(A/N: Ito na nga yung uodate para sa lahat ng nag-aabang 😂 pasensya na po kasi medyo busy this week, may inoorganize po kasi akong event nagaganapin this friday. Salamat sa pag-aantay at sa pagsuporta 💖)
Scrutiny
TAGAPAGSALAYSAY:
Nandito si Lea sa isang parke, nagmumuni-muni, iniisip niya pa rin ang mga sinabi sa kanya nila Albert at Richard.
"Hindi ko alam kung paano ako magre-react, nilalamon ako ng takot, anong nangyayari sa kanya?" sabi ni Lea sa kanyang sarili, hindi maipagkakaila ang pangamba at pag-aalala sa kanyang mukha. Habang naglalakad siya at nag-iisip ay may nakabangga siyang isang lalaki.
"Pasensya na miss." Sabi pa nito at biglang nakita si Lea. "Ikaw pala Lei." Nagulat naman si Lea sa presensya ng taong nasa kanyang harapan.
"Bakit ka nandito"
"Bawal ba ako dito?"
"Hindi naman, gusto ko lang malaman kung anong ginagawa mo."
"Namamasyal lang kami ni Seya." Naalala naman bigla ni Lea ang sinabi sa kanya nila Albert at Richard.
"Pwede ko ba siyang makilala?" Kahit medyo nag-aalangan ay kailangan niyang makilala si Seya upang malaman kung totoo ang sinabi nila Albert sa kanya.
"Lea, ito nga pala si Seya." Kita ang galak sa mukha ni Aga at gulat naman ang mababanaag kay Lea. Hinawakan ni Lea ang kamay ni Aga at hinila ito papunta sa kanyang sasakyan. Naiwan naman si Seya sa kanyang kinatatayuan.
"Saan mo ba ako dadalhin? Naiwan si Seya!"
"Aga I need to talk to you." ma-awtoridad na sabi ni Lea. Pumasok sila sa sasakyan ni Lea at agad naman niya itong pinatakbo ng mabilis.
"Lea ano ba ang pag-uusapan natin? Pwede namang doon nalang pag-usapan."
"Do you even know who that girl is?"
"Oo kilala ko siya."
"You don't know her, she is not good for you."
"Anong alam mo sa makakabuti para sa akin? Iniwan mo nga akong mag-isa e." Natahimik naman si Lea sa sinabing ito ni Aga.
"Ibaba mo na ako!" Muling sabi ni Aga.
"No, unless malaman mo ang katotohanan."
"Lea tama na, iniwan mo ako at wala ka nang karapatan sa akin."
"Oo iniwan kita, but that doesn't mean that I don't care for you." Inihinto na ni Lea ang sasakyan sa tapat ng isang establishimento, muli ay hinatak niya si Aga papasok dito.
"Where is Doctora Zachariah?" tanong ni Lea sa isang nurse sa assistance desk.
"Nasa opisinia niya po ma'am."
"Thank you." Muli ay hinawakan niya ang kamay ni Aga at tinungo ang opisina ni Dra. Zachariah.
"Anong ginagawa natin dito? Bakit Psychiatrist? Lea hindi ako baliw!"
"Hindi ko sinasabing baliw ka Aga, kailangan lang nating pumunta dito para malaman mo ang totoo." Nagpumiglas si Aga sa pagkakahawak ni Lea ngunit hindi natinag si Lea hangga't sa makapasok sila sa loob ng opisina.
BINABASA MO ANG
Gaya Ng Dati
Storie d'amoreStory that will prove everyone that LOVE is UNCONDITIONAL. Story that will prove that with LOVE everything is POSSIBLE. Story that will prove everyone that LOVE is PATIENT. |Our MIND may not remember everything but our HEART will| |Memories with som...
