Stay With Me
Pagkaraan ng ilang sandali ay dumating ang driver ni Aga at isinugod si Lea sa ospital. Nanatili lang si Aga sa tabi ni Lea, hindi niya nilisan ang dalaga. Paggising ng dalaga ay kaagad niyang nakita si Aga na natutulog sa kanyang tabi, hinanap niya si Doc. Aura upang ipaliwanag sa kanya ang mga nangyari kay Aga.
"Doc. bakit pabago-bago ng emosyon si Aga?" nagtatakang tanong ni Lea kay Doc. Aura, agad naman siyang sinagot ng doktora.
"Paano pong pabago-bago mam?"
"Kunwari ngayon masaya siya, tapos maya-maya magagalit." Tugon ni Lea sa doktora.
"Mam, may times po ba na may kinaka-usap siya na hindi niyo nakikita? Or like hallucinations?" Pagtatanong muli ng doktora kay Lea.
"Sa pagkaka-alala ko, kinakausap niya ang sarili niya bago mangyari yung sudden change of emotions niya." Sagot ni Lea habang inaalala ang mga nangyari bago ang mistulang kaganapan.
"Mam, it's a sign of agitation and anxiety." Pagbibigay konklusyon ng doktora sa bagong kalagayang pinagdadaanan ni Aga.
"How come na agitation and anxiety yung nangyayari sa kanya?" Nag-aalalang tanong ni Lea sa doktora.
"Kinakausap niya po ang sarili niya, hindi po siya nakikisalamuha sa inyo or nagku-kwento about sa nararamdaman niya, pabago-bago rin po yung emotions niya." Pagpapaliwanag ni Doc. Aura kay Lea.
"Pero nung mga nakaraang araw naman hindi nangyayari yan sa kanya." Pagtataka ni Lea, hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa kanyang mga naririnig.
"Meron po bang nangyari na feeling niyo naiinis siya dahil feeling niya OP siya sa pinag-uusapan niyo?" pag-uusisa muli ng doktora upang mas maipaliwanag pa kay Lea ang sitwasyon ni Aga.
"Last time, nag-uusap kami nila Dawn, Albert & Richard about childhood & parang wala siya sa wisyo." Pagku-kwento pa ni Lea. Pagkatapos ng pagkukwento ni Lea ay nagbigay ng unti-unting paliwanag si doktora.
"Exactly mam, naiinis siya dahil wala siyang maalala, nao-OP siya dahil wala siyang makwento about his childhood. Another thing po pala about PTA Patients na hindi ko nasabi, they can have anxiety, agitation and rapid changes in mood." Saad ng doktora.
(Agitation: Also called psychomotor agitation. Psychological and physical restlessness, manifested by pacing, handwringing, or other activity, sometimes occurring as a symptom of severe depression, schizophrenia, or other mental disorder.)
"And last time doc, feeling niya hindi niya ako kayang ipagtanggol sa mga pwedeng bumastos sa akin. Kaya nagtampo siya." Muli pang nagdagdag si Lea sa mga napapansin niya kay Aga noong mga nakaraang araw.
"Well, this kind of condition needs an extraordinary patience, mas matindi pa sa pasensya niyo nung unang beses siyang hindi makaalala. He can be so makulit, na kapag hindi nasunod ang gusto ay bigla nalang magwawala." Ngayon ay naipaliwanag na ni Doc. Aura ng mas malalim kay Lea.
"I can do it naman Doc. kasama ko naman po sa bahay si Manang Glo." Positibong tugon naman ni Lea sa doktora, nagsalita namang muli si Doc. Aura.
"Pero mam, if hindi niyo na kaya yung pabago-bagong emotions ni Sir, we have to bought him to mental facility, mas appropriate kasi yung pag-aalaga doon." Pagbibigay suhestiyon ng doktora kay Lea.
Habang sinasabi naman ito ni Doc. Aura sakto namang dumilat na ang mga mata ni Aga at nagising, narinig niya ang sinabi ni Doc. Aura at
"Mental facility? Dadalhin ako doon? Hindi ako baliw!" Gulat na gulat at takot na takot si Aga habang sinasambit niya ang mga salitang ito.
"Babes kalma, hindi ka dadalhin doon okay. Ako ang mag-aalaga sa iyo." Agad namang sabi ni Lea upang kumalma si Aga.
"Babes, wag mo akong ipamimigay please." Tunog na parang isang batang takot na takot sa maaaring kumuha sa kanya ang ipinarinig ni Aga kay Lea.
"I promise, I will never leave you and I will never give you to them, okay." Si Lea habang hawak-hawak ang kamay ni Aga.
"Promise?" Tugon ni Aga na parang nagmamaka-awa
"Promise babes." Paninigurado ni Lea kay Aga.
"Sige po mam, tawagin niyo nalang po ako kapag may tanong pa kayo about Sir Aga's condition." Pagpapaalam ni Doc. Aura kay Aga at Lea.
"Okay, thank you Doc." Pagpapasalamat ni Lea bago tuluyang umalis ang doktora. Pagkalabas na pagkalabas ni Doc. Aura ay kaagad silang nag-usap ni Aga.
"Lei, wag mo ako ibibigay sa kanila ah." Tila isang batang nahiling ang inasal ni Aga, tinugunan naman ito ni Lea at sinabing
"Of course I'll never do that."
"I love you." Sambit ni Aga habang sinserong tinignan si Lea.
"Ags, ulitin mo nga yung sinabi mo." Gulat na gulat si Lea habang sinasabi ni Aga kaya't ito'y pinaulit niyang muli.
"Why?" Naguguluhang tanong ni Aga.
"Please, just say it again babes." Naluluha ngunit nasisiyahang sabi ni Lea kay Aga.
"I love you." Muling sabi ni Aga kay Lea kahit naguguluhan ito.
"I love you too." Tugon naman ni Lea kay Aga.
Hindi makapaniwala si Lea na sasabihin ni Aga ang mga katagang nais niyang marinig simula nang gumising ito mula sa pagkaka-aksidente. Hindi naiwasang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata, habang si Aga naman ay pinawi ang luha ng dalaga at ginawaran ito ng isang masuyong halik sa labi. Pagtapos ng isang masuyong halik ay may biglang sinabi si Aga.
"Babes uwi na tayo." Pang-aanyaya ni Aga kay Lea.
"Excuse me mam, pwede na po kayong ma-dismiss." Sabi ng doktor na naka-assign kay Lea.
"Babes, sakto pala yung gusto mo e, makakuwi na tayo." Nangingiting banggit ni Lea.
"Thank you doc." Masiglang pagbati at pasasalamat ni Aga sa doktor.
"Sige po Mam & Sir, tuloy na po muna ako." Pagpapaalam naman ng doktor sa dalawa.
BINABASA MO ANG
Gaya Ng Dati
RomanceStory that will prove everyone that LOVE is UNCONDITIONAL. Story that will prove that with LOVE everything is POSSIBLE. Story that will prove everyone that LOVE is PATIENT. |Our MIND may not remember everything but our HEART will| |Memories with som...
