove that with LOVE everything is POSSIBLE. Story that will prove everyone that LOVE is PATIENT. |Our MIND may not remember everything but our HEART will| |Memories with som...