Chapter 11

447 11 0
                                        

(A/N: Hi! Sorry for the late update dito sa edited version. I just wanted to share to you that I finally saw the Queen performing on stage at Sweeney Todd last Sunday night! And because of that I owe you 2 updated today! 😘)

Night in Shining Armor

TAGAPAGSALAYSAY:

Kinabukasan ay nag-ayang magparty/bonding sina Albert at Richard, hindi sana ito papayagan ni Lea ngunit nang sinabi ni Albert na sa bahay nalang ni Aga gagawin ang bonding ay pumayag na rin ito, hindi rin kasi siya makatanggi sa hiling ni Aga na makasama ang mga nasabing kaibigan. Buong araw silang nakatambay sa bahay ni Aga, wala ibang ginawa kundi ang magkwentuhan, manood ng pelikula, at kung anu-ano pa.

"Naalala mo nung ginawa ka nilang bida sa stage play Lei, ikaw yung diwata. Inggit na inggit ako sayo nun kasi yung crush ko yung leading man mo tapos ang ganda pa nung gown mo." Buong hayag na pagku-kwento ni Dawn ng naranasan.

"Kaya pala hindi mo ako pinansin ng isang linggo" Tawang-tawang reaksyon ni Lea.

"Bitter ka pala kay Lea, Dawn." Asar naman ni Richard kay Dawn.

"Oy! Hindi naman, slight lang."

Lalo pang lumakas ang tawa nila Lea, Dawn, Albert at Richard dahil sa kwento ni Dawn, ngunit hindi rito natatawa si Aga. Napansin naman ito ni Lea at kinausap si Aga, ngunit itinanggi ni Aga na masama ang pakiramdam niya kaya naman hindi nalang ito pinansin ni Lea.

AGA:

"Bakit ba kasi ako ang nagkaroon ng amnesia, hindi tuloy ako makasama sa kwentuhan nila, wala naman kasi akong maku-kwento sa kanila. Bwisit! Kailan ba kasi ako gagaling!"

TAGAPAGSALAYSAY:

Bakas naman ang pagka-inis ni Aga sa kanyang sarili gayundin sa kanyang sitwasyon. Nagutom naman ang mga magkakaibigan kaya naman napagpasyahan ni Lea na pumunta sa pinakamalapit na tindahan upang bumili ng kanilang makakain. Pagkalabas ni Lea ay nakalimutan niya ang kanyang wallet, akmang babalik sa loob ng bahay si Lea ng biglang may nakakita sa kanyang tatlong lalaki.

"Hi miss!" May tatlong lalaki ang lumapit sa kanya at halatang lasing ang mga ito. At ang kausap niya ngayon ay ang unang lalaki.

"Need help?" Sabi ng ikalawang lalaking lumapit sa kanya.

"No thanks!" Simpleng tugon ni Lea.

"Ako nga pala si Makoy." Pagpapakilala ng ikatlong lalaki.

"Ako naman si Lucas." Pagpapakilala ng unang lalaking pumansin kay Lea.

"Ako si Jimboy. Sumama ka naman sa amin miss." Pagpapakilala ng ikalawang lalaki, kasama ng pang-aaya kay Lea.

"Sorry pero I don't talk to strangers." Muli ay simpleng sagot lang ang ibinigay ni Lea sa kanilang tatlo.

"Tara na miss! Wag ka nang magpumiglas!" Pagpupumilit ni Jimboy.

Nakita ni Aga na naiwan ni Lea ang kanyang wallet, kaya naman ay isinunod niya ito kay Lea. Sa kanyang paglabas ay nadatnan niya na binabastos si Lea ng tatlong lalaki, kaya naman ay dali-dali niyang sinigawan ang mga ito.

"Hoy! Kayong tatlo bakit niyo siya binabastos!" Isang matapang na Aga ang biglang sumulpot.

"Ags, I can manage."

"No Lei! You can't madami sila."

"Teka-teka sino ka ba?" Tanong ni Lucas.

"I'm her fiancé!"

Nagulat naman si Lea sa sinabing iyon ni Aga, hindi niya ito inaasahan, kaya't hindi na siya nakagalaw sa kanyang pwesto.

"Fiancé pala ah! Pare alam mo na kung anong gagawin mo." Sabi ni Makoy.

Hinawakan ni Jimboy ang mga kamay ni Aga, si Makoy naman at Lucas ay sinimulang suntukin si Aga, napansin naman ni Richard at Albert na matagal nang nasa labas sina Aga at Lea kaya naman sinundan nila ito.

"Fiancé pala! Eh hindi mo nga siya kayang ipagtanggol sa amin!" Saad ni Jimboy na may kasama pang pagtawa.

"Tama na!" Naiyak nalang si Lea habang inaawat niya ang ginagawa ng tatlo kay Aga.

"Hoy! Tama na!" Biglang sigaw ni Richard nang makita na binubugbog ng tatlong lalaki si Aga.

"Bitawan niyo si Aga!" Sigaw rin ni Albert upang mapa-alis ang mga lalaki.

"Tara na pare! Umalis na tayo." Takot na tugon ni Lukas.

Matapos umalis ang mga lalaki ay nagtulong naman si Albert at Richard upang akayin ang nabugbog na si Aga, papasok sa loob ng bahay. Habang si Lea naman ay mabilis na tumakbo upang kuhain ang first aid kit. Pagkapasok sa loob nila Aga ay sinabihan sila ni Lea na kakausapin niya si Aga ng silang dalawa lang, kaya't nagpaalam narin sila Richard, Albert at Dawn sa dalawa.

Gaya Ng DatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon