Chapter 2

994 19 4
                                        

Fourth Anniversary

Kinaumagahan, maagang bumangon si Lea at sobrang excited siya dahil magce-celebrate sila ni Aga ng kanilang ika-apat na anibersaryo, bigla namang nag ring ang telepono ni Lea at saktong si Aga ang nakita niyang tumatawag.

"Hi babes" Masiglang bati ni Lea kay Aga

"Hi! Ah babes meron nga pala akong gustong sabihin sayo."

"Ah meron din akong sasabihin sayo, pero sige mauna ka na." Gustong-gusto na ni Lea na batiin ang binata ng Happy 4th Anniversary ngunit, pina-una na niya si Aga.

"I can't go to your house mamaya kasi marami pa akong aasikasuhin, maybe tommorow or the day after tommorow."

"Ah, ganon ba, sige see you nalang pala next day babes." Halatang nalungkot si Lea sa sinabing iyon ng kasintahan.

"Ah babes diba may sasabihin ka din sa akin, ano nga pala yon?

"No it's okay it doesn't really matter babes, sige na marami ka pang gagawin so bye na." Kahit na hindi naman ito ang gusto niyang sabihin.

"Bye!" Hindi na nakapag I love you pa si Lea dahil bigla nalang ibinaba ni Aga ang kanyang telepono pagkatapos ng kanilang pag-uusap.

LEA:

"Hindi niya naalala yung anniversary namin? Hindi naman siguro. Pero, hindi niya ako binati kanina ng Happy Anniversary, ni hindi man lang siya nagsabi ng I love you sa akin."

Kahit pilit kong limutin ito ay hindi ko magawa, hindi ko maisip na nakalimutan ni Aga ang Anniversary naming dalawa. Paulit-ulit kong naririnig sa utak ko ang mga katagang "I'm busy" kaya tinawagan ko nalang si Dawn para makipagkita dito. Sa Starbucks kami magkikita ni Dawn, at ikukwento ko sa kaniya ang mga nangyari kaninang umaga.

"What? Nakalimutan niyang 4th anniversary niyo ngayon?" Atungal ni Dawn, na akala mo'y siya ang girlfriend.

"Yah, I just can't believe it, kung kailan anniversary namin saka niya nakalimutan." Kahit pigilin ko ay bakas parin sa mukha ko ang pagkalungkot.

"Ah, wait baka naman may surprise lang." Saad ni Dawn para mapagaan ang loob ko.

"No, I'm sure na wala, nasa resto nanaman yun, nagpapakapagod sa pagta-trabaho." Pagsalungat ko sa ideya ni Dawn.

"Lei, just accept the fact na kahit gilrfriend ka niya ay hindi lang sayo naikot ang mundo niya may work din siya." Nang binanggit ito ni Dawn ay napatingin ako ng masama sa kanya.

"Kaibigan ba kita Dawn o ano? Grabe yung advice mo e, nakaka-touch." May pagka-sarkastikong sagot ko sa matalik kong kaibigan.

"I just wanted to say na baka may malaking client lang sila ngayon kaya busy." Saad ni Dawn habang pinapakalma ako.

"Hindi naman ako nagre-reklamo kung busy siya sa work niya, actually natutuwa ako kasi may pinagkaka-abalahan siya."

"Eh, anong inaarte mo?" Inis na sambit ni Dawn, tila hindi niya alam kung ano ang nais kong mangyari.

"Ang akin lang, sana naman may time siya sa akin lalo na ngayong anniversary namin."

"Hay nako! Pag-usapan niyo ngang dalawa yan! Naiipit ako sa inyo, pareho ko pa naman kayong kaibigan." Hindi na alam ni Dawn ang gagawin kaya ito na lamang ang nasagot niya sa akin.

TAGAPAGSALAYSAY:

Habang sila Lea at Dawn ay nagba-bonding upang mawala sa isip ni Lea ang kung ano ang nangyari, sa kabilang dako naman ay abalang abala si Aga sa isang malaking party na magaganap mamayang gabi.

Gaya Ng DatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon