(A/N: Better play the song po above while reading this chapter para naman may feels, char! And yeah konting konti nalang I will be letting go with this story. Hope you support my upcoming stories pa po!)
Visit
LEA:
I'm here at the mental facility, ilang araw na simula noong kinuha nila si Aga mula sa amin, sa akin. Kaagad na umuwi si Tita Anita upang samahan ako sa bahay ni Aga. Kahit wala na siya doon ay doon pa rin ako tumutuloy, ilang araw na rin akong hindi nalabas at halos hindi kumakain, sinisisi ko parin ang sarili ko sa mga nangyayari sa kanya ngayon. If I only trusted his ways, if I only gave more patience, if I only forgave him he will not be in this situation.
Dadalawin ko siya, hoping that he will be okay in an instant, yung mga naka-assign na nurse kay Aga sinabi sa akin na sa paglipas ng mga araw ay unti-unti daw nawawala ang mga alaala niya tungkol sa kasalukuyan, natatandaan ko pa yung sinabi ni Doc. Aura noon na habang tumatagal ang PTA ay may chances na new memories naman ang mag-vanish mula sa kanyang isipan. Hindi na lang pala Schizophrenia ang dinadanas niya, naalala ko may Post Traumatic Amnesia pa rin siya, bakit naman kailangang patong-patong na dagok ang hinaharap ni Aga?
I'm here in front of his room, one single step at makikita ko na siyang muli, binuksan ng assigned nurse ni Aga ang kanyang kwarto at tumambad sa akin ang isang balisa, tulala at maputlang Aga.
"Hi babes." I said while stammering, pinipigilan kong umiyak sa harapan niya. Hindi man lang siya tumingin, nakatulala siya sa kawalan. I sat beside him, caress his cheeks, hold his hands, still he is staring somewhere that I don't know.
"Seya." He said, and I'm so hurt. I'm supposed to be the one you remember not her, because she's not true, I am true. Lumingon siya sa akin, sinuri niya ang aking mukha na pawang kinikilala niya kung sino ako.
"Ikaw, you are the one who made Seya far away from me!" Sigaw niya sa akin at bigla niyang hinawakan ng sobrang higpit ang aking braso, he is starting to be violent again.
"Aga, it hurts." Sabi ko habang pinipilit na tanggalin ang aking braso mula sa kanyang pagkakahawak, ngunit hindi siya natinag bagkus ay mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.
"Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito! I'm not insane! Nasaan si Seya!"
"Seya is not true!"
"She is true! She is the one who's with me nung naiyak ako, noong iba yung sakit na nararamdaman ko." Mula sa pagkaka-upo ay hinatak niya ng biglaan ang braso ko na naging dahilan upang mapatayo ako mula sa aking kinauupuan. Binalibag niya ako sa pinakamalapit na ding-ding.
"Nasaan si Seya!!!" Sabi niya na puno ng awtoridad, kung kanina ay braso ko lang ang kanyang hinahawakan, ngayon ay ang leeg ko na. Hindi ako makahinga, pahigpit nang pahigpit ang paghawak niya. Hanggang sa narinig ko na ang mga nurse na pupunta sa aming posisyon, binitawan ako ni Aga at ako ay biglanag bumagsak, tinurukan si Aga ng gamot dahilan upang siya ay kumalma, matapos ito ay bigla nalang dumilim ang paligid.
AGA:
I'm so mad with this lady, I don't know who she is, and even her name I can't remember pero alam ko na siya ang dahilan kung bakit nandito ako, kung bakit hindi ako makalabas, kung bakit hindi ko nakikita si Seya, that's why I want to punish her, kinuha ko ang kanyang braso at hinawakan ko ito ng mahigpit.
"Aga, it hurts." Sabi niya habang namimilipit sa sakit.
"Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito! I'm not insane! Nasaan si Seya!"
BINABASA MO ANG
Gaya Ng Dati
RomanceStory that will prove everyone that LOVE is UNCONDITIONAL. Story that will prove that with LOVE everything is POSSIBLE. Story that will prove everyone that LOVE is PATIENT. |Our MIND may not remember everything but our HEART will| |Memories with som...