Chapter 36

387 29 3
                                        

Remember

=B A L I K T A N A W=

Hatid sundo, umagang umaga palang ay nasa apartment na ni Lea si Aga upang sunduin ito at ihatid sa kanyang unang klase.

"Hi bu!" Masiglang pagbati ni Aga kay Lea nang lumabas ito ng kanyang kwarto.

"Ay bastos!" Gulat na sabi naman ni Lea. "Do you have any plans of killing me?! You frightened me!" dagdag pa ng dalaga.

"Hehe, sorry na po." Tumayo si Aga, lumapit kay Lea at binigyan ito ng isang mahigpit na yakap at halik sa pisngi.

"What are you doing here?"

"Sinusundo ka."

"Kausap mo lang ako kanina, tapos nandito ka na agad?"

"Yeah, habang kausap kita nasa labas na ako ng gate."

"And how did you get in?"

"I have a duplicate key!" Bulgar naman ni Aga habang itinataas pa ang duplicate key para sa apartment ni Lea.

"And I didn't told you to do this, ang aga aga nandito ka na."

"Nanliligaw ako, and I have to make sure that you are fine before and after your class." Napabuntong hininga nalang si Lea sa sinabing ito ng binata.

"Let's eat! Nagluto na ako." Sabi ni Aga at hinain ang kanyang niluto.

"Dala mo lahat yan?" Takang tanong ni Lea, may adobo, kanin, juice, at porkchop kasing nakahain sa mesa.

"Yung kanin at ulam oo, yung juice dito ko nalang tinimpla, meron ka naman dyan sa lalagyan mo e."

"Binili mo?" Muling tanong ng dalaga.

"Nope."

"Niluto mo?!"

"Yes."

"Anong oras kang gumising?"

"4 am?" Nanlaki naman ang mata ni Lea sa narinig niya.

"What? Natulog ka pa ba? Are you okay? Baka magkasakit ka sa ginagawa mo niyan."

"I will not going to get sick, okay."

"Know the limits of your body Aga. Paano kung antukin ka sa class mo mamaya? Business Class kayo, more on computations, at hindi madali na mag-solve ng math kapag kulang sa tulog."

"Don't worry maaga akong natulog kagabi, tara na kain na tayo, baka malate ka pa madam."

***

Ilang araw na simula noong umpisahan na ligawan ni Aga si Lea, natutuwa si Lea sa ipinakikita na persistence ng binata; hatid sundo sa klase hanggang sa bahay, araw-araw na sabay sa pagkain, sabay sa paghahanap ng iba't-ibang impormasyon na kailangan sa klase sa library, hanggang sa page-ensayo ni Lea sa teatro kasama si Aga, lahat nang nangyayari sa dalaga ay alam ni Aga. Kapag pagod ay humahanap ng paraan ang binata upang mapasaya at mapawi ang pagod sa mukha ni Lea, walang araw na hindi ngumingiti si Lea bago matulog dahil alam niyang bukas makakasama niya ulit si Aga. Ngunit hanggang ngayon naguguluhan pa rin ang dalaga, na baka mali ang desisyon niyang payagan si Aga na manligaw, baga nagulat lang sila, na baka nasanay lamang sila sa presensya ng isa't-isa kaya ang akala nila ay nagmamahalan na sila, baka ma-realize nila isang araw na enchantment lang talaga at infatuation ang nararamdaman nila at hindi totoong pagmamahal.

Gaya Ng DatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon