Appointment
Matapos ang 1 week out-of-town vacation ay bumalik na prin sila sa Manila para asikasuhin ang restaurant. Dahil lumalago na ng lumalago ang restaurant ay madalas namang puntahan ito ni Lea upang i-monitor, dahil din dito ay medyo nawawalan na ng oras si Lea para kay Aga.
"Babes wag ka munang pumasok, ilang araw ka ng puyat dahil sa restaurant."
"Babes hindi pwede marami pa akong gagawin, remember 1 week tayong nasa Batangas, kailangang mas i-monitor yung resto ngayon tsaka maraming nagpapa-book na clients."
"Hindi ka ba talaga pwedeng lumiban muna?"
"I have many appointments today babes; 1 week of vacation is more than enough, sige na aalis na ako." Sabi ni Lea at humalik sa pisngi ng binata at saka umalis.
Maraming tao ngayon sa restaurant, hindi sila magkanda-ugaga sa pagse-serve sa mga ito. It is almost 8 pm nang may pumasok na isang pamilyar na lalake para kay Lea.
"Good evening sir, how may I help you?"
"Gusto ko lang sanang makausap yung nagma-manage sa inyo."
"Okay sir tatawagin ko lang po siya, pwede muna po kayong maupo." Sabi naman ni Madeline na isa sa mga pangunahing tumatanggap ng mga panauhin.
"Nasaan yung sinasabi mong naghahanap sa akin?"
"Sir eto na po si Ma'am Lea." Sabi ni Madeline, tumayo naman ang lalaki at bumati.
"Hi Lea nice to meet you again." Tinignan naman ni Lea ang lalaki at sinuri.
"Ian!" Sabi ni Lea ay niyakap nang mahigpit ang binata.
LEA:
"Yes babes I'm going home na, wait me nalang para sabay tayong mag-dinner."
"Okay babes, magpapatulong na akong magluto kay manang, bye I love you." Sabi ni Aga sa kabilang linya na pawang excited sa aking pag-uwi.
"Mam Lea excuse me lang po, alam ko pong pauwi na po kayo pero may naghahanap po sa inyo, nais daw po kayong makausap." Sabi ni Madeline sa akin.
"Okay sige ime-message ko nalang si Aga. Nasaan ba yung naghahanap sa akin?"
"Nasa labas po naka-upo." Lumabas kami ng kusina at luminga-linga ako sa paligid, marami paring tao kahit na pasara na ang resto, nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Nassan yung sinasabi mong naghahanap sa akin?" Muli kong tanong kay Madeline.
"Sir eto na po si Ma'am Lea." Tumayo ang isang matangkad at mestisong lalake, ang tinding niya ay katulad ng isang tao na kilala at malapit sa akin.
"Hi Lea nice to meet you again." Sabi niya, muli ay sinuri ko siya mula ulo hanggang paa.
"Ian!" Lumapit ako at hinagkan siya ng mahigpit, isa siya sa pinakamalapit sa akin noong high school.
"You can go now Mads." Sabi ko kay Madeline at tumungo naman siya bilang responde. Naupo kami ni Ian at nagsimulang magkwentuhan.
"So what brought you here?"
"Grabe naman, wala man lang bang 'kamusta ka na?' o di kaya 'anong career mo ngayon?'" Sabi ni Ian at saka tumawa.
"Okay fine, gusto mo to diba?" Tumango-tango naman siya bilang pagsang-ayon.
BINABASA MO ANG
Gaya Ng Dati
RomanceStory that will prove everyone that LOVE is UNCONDITIONAL. Story that will prove that with LOVE everything is POSSIBLE. Story that will prove everyone that LOVE is PATIENT. |Our MIND may not remember everything but our HEART will| |Memories with som...
