Chapter 15

522 16 2
                                        

Starting Over Again

Nagising si Lea sa ingay ng ring alert tone ng kanyang cellphone. Umupo siya upang sagutin ito.

"Hi mam, sorry for interrupting kung ano man po yung ginagawa niyo." Sabi ni Madeline (Empleyado sa restaurant na kasalukuyang pinatatakbo ni Lea) sa kabilang linya.

"No it's okay, ano bang nangyayari? May problema ba?" Tugon na tanong ni Lea.

"Mam, kulang po yung supplies natin dito sa restaurant."

"Paanong nagkulang? Diba magde-deliver yung supplier natin?"

"Pinaliwanag po nila sa amin na may problem sila with the supplies, dahil daw po kasi sa sobrang lamig ng weather sa pinagkukunan nila, nagkaroon daw po ng anggap."

"Wala na ba kayong kilala na ibang supplier?"

"Yun nga rin po Mam, nung wala pa pong amnesia si Sir yun lang po yung ni-recommend niyang supplier."

"Sige sige hahanap ako, I'll be there within an hour. Wait for me."

"Sige po Mam, sorry po ulit."

Simula nang magkaroon ng amnesia si Aga ay si Lea muna ang pansamantalang nagpapatakbo ng restaurant ni Aga.

Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Madeline ay kaagad siyang tumayo, naghanda ng mga damit na susuotin at naligo, upang mabilis na makapunta sa trabaho. Pagkatapos nito ay lumabas siya upang i-check ang almusal na inihanda ni Manang Glo, para makakain narin.

"Manang, kayo na ang bahala dito sa bahay lalong-lalo na kay Aga okay. Make sure na kakain siya ng madami and kung aalis man siya siguraduhin niyong may kasama siya."

"Yes po Mam Lea, ako na po bahala kay Sir Aga."

"Thank you, I really have to go sa resto."

Bago tuluyang umalis ay muling bumalik si Lea sa nila ni Aga upang magpaalam dito.

"Babes, I have to go. Dito ka lang ha, kain ka ng marami. Pupunta lang ako sa work." Nakangiting sabi ni Lea habang pinagmamasdan ang mahimbing parin na natutulog si Aga. Hinalikan niya ito sa noo, muli ay mataman niya itong tinignan at ginawaran ang minamahal ng isang halik sa labi.

Aalis na sana si Lea nang biglang hatakin ni Aga ang braso niya, pinaupo niya ang dalaga at sinabing,

"Good morning babes ko!"

"Good morning din babes."

"Bakit ka nakabihis, san ka pupunta?" Nagtatakang tanong ni Aga sa kasintahan.

"Pupunta lang po ako sa restaurant, may emergency lang babes. Kaya dito ka lang okay, kumain ka ng marami. Sige na alis na ako, I really have to go."

Muli ay hinatak ni Aga ang braso ni Lea na dahilan upang mapahiga ang dalaga sa kanyang mga bisig.

"I love you. Ingat ka okay, ayokong malaman na ikaw naman ang magkakaroon ng amnesia, dahil may nakabangga kang ibang sasakyan." Pag-aalalang sabi ni Aga kay Lea.

"Don't worry babes, hindi ako maaaksidente. I love you too."

Bago tuluyang umalis ni Lea ay hinalikan siya ni Aga sa noo, magkabilang pisngi, ilong at huli ay sa labi. Pagkatapos nito ay agad na pumunta si Lea sa Restaurant upang maayos na kaagad ang problema sa supplies.

Gaya Ng DatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon