Seya
TAGAPAGSALASAY:
Sa paglipas ng mga oras at araw ay unti-unti nang nasasanay si Lea na wala si Aga sa tabi niya, may lungkot parin siyang nadarama dahil nararanasan nila ngayon ang noo'y ikinakatakot pa lamang na mangyari ni Lea, ang magkasakitan sila at magkawalay. Natatakot siya na baka pati ang nabuong pagkakaibigan sa kanilang dalawa ay mawala.
Habang si Aga naman sa kabilang banda ay hindi nasanay at hinding-hindi masasanay na wala si Lea sa kayang tabi, hindi siya sana'y na matulog mag-isa, sa kanyang bawat paggising ay hanap niya si Lea sa kanyang tabi.
AGA:
I'm at the bar, letting time pass, forgetting every pain that Lea caused me even if it's just ephemerally. Lights are blinking, on & off, different lights are showing. The music is unstoppable, loud bangs, beats, and the DJ's playing a sound that is seemed to be understood by every single person here, but not me. Richard & Albert appeared and talked to me.
"Pare, nainom ka nanaman." Sabi ni Richard.
"Oo nga, hindi ka ba matatapos sa ganyan?" Panggagatong naman ni Albert.
"I am just doing this because Lea already left me, taken me forgranted."
"Eh ikaw din ang may kasalanan niyan e, masyado kang possessive, sinakal mo si Lea." Albert said.
"I want her."
"Sa tingin mo babalik sayo si Lea, kapag nalaman niyang pinababayaan mo ang sarili mo? Araw-araw kang nandito, nainom ng alak, you know that she doesn't want you to drink alcohol right." Richard exclaimed, and that hits me, he's right pero gusto ko munang makalimot.
"Kung wala kayong sasabihing maganda, can you please leave. Don't worry I can handle myself." Sabi ko at agad naman silang tumalima dito.
After a while a girl went beside me, ito nanaman, parang nauulit yung nangyari noong nakaraang araw. Baka maya-maya this girl will just hold my hand, go to the dance floor, end up kissing each other and baka may makahuli nanaman at magsabi kay Lea. Cool off na nga kami pero baka at the end of this night tuluyan na siyang mawala sa akin. I was about to go but the girl held my hand.
"Wait saan ka pupunta? Ayaw mo ba na katabi ako? Wala naman akong ginagawa ah." I don't know how to react, she's a stranger and now she's talking to me. Well Aga, nakipaghalikan ka nga sa isang istranghero noong nakaraang araw tapos ngayong nakikipag-usap lang sayo hindi mo alam kung paano mag-react?
"Dito ka muna, don't worry I'm harmless." Muli siyang nagsalita, sabay taas ng kanyang kanang kamay na parang nangangako pa. I sat beside her and face her, I think this is right. Talking to a stranger is right, para naman malaman ko kung anong opinion niya, and less judgement kasi if stranger ang kausap mo.
"I'm Isaiah but you can call me Seya." She said while plastering a genuine smile in her face.
"I'm Aga." Sabi ko naman at nakipag-kamay sa kanya.
"So what brings you here? Any problem? Feel free to say it to me, baka mabigyan kita ng advice." Sabi niya habang naka-ngiti parin. Hindi ko alam kung masaya lang talaga siya kaya siya ganyan ngumiti o sira ulo talaga siya.
"I love her, but she doesn't feel the same anymore."
"Ayun broken. Bakit mo naman nasabi na hindi ka na niya mahal?"
"Because she left me, kahit sinabi niyang hinding-hindi niya ako iiwan, she still left me."
"Baka naman may nagawa kang mali, kaya ka iniwan."
"Eh bakit siya kaagad na sumuko? We will suppose to get married."
"Break na talaga kayo?"
"Cool off, but still wala na siya."
"Sus, cool off lang pala. Pwede pa kayong magka-ayos, tulungan pa kita e. Pero sa ngayon halika..." She once again holds my hand and let me stand, "punta tayo sa dancefloor, wag mo muna siyang isipin kahit ngayon lang. Be happy okay." Hinila niya ako papuntang dance floor at wala na akong nagawa.
Sumayaw siya, letting every feeling inside her escape her body, she is just dancing freely, gracefully and cheer me to do the same thing she is doing. Nagpakalunod ako sa musika na aking naririnig, sumayaw ng parang walang kahit na anong pait na nadarama sa aking loob, nilabas lahat ng hinanakit at hinagpis, sana ay sapat ito upang kahit saglit ay maibsan ang lahat ng nararamdaman ko. Matapos ang isang buong sayaw ay umupo na kami, at kami'y hinihingal.
"Ang saya!" Sabi ko nang buong galak.
"Diba sabi ko sayo, you we'll enjoy this!" Sabi niya habang hinihingal parin.
"We should do this more often."
"Sure!" Sabi niya say tinggin sa kanyang orasan. "Uhm, Aga I have to go, may pasok pa kasi ako sa work bukas."
"Gusto mong ihatid na kita?"
"No need."
"No, I insist."
"Okay fine, sabi mo eh." Pumasok kami sa aking sasakyan, inihatid ko siya sa kanyang bahay, pagkahinto namin ay agad siyang nagpasalamat sa akin at sinabing mauulit muli ang aming pagkikita.
Nagpaalam na ako sa kanya at sinabing uuwi narin, buong biyahe ay nakangiti ako na parang ewan, pero ramdam ko ang saya na siya ang may dulot. Pagkarating ko sa aking tahanan ay kaagad akong tumungo sa banyo upang maligo, bago ako matulog ay muli akong nangiti habang inaalala ang oras na magkasama kami, nakatagpo ako ng isang bagong kaibigan sa isang hindi inaaasahang lugar at pagkakataon.
TAGAPAGSALAYSAY:
Hindi maiwasang mag-alala ni Lea kay Aga kaya naman ay tumawag siya kay Manang Glo upang kamustahin si Aga. Agad namang tumalima si Manang Glo kay Lea at tinignan si Aga sa kanyang kwarto at nakitang mahimbing na natutulog si Aga.
"Mam kanina po, umalis si Sir dito, pumunta nanaman po ata sa bar at uminom katulad ng mga ginagawa niya noong mga nakaraang araw."
"Nasaan na siya ngayon?"
"Natutulog na po siya mam, pero kanina po nung nakita ko siyang umuwi parang hindi po bakas sa kanya na malungkot siya, nakangiti po kasi siya bago siya pumasok sa kwarto niya." Masaya si Lea para kay Aga dahil nakakangiti na muli ito matapos lahat ng luha, ngunit hindi niya maiwasan na masaktan lalo na kapag iniisip niya na may nagpapangiti nang iba kay Aga.
"Okay manang, keep on giving me updates ah, I want to monitor Aga kahit wala ako dyan sa bahay niya okay."
"Okay po mam." Matapos nito ay ibinaba na nilang pareho ang telepono.
Ilang araw pa ang lumipas, tila bumubuti ang pakiramdam ni Aga, lumalabas siya sa kwarto na bitbit-bitbit ang kanyang ngiti, magana na muling kumain, namamasyal sa mall, park at iba pa, pero napapansin pa rin ni Manang Glo na merong isang pangalan ang laging binabanggit ni Aga sa tuwing aalis siya, "may pupuntahan lang kami ni Seya." Hindi alam ni Manang Glo kung sino ang tinutukoy ni Aga kaya naman napagpasyahan niyang sabihin ito kay Lea.
"Mam may kilala po kayong Seya?"
"Seya? Wala naman bakit."
"Nasabi ko po sa inyo na lagi nang nalabas ng bahay si Sir diba po."
"Yes, you said that. Pero who's Seya?"
"Yun po kasi yung pangalang laging binabanggit ni Sir kapag aalis siya e. Na may pupuntahan lang siya kasama yung Seya." Parang walang kahit na anong boses ang nais kumawala kay Lea nang marinig niya ang mga katagang iyon, ngunit ang kanyang isip ay may nais na isigaw, 'Kaka-alis ko lang may kapalit na ako kaagad.'
BINABASA MO ANG
Gaya Ng Dati
RomanceStory that will prove everyone that LOVE is UNCONDITIONAL. Story that will prove that with LOVE everything is POSSIBLE. Story that will prove everyone that LOVE is PATIENT. |Our MIND may not remember everything but our HEART will| |Memories with som...
