Loving Moments
Pagkatapos ng kasiyahan at kainan ay inihatid na ni Aga si Lea sa condo nito. Pagdating nila sa condo ay may isang bagay na hiniling si Aga kay Lea.
"Sige na babes uwi ka na, gabi nadin." Masiglang pamamaalam ni Lea kay Aga.
"Babes." Nakangiting sambit ni Aga.
"Yes?"
"Pwede bang dito ako matulog?" Anito kay Lea.
"Ano nanaman yang drama mo babes?" takang tanong ni Lea sa binata.
"I just want to be with you." Malambing na saad ni Aga.
"Pero lagi mo naman akong nakakasama." Saad muli ni Lea.
"Masama bang makasama ko ang mahal ko ng mas matagal?" Kunwaring nagtatampong saad ni Aga.
"Hindi naman, nagtataka lang ako."
"I just want to seize the moment, hindi natin alam kung kailan tayo mawawala sa mundo." Hindi malaman ni Lea kung ano ang gustong ipahiwatig ni Aga kaya't nagsalita siya at sinabing,
"Babes! Wag mo ngang sabihin yan. Tandaan mo ikakasal pa tayo, bawal nang bawiin yun!"
"Sinasabi ko lang naman babes, pero kung ayaw mo sige wag nalang." Sabi ni Aga na kunwari'y nagtatampo, gumana naman ang stratehiyang ito kay Lea kaya,
"Oo na po, pwede ka nang matulog dito, pero wala kang damit na pampalit."
Tumawag si Aga sa katiwala ng bahay nila at nagpahatid siya ng damit pantulog at pampasok sa condo ni Lea. Ilang saglit pa ay dumating na ang mga damit ni Aga.
"Babes ito na yung damit mo, mag-shower ka na tapos magpalit ka na." Pautos na sabi ni Lea kay Aga.
"Ikaw ba hindi ka magsa-shower?"
"After you nalang." Walang emosyong sagot ni Lea.
"Ayaw mo bang magsabay tayo?" Pang-aakit ni Aga sa dalaga.
"Babes ang manyak mo!" Natatawang sabi ni Lea, na may kasamang paghagis ng damit patungo sa mukha ni Aga.
Pagkatapos maligo ni Aga ay sumunod naman si Lea. Pagkatapos maligo ni Lea ay matutulog na sila, kaso ay may pino-problema si Aga.
"Babes, tulog na tayo." Pang-aaya ni Lea.
"Babes, saan nga pala ako matutulog?" problemadong tanong ni Aga.
"Dyan, sa sofa." Walang kagatol-gatol na tugon ni Lea.
"Pero, wala akong unan."
"Bibigyan kita, marami ba ang gusto mo?"
"Wag na lang. Eh, ikaw saan ka matutulog?"
"Sa kama ko, bakit?" Saad ni Lea habang nakangiti.
"Pwede ba akong tumabi? Please." Nagmamaka-awang tunog ang ipinarinig ni Aga kay Lea na may kasama pang "puppy eyes"
"Hokage ka rin talaga e... Hmmm, pag-iisipan ko."
"Please" Kung kanina ay nagmamaka-awa, ngayon naman ay nagpapa-cute ang ipinapakita ni Aga sa dalaga.
"Sige na nga!" Napa-buntong hininga nalang si Lea.
Mapayapang natutulog si Lea habang yakap yakap siya ng bisig ni Aga. Hindi naman mapigilan ni Aga ang titigan magandang mukha ng kanyang magiging asawa. Paulit-ulit niyang hinahaplos ang mukha ng kanyang kasintahan.
AGA:
"I love you & I don't know how to live without you, I am very blessed that I have you, na ikaw ang mapapangasawa ko. Lahat na nasa iyo, you're really an 'Ideal Wife,' and I know that you will be a great mother to our future children."
Pagkatapos kong titigan ng walang humpay si Lea ay unti-unti nang pumikit ang aking mga mata at tuluyan nang nakatulog. Kinaumagahan ay maaga akong bumangon upang pumasok sa aking trabaho. Habang si Lea naman ay nahihimbing, naisipan ko naman na ipagluto siya ng isang espesyal na umagahan.
TAGAPAGSALAYSAY:
Nang magising si Lea ay hinanap niya agad si Aga, ngunit wala na ito. Isang note nalang ang kanyang nadatnan na galing ka Aga.
Good morning babes! Maaga akong umalis, kasi maraming gagawin sa work. Sorry hindi na kita ginising, ang himbing kasi ng tulog mo. By the way the breakfast is ready, you just have to eat. Ako nagluto non!
Babes
Hindi naman naiwasang kiligin si Lea sa sulat na iniwan sa kanya ni Aga. Sinubukan niyang tawagan si Aga ngunit hindi ito sumasagot, tinawagan niya ito ulit ngunit cannot be reach na. Inisip na lang ni Lea na busy ito sa trabaho o di kaya'y may meeting na hindi pwedeng istorbohin kaya hindi ito nakakasagot.
Kinahapunan ay wala siyang magawa kaya nag-send siya ng SMS kay Dawn, para meron naman siyang pagkaabalahan habang wala pa si Aga. Habang nagku-kwentuhan sina Dawn at Lea ay may biglang tumawag.
"Sino yan gurl?" Pakialamerang tanong ni Dawn
"Si Aga" Sagot ni Lea, habang hindi maipinta ang ngiti sa labi.
"Ayan na pala yung kanina mo pang hinihintay. Sabi ko sayo busy lang!" Iba rin ang ngiti sa mukha ni Dawn na sobrang saya para sa kanyang Beshie.
"Hello babes." Si Lea, habang sinasagot ang tawag.
"Mam, kayo po ba si Ms. Lea Salonga?" Sagot sa kabilang linya mula sa di pamilyar na boses.
"Yes." Agad na sagot ni Lea.
"Mam, kaano-ano po kayo ni Mr. Muhlach?" Isa pa muling tanong ng babae sa kabilang linya.
"Im his fiancé. By the way, who are you?" Takang-taka na si Lea kung sino ang babae na kanina pa niya kausap.
"Mam, ako po si Aura Azarcon, I'm his doctor po." Gulat na gulat si Lea sa sinabing ito ng doktora.
"Ano pong nangyari sa kanya?" Nagpapanic na si Lea, nais na niyang malaman kung ano ang nangyari sa kasintahan.
"He had a car accident mam." Mistulang huminto ang mundo ng dalaga sa narinig niya.
"CAR ACCIDENT? Saang Ospital yan, pupunta agad ako."
"St. Lukes Medical Center po mam." Agad na sagot ni Doc. Aura.
"Okay, I'll see you there Doc. I'm already on my way." Agad na binaba ang telepono, inayos ang mga gamit at nagmamadali sa paglalakad.
"Lei, anong nangyari?" Pag-aalala ni Dawn.
"Mamaya ko na ipapaliwanag, tara na D. I have to be there." Nagmamadaling saad ni Lea.

BINABASA MO ANG
Gaya Ng Dati
RomansaStory that will prove everyone that LOVE is UNCONDITIONAL. Story that will prove that with LOVE everything is POSSIBLE. Story that will prove everyone that LOVE is PATIENT. |Our MIND may not remember everything but our HEART will| |Memories with som...