Chapter 8

514 18 2
                                        

He Is Awake

=Kasalukuyang Panahon=

Pagkatapos nito ay nagising si Lea sa paulit-ulit na paggalaw ng isang bagay, nang idilat niya ang kanyang mga mata ay totoo nga ang kanyang nakita... Ginising ni Lea si Anita upang makasigurado sa kanyang nakita. Hindi sila nagkamali, totoo nga ang kanilang nakita.

"Tita!!! Gumalaw yung kamay ni Aga!" Gulat na gulat na saad ni Lea, habang tinitignan ang gumagalaw na kamay ni Aga.

"Totoo ba ito! Jusko gumagalaw na ang kamay mo Aga!" Tila ba isang milagro ang nangyaring ito, para kay Anita.

"Tita tatawagin ko lang po si Doc. Aura para i-check si Aga." Dali-daling tumayo si Lea mula sa kinauupuan upang tawagin si Doc. Aura.

Hindi pa man nakakalabas si Lea sa kwarto ni Aga ay isang bagay pa ang gumulat at nagpaluha sa kanila ni Anita. Dumilat ng unti-unti ang mga mata ni Aga, senyales na gising na si Aga. Nagmamadali namang lumabas si Lea habang tumutulo ang kanyang mga luha, tinawag niya si Doc. Aura upang malaman ang tunay na kalagayan ni Aga, agad naman silang bumalik sa kwarto ni Aga upang i-check ito.

"Excuse me lang po I will just check Sir Aga." Sinuri ng mabuti ni Doc. Aura si Aga, upang masigurong walang malaking pinsala ang ilang bahagi ng katawan ni Aga.

"Mam, ang swerte niyo po at nagising na si Sir Aga. May instances po kasi na month or year pa nakaka-recover ang mga taong kagaya ng sa situation ni Sir Aga. We just have to wait kung may amnesia po ba si Sir or wala." Agad naman na nagbigay ng malaking ngiti si Doc. Aura kay Lea at kay Anita, nang sabihin niya ito.

Maya-maya pa ay nagsalita na si Aga.

"Nasaan ako?"

"Babes nasa ospital ka." Kaagad na tugon naman ng dalaga.

"Anong nangyari?" Walang kamuang-muang na tanong ni Aga kay Lea.

"You had a car accident, hindi mo ba naaalala?" Muling sagot ni Lea sa tanong ni Aga.

"Car Accident?" Gulat na sagot naman ni Aga.

"Yes, and comatose ka for two weeks. Buti nalang babes at nagising ka kaagad." Nakangiting saad ni Lea sa binata, hindi parin siya makapaniwala na kausap na niya muli ang minamahal.

"Babes? Bakit babes ang tawag mo sa akin? Sino ka ba?" Blankong tanong ni Aga.

"I'm Lea, your fiancé don't you remember?" Mula sa tuwa ay lumungkot ang pakiramdam ni Lea.

"Lea? Wala akong naaalalang Lea na pangalan." Sagot muli ni Aga sa kanya.

"How about me anak?" Si Anita, nais malaman kung pati ba siya ay nakalimutan rin ng kanyang anak.

"Sino ka naman?" Isa pa muling tanong ni Aga, matapos niya itong itanong ay nagpakilala ang kanyang ina sa kanya.

Noon lang nila napagtanto na mayroon ngang amnesia si Aga, sunod-sunod na pumatak ang luha ni Lea mula sa kanyang mga mata, ganon din naman ang nararamdaman ni Anita. Labis na lamang ang nararamdaman nilang pagkalungkot dahil sa sinapit ng pareho nilang minamahal.

"Sir, ako na po ang magpapaliwanag. Dahil po sa naranasan niyong car accident, ay nakaranas po kayo ng isang matinding Traumatic Brain Injury na nag cause ng comatose. Actually maswerte po kayo dahil nagising kayo agad." Paliwanag ng Doktora.

"And yung nararanasan niyo ngayon, it is called 'Post-traumatic Amnesia' it is a state of confusion that occurs immediately following a traumatic brain injury in which the injured person is disoriented and unable to remember events that occur after the injury. There can be instances na habang tumatagal ang PTA ay mga bagong alaala naman ang maaaring makalimutan ni Sir Aga." Dagdag pa nito.

"Doc. Habang buhay na ba akong may amnesia?" Tanong ni Aga sa kanya.

"It depends sir, pero makakatulong kung ku-kwentuhan po kayo ni Mam Lea ng mga bagay na hindi niyo pa naaalala." Agad na sagot naman ni Doc. Aura sa katanungan ni Aga sa kanya.

"Meron pa po bang pwedeng gawin para mawala yung amnesia ni Aga?" Isa namang tanong na galing kay Lea, halata parin sa mukha niya ang pag-aalala.

"For now mam, telling stories about his past and not leaving his side are the most effective way po para makatulong kay Sir." Pagbibigay konklusyon ni Doc. Aura sa kalagayan ni Aga.

"Sige po Doc. salamat sa mga informations." Pagpapasalamat ni Aga sa doktora.

Pagkalabas ni Doc. Aura ay kaagad na nag-usisa si Aga sa kung ano ang mga alam ni Lea tungkol sa kanya. Sa bawat tanong ni Aga ay bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan dahil ni isa ay wala siyang maalala.

"Can you tell me something about us?" Nagsimula nang magpa-kwento si Aga tungkol sa mga bagay na hindi niya naaalala.

"Anong about us?" Medyo naguguluhang tanong ni Lea

"Everything about us." Tanging sagot ni Aga sa dalaga.

"2 weeks ago, actually the whole day before you had an accident is very special to us." Pag-uumpisa ni Lea, nakangiti siya ngunit may halong pait.

"Why?" Inosenteng tanong ni Aga.

"That day was our 4th Anniversary and you proposed to me for our wedding." Pagku-kwento ni Lea kay Aga habang bakas ang kalungkutan sa mukha nito.

"I'm really sorry wala talaga akong maalala. Bakit pa kasi ako nagka-ganito." Saad ni Aga, habang sinisisi ang kanyang sarili sa mga nangyari.

"Babes it's not your fault, you don't have to say sorry." Habang tuloy-tuloy na tumutulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata

"Pero kung nag-ingat lang ako, hindi mangyayari sa akin to. Hindi ka iiyak ng ganyan."

Ngayon palang ay awang-awa na siya sa kalagayan ni Lea, kung nahihirapan siya alam niyang doble ang nararamdaman ng dalaga.

"It's okay, I promise aalagaan kita and I will tell you everything that I can." Habang pinapahid ang mga luhang pumatak mula sa kanyang mga mata.

"You will always be by my side?" Tanong ni Aga

"Yes, I promise."

Tinotoo ni Lea ang kanyang pangako kay Aga, hindi niya kailanman iniwan ang binata, lagi siyang nagku-kwento tungkol sa personal na buhay ni Aga, maging tungkol sa kanilang dalawa. Lumipas ang ilan pang linggo ay pinayagan na si Aga na maka-uwi sa sariling tahanan at sa doon na lamang magpagaling.

Gaya Ng DatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon